Chapter 36

52 7 0
                                    

Chapter 36

“Paano maging hindi marupok?”

Sandaling nagpaalam si kuya Simon sa aming table para pumunta sa mga kaibigan, kapagkuwan ay sumunod din sina kuya Artur at Saint.

Tanging ako, si Bianca at Hale na lang ang natira sa mesa. Sina mama at papa naman ay nasa katapat na table with my aunts and uncles at ang table naman kung nasaan sina Isan ay nasa may parteng likuran ko.

Yes, he's here and he keep on texting me nonstop. Kaya mas lalo akong hindi mapakali.

Unknown:

Are you looking at Xavier? Too bad I can't play drums.

Unknown:

Can we talk? or could I at least join you on your table?

Are you mad, baby?

Napapikit ako dahil sa kakaibang bugso na aking nararamdaman. Kanina pa ako kating-kati na mag-reply pero nakakaramdam ako ng tampo. Ganito lang iyon? Ilang buwan siyang nawala tapos... baby? Really, Isan Daniel Verdejo? Dapat naiinis ako ngayon, dapat 'di ako nagpapa-apekto.

Hindi basta-basta bumibigay ang isang Keliandra Monti Señor.

Nang magmulat ako ng mga mata ay nasulyapan ko si mama, nakangisi habang nakataas ang kilay. Ngumiti ako pabalik saka ibinulsa ang cellphone bago muling itinuon sa tumutugtog na banda ang atensyon. Si Pamela ang kumakanta roon while Xavier is on drums.

But when my phone beeped once more, dinukot ko muli  iyon saka binasa ang mensahe na galing pa rin kay Isan. Unconsciously, his message put a small smile on my lips. Nakakainis.

Unknown:

Can't see you properly, miss :(

Loko talaga!

Naroon pa rin ang ngiti ko nang magtama na naman ang mga mata namin ni mama, bumaba ang tingin nito sa hawak kong cellphone saka nangingiti itong umiling-iling.

Nahiya ako bigla kaya talagang ini-off ko na ang cellphone ko.

Ilang sandali pa ay natapos na ang kanta. Napakagaling ni Pamela, walang duda kung bakit hindi mapuknat ang titig ni Xavier dito.

Maya-maya pa'y inagaw ni Adam sa baklang emcee ang mic.

“Hello everyone! This is Adam Moris, Pamela's brother. Thank you for being part of my sister's especial day today. Hope you enjoy the rest of the night but for now...” tumawa si Adam na ngayon ay nasa table na ng mga kaibigan ang tingin. Agad umugong ang hiyawan sa aking likuran kaya napalingon na rin maging ang ibang mga bisita, pero natuod yata ako at hindi ako makalingon doon.

“nais kong anyayahan sina Simon, Artur, Yael at ang magiging bagong parte ng pamilya,”

Bumilis ang tibok ng puso ko. Lalo na nang dumako ang tingin nina Bianca at Hale sa akin na bakas ang panunukso sa mga mukha. Hale's now wiggling her eyebrows habang palapad ng palapad ang ngisi.

“Isan Daniel Verdejo!”

My mind almost exploded with the noise coming from the crowd. Some are cheering, whistling but most of them were teasing me. Hindi ako halos makagalaw, nanlalamig ako samantalang pakiramdam ko'y nag-aapoy ang aking mukha.

Wala akong matingnan na kahit sino lalo pa't hindi ako sanay na tinutukso.

Sigurado akong pulang-pula na ng aking mukha.

“Ang gu-g'wapo!” Tili ng isang babae galing sa table nina Pamela.

Mabilis tumikwas ang kamay ni Bianca. “Sa akin 'yong isa d'yan, girls. Kalma!” Sabi pa nito na ikinalingon ni kuya saka kinindatan si ang magiging asawa.

Painted Memories (ISLA SERINO SERIES #1)  COMPLETED Where stories live. Discover now