Chapter 10

61 9 0
                                    

Chapter 10

“There are places where unconsciously reminds us of someone we know.”

It was past 3 in the afternoon when tito Diego called Herald. After lunch ay nauna na sa bayan ng General Nakar si tito Diego dahil may kailangan daw siyang asikasuhin sa resort kaya naman nang mag-alas tres ay pinasunod na niya kami.

It's just 20 minutes travel from Infanta to General Nakar, mabilis ang biyahe dahil wala naman ditong masyadong sasakyan. Nang makarating kami sa may arko ay pinara kami ng mga pulis, saglit na nakipag-usap si Herald doon saka kami pinatuloy.

“That was a breathtaking view!” Joana exclaimed. Ang mahabang agos ang tinutukoy niya under the long bridge connecting the two municipalities of Infanta and General Nakar.

“City hall ba iyon?” Si Liezl iyon ang tinutukoy ay ang gusali sa may kaliwa.

“May pasalubong center din d'yan, we'll pay visit there bago tayo umuwi.” It's Herald.

Hanggang sa makarating kami sa hotel and beach resort na pag-aari nina Herald ay manghang-mangha sila. At mas lalo kaming umingay nang tuluyan na kaming makababa sa van, maging ako'y gulat din because this place had so much changes. Marami ng napadagdag na gusali, may mga cottage narin at ilang malalaking pools.  At ang mas ikinagulat ko ay ang malaking hotel, wala iyon noong huling beses kaming pumunta dito.

“Close it Keliandra.” Honey chuckled ang nakaawang kong bibig ang tinutukoy.

“Ang ganda na dito.”

“Sayang di n'yo kasama si Jara, magiinuman sana ulit tayo.” Natawa ako sa sinabi n'ya. Noong nakaraang summer ay uminom kaming apat at lasing-lasing si Jara, first meeting nila iyon.

Honey is Herald's twin sister. Only few knew about that because they lived separately. Kay tita Hira si Herald samantalang ang parehong babae ay kay tito Diego.

“Ito ba ang pinaka-malaking hotel dito?” Honey shook her head.

“Kung tutuusin ay pangatlo lang itong sa amin. Ang dalawa'y pag-aari ng mga Monti Señor.” Tumango ako.

Monti Señor. Parang narinig ko na iyon sa kung saan.

“I've heard your story from Herald. Sana ayos kana.”

Tumango ako.

“Who's that girl?” kapagkuwan ay tanong niya, sabay kaming napalingon sa babaeng may hawak na camera  habang kinukuhanan ng litrato sina Maica at Liezl.

“Si Sharmae.”

“Mukhang tinamaan ang kapatid ko,” natatawang umiling si Honey saka hinila ako sa may cottage.

“Let's sit, may ikukwento ako.”

Nagkukwentuhan kami ni Honey ng dumaan sina Herald kasama 'yong lima, nagpaalam silang bababa sa may tabing dagat pero dadalhin muna sa hotel iyong mga bagahe. Si Honey nama'y nag-volunteer na s'ya nalang ang sasama sa'kin pagtataas noong mga gamit ko kaya iniwan na nila kami.

Ala-sais na at nagsisimula nang buhayin ang mga ilaw sa paligid pareho naming tinanaw iyon ni Honey nang hatakin na naman niya ako sa kung saan. Tumigil kami sa may mga pine trees malapit sa pool at inilabas niya ang kan'yang cellphone.

“I'll take a picture of you here, ang ganda mo e. I should try that hairstyle too.” Hindi na ako nakatanggi nang magsimula na s'yang kuhanan ako ng litrato. When she saw a waitress passing by she immediately caught her attention.

“Amm, miss! Pwedeng picturan mo kami?”

“Sige po ma'am!”

I smiled shyly to the camera, after a shot or two I felt something strange. I can feel like someone is looking at me, luminga-linga ako pero wala akong nakitang taong posibleng nakatingin sa akin. I shook my head.

Painted Memories (ISLA SERINO SERIES #1)  COMPLETED Where stories live. Discover now