Wakas

164 6 2
                                    

Wakas

“More memories with you, love. ”

Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko si Isan mula sa hindi kalayuang mesa kasama ang mga kaibigan niya. May mga pagkakataon na nagsasalubong ang aming mga mata at napapangiti ako sa tuwing kikindatan ako nito.

Gustong-gusto ko nang umuwi dahil inaantok na ako pero pinipigilan ko lang ang sariling yayain na ang asawa. Higit isang oras pa lang mula nang dumating kami at ngayon-ngayon lang kami halos nakukumpleto.

Nilibang ko na lang muna ang sarili at sumali sa kwentuhan nang mga kaibigan. Kahit paano'y nawala ang antok ko.

The party looks simple but the story behind is elegant and historic.

Kung hindi lang sa sitwasyon ko'y siguradong ma-i-enjoy ko rin ang gabi katulad nang marami sa mga nandito.
Muli kong sinipat ang pambisig na relo nang may pailan-ilan na akong nakikitang umaalis. Alas-onse na.

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakuha agad ni Isan ang atensyon ko. Tumitig siya sa akin saglit kaya ngumiti ako dito. Ngumiti rin siya pabalik at akma na akong mag-iiwas ng tingin nang mapansin kong bahagya siyang tumayo at may sinabi sa mga kaibigan, pagkatapos ay itinuro ang direksyon ko. Napabuntong-hininga ako.

At pareho nang inaasahan ko, ilang segundo'y naramdaman ko na nga ang presensya niya.

“Let's go?” Bulong niya sa akin.

Ang ilan sa mga katabi ko na nakita ang paglapit niya ay bumati pa. Hindi na nga nagtagal at tuluyan na kaming nag-paalam.

Sa sasakyan ay talagang nakatulog na ako at nang magising ako'y nasa kama na ako at nakapulupot sa akin ang mga bisig ni Isan.

Dahan-dahan akong kinalas ang braso niya at saka bumangon. It's only two in the morning and my back hurts. Dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng gatas habang binabasa ang mga texts mula sa mga staff at supervisors ng KV's Furnitures. Matapos kong reply-an isa-isa ang mga iyon ay isinunod ko naman ang pag-review sa mga isinubmit na designs. Kailangang ma-approved ko na ang mga ito dahil kailangan na bukas.

Napangiwi ako matapos maramdaman ang muling pagkirot ng balakang. Nagmadali ako pagpasok sa kwarto saka walang sabi-sabing humiga.

“You can just rest in your office, Kels. Hindi mo naman kailangang i-check ang mga warehouse pati na ang production. May mga tauhan kang dapat gumawa noon—”

“Gusto kong masiguro na maayos ang trabaho nila, Isan. It's my business anyway.” I said stubbornly, cutting him off. My eyes even rolled unconsciously.

Isan simply nodded as if he's really convinced. May sumilay rin na ngisi sa kan'yang mga labi. “And you're my wife. I have to take care of you and,” He looked down my stomach. “our baby.”

Natigilan ako.

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay sa ganito.

Yes, our baby.

“Pwede namang once or twice a week ang pagbisita mo sa kanila. At kung maaari ay isama mo ako—”

“Sige, hindi na ako pupunta.” Muli kong putol sa kan'ya saka nakangusong lumapit at yumakap sa kan'yang baywang. “Si Daphnie na lang ang bahala muna roon.”

Tumingala ako at nagsalubong ang aming mga mata. “Mapapagod ako doon, e. Kawawa naman baby natin.” I pouted again.

Isan chuckled and crouched down to kiss my forehead. “Kayong dalawa ang mapapagod kaya tigilan mo na 'yang katigasan ng ulo mo.”

Painted Memories (ISLA SERINO SERIES #1)  COMPLETED Where stories live. Discover now