Chapter 29

43 6 0
                                    

Chapter 29

“Hanggang sa mapagod s'ya paglayo. Hanggang sa akin na s'ya umuwi.”

Nakilala ko si Madam Aiza bilang matapang at madiskarteng negosyante. Palagi noo'y hinahangan ko s'ya dahil sa kan'yang pananamit at kilos, astig siya kumpara sa ibang nakilala kong kaedad niya. Sa katunayan ay ito ang dahilan kung bakit ako nagpagupit ng maiksi noon, sinabi ko kay papa at nang marinig ang pangalan ni madam Aiza ay kaagad namang pumayag. Kaya pala...

Hangang-hanga ako sa dating n'ya noon but this woman is far from madam Aiza and I don't know why love her this way. Prim and soft. Her smile speaks her smooth attitude, she talk and move gracefully, malayong-malayo sa pagkakakilala ko.

Napangiti ako. Gusto ko pa siyang yakapin pero parang may pag-aalinlangan pa ako.

These kind of surprises were out of my world. Parang... ako pa ba 'to?

“Nasa laot pa si,” natigilan siya saka umiling-iling. Napansin kong namula siya saka ngumisi.

“Alam niyang darating kayo kaya pumalaot para ipanghuli ka ng sariwang isda... ng papa mo.”

Mabilis kong ipinatong ang dalawang siko ko sa lamesa saka pumangalumbaba habang nangingiti ko siyang tinitigan. Bumakas ang gulat sa kan'yang mata pero agad din namang nakabawi.

“B-bakit?”

Umangat ako at mas inilapit ang aking mukha sa kan'ya. “Bakit 'di ko po napansin?” Inosente kong tanong na ikinakunot-noo niya.

“Palagi ko po kayong nakikita pero hindi ko nahalata na...”

“Na?”

“na magka-mukha po tayo?” I was a bit hesitant to say that pero nang sumilay ang ngiti niya ay nakahinga ako ng maluwag.

Tumayo siya saka lumapit sa akin, hinikit niya ang upuan niya at tumapat sa akin. She held my hands. Nasa ibabaw na ngayon iyon ng mga tuhod ko.

When I glanced at her I saw her sad and watery eyes, nakaramdam ako ng sakit sa tanawing iyon.

“I-I am e-expecting you to be m-mean and angry with me, a-anak... Pablo is right, he raised you good and kind. Akala ko niyayabangan lang ako.”

Slowly, I brought my thumb on her cheek and wiped out the tears. Napangiti ako saka umiling.

“Bakit po naiisip n'yong magagalit ako? Matagal kong pinangarap na makita at makasama ka, ni minsan ay hindi sumagi sa isip kong dapat akong magalit.” Tumikhim ako para iwala ang sumusupil na paghikbi.

“Masyado akong abala sa paghahanap sa 'yo, kung galit ako'y hindi ko po iyon gagawin.” Binawi ko ang kamay ko ay ako naman ang humawak sa kan'ya. Umiiyak pa rin ito pero hinuli ko ang mga mata n'ya at pinakatitigan. Nang ngumiti ako'y di rin nagtagal at ngumiti rin s'ya. She looks like an angel, napakahinhin, bagay na hindi ko aakalain kung siya si madam Aiza. She disguised herself well, I'm more amazed. Alam kong ginawa niya iyon para makita ako palagi, dahil madalas sa restaurant na iyon ako ang malimit niyang nilalapitan at kinakausap.

“At wala rin po kayong dapat ihingi ng tawad dahil wala naman po kayong kasalanan. Nasabi na po ni papa pati na ni kuya Simon, naiintindihan ko po.”

Umangat ako at niyakap siya. “Gusto ko na lang pong yakapin kayo nang yakapin, para kasing hindi pa talaga rumirehistro sa akin na totoo ito.” Hindi biro ang sinabi ko pero pareho kaming natawa.

“Salamat anak, babawi kami sa'yo Keliandra...”

“Ah, ma?”

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. “Bakit anak?”

Painted Memories (ISLA SERINO SERIES #1)  COMPLETED Where stories live. Discover now