Chapter 12

51 10 0
                                    

Chapter 12

“I hate surprises, some are terrifying.”

Madaling araw palang nang umalis kami sa Quezon kaya alas-otso pasado ay nasa Serino na kami. Buong b'yahe namin pabalik ay mas naging maingay kami, pinag-usapan ang kakatapos lang na bakasyon. Nag-payahag ng iba't-ibang puna sa lugar lalo na sa mga maka-pigil hiningang tanawin na napuntahan namin sa bayan ng General Nakar, lalawigan ng Quezon.

Another collection of memories that wil always be remembered by my heart for as long as I am living. Another memories painted from the depths of my life. Memories with my new found friends, memories of new places we pay visit and the memories with someone I fell in love with.

Isan.

“Ang ganda pala don! Parang gusto ko narin tuloy mag-file ng leave para makapunta dito.” Ate Majo hysterically said.

“But it's more better kung hahanap ka po muna ng boyfriend para may kasama ka, ma'am Majo it's time to find your true love.” Pau suggested then everybody agrees but ate Majo raised her eyebrow as she stand.

“True love isn't something we can just find, true love always arrive at the right place and time. At hindi ako nagmamadali.” She said proudly.

“at h'wag ako ang problemahin n'yo go back on work, ang daming customer sa labas.” kumumpas ito at agad kaming nagpulasan para bumalik sa trabaho.

Sa counter ay inabala ko ang sarili sa pagfe-facebook hanggang sa mag-ala sais na at dumami pa lalo ang customer. Abala na ang lahat, bawat sulok ay may tao maging sa second floor ay may laman narin. Inayos ko ang sarili at ang uniporme bago tumulak patungo sa table ng mga bagong dating. I get their orders and served it afterwards. Ganoon ang trabaho namin, halos paulit-ulit lang pero nakakapagod din.

“Water?” Inabutan ako ni Sean ng bottled water, malamig iyon kaya agad kong kinuha at ininom.

“Thanks!”

“Pagod kana?” He asked as lean on the counter top.

I nodded. “A bit.”

Tumingin s'ya sa pambisig na relo. “9:56 palang, may isang oras pa. Kaya?”

“Syempre naman,” tumawa ako.

“sanay na.” dagdag ko pa.

Habang naguusap kami ni Sean ay may natanaw akong kapapasok na dalawang lalaki at muntik ko nang maibuga sa kaharap ang iniinom na tubig nang ma-realized kung sino iyong isa.

Nanginit ang pisngi ko nang magtama ang aming tingin, but his face darkened as he looked at the man in front of me. Sean is laughing at his own joke samantalang para akong tinakasan ng lakas nang ako naman ang pinukol n'ya ng masamang tingin. It's been a week since we last saw each other and I miss him so much.

Naupo sila sa hindi kalayuang mesa pero maayos kong natatanaw ang gwapo n'yang mukha mula sa pwesto ko. Si Donnie ang kumuha ng order nila pero sinadya kong tulungan s'ya sa pagsi-serve.

“I'll be there next month, sana lang maayos mo 'yan habang mas maaga...” dinig kong sabi noong kausap n'ya. Tumingin ako kay Isan pero nakakunot lang ang noo nito sa kausap at parang wala lang sa kan'ya ang presensya ko. Nakakainis.

“Wala namang magiging problema.” He replied in a low voice.

Ibinaba ko ang huling plato sa table nila. The man looked at me, he smiled. Ngumiti ako pabalik kahit na nilulukob na ng magkahalong tampo at inis na nararamdaman para kay sir Isan ayoko paring maging bastos sa harap ng customer.

Painted Memories (ISLA SERINO SERIES #1)  COMPLETED Where stories live. Discover now