Chapter 45

109 5 1
                                    

Chapter 45

“Another beware. May delikado sa ibaba.”

Nine thirty-three in the evening, rain is pouring, lightning and thunder was creating heavy sounds above and it was not a disturbance. We only care about is the moment of togetherness, under the cold weather, under the starless sky.

Minsan lang ang ganitong pagkakataon kasama ang mga taong parte na ng buhay natin. Having a table at the center of the squad. Drinks above. Laughters with your friends cannot be replaced by any material things you can shop. The best memories you'd get will always be warm and comfortable.

Isan:

Come home. Please.

Isan:

It's almost nine. I'm worried.

Isan:

You're with your friends?

Siniko ako ni Liezl nang mapansin na tutok ako sa cellphone. I glared at her.
“Si Sir Isan?” she asked playfully. “Alam mo umuwi ka na at mababaliw 'yan talaga. Pustahan pa tayo.”

I sighed. “Uuwi na nga. Umulan pa kasi, e.”

Jamaica's soft snores stopped us for a while. Napalingon kaming tatlo sa natutulog na kaibigan. Hindi s'ya uminom pero siya pa itong unang nakatulog. Konti lang din naman ang nainom namin, tama lang para sa kwentuhan at tawanan.

Joana chuckled at our friend who are peacefully sleeping on her bed. “Tulog ka lang d'yan Maica,” she muttered.

“Huwag mo na 'yang gisingin at dito mo na patulugin. Kami, aalis na kami maya-maya,” Liezl said.

I put back my phone inside my bag. “Oo nga. Inaantok na rin ako, e.”

A few minutes later the rain had stopped. May kulog at kidlat pa rin pero hindi na gano'n kalakas kaya umalis na kami ni Liezl. Sa akin siya sumakay ngayon dahil hinatid lang naman sila ni Jamaica kanina noong kapatid nito.

Kanina pagdating ko'y kaagad tinawagan ni Joana ang dalawa na kaagad namang dumating dahil akala'y kung ano na ang nangyari sa akin.

“Pasok ka muna at magkape tayo, Kels.”

Mabilis akong umiling saka ngumiti. “Hindi na, girl. Inaantok na ako, e.”

“O sige. Ingat ka!”

I closed the window before maneuvering the car. Then I drove as fast as I could until I reached the lower part of the cliff. I don't wanna sleep in our house tonight and also, I can't sleep without talking to him.

Kaya nga kanina ko pa pinlano na sa kan'ya ako uuwi ngayong gabi.

Madilim sa labas. Samantalang may ilang ilaw na bukas sa loob. Naisip kong baka tulog na si Isan.

'Di bale.

Nang iparada ko ang sasakyan sa labas ay napagtanto kong nagsisimula na namang umulan kaya nagmadali ako. Agad kong kinuha ang paper bag na may lamang damit ko bago ako patakbong nagtungo sa pinto. I left my bag in my car, naroon din ang cellphone ko.

Nabasa pa rin ako.

I took a deep breath before I started knocking on the door. Seconds later Isan appeared in front of me. No emotion can be seen on his face. I, on the other hand, didn't know what to do or say.

“Why are you here? Akala ko ayaw mo akong kausapin?” he said seriously.

Nag-iwas ako ng tingin, napalunok saka mariing pumikit. Humigpit ang kapit ko sa paper bag na dala. Na-realized kong mali nga ako sa parteng hindi ko maunawaan ang nararamdaman niya. He loves me that much and he sometimes doubt himself. Hindi sa wala siyang tiwala sa akin, takot lang s'yang mawala ako.
I looked at him and his brows furrowed. Nanubig ang mga mata ko bago bumagsak ang mga iyon sa kamay niya. Kinuha ko ang kaliwa saka hinalikan ang likod noon.

Painted Memories (ISLA SERINO SERIES #1)  COMPLETED Where stories live. Discover now