Chapter 5

1.5K 99 68
                                    

Chapter 5

Visit
 
  
  
Akala ko mawawala din ang nararamdaman kalaunan nguni't hanggang sa makauwi na ay ramdam ko pa rin. My heart is still beating fast, as if I just finished running in a marathon.

Inusisa agad ni Mommy ang mga pinamili ko. She praised my taste in fashion as she checks the clothes I bought. Nga lang, nagalit siya ng malaman na hindi ako nakabili ng para kay Liam.

"Maldita ka talaga! Hindi ba sinabi kong bumili ka ng regalo para sa fiancé mo?"

"Pagod na po ako, Mommy. Nakalimutan ko nang bumili para sa kaniya," I said as an excuse.

Umismid siya. "Nakalimutan? Ang sabihin mo, kinalimutan mo talaga! I can't understand your type in men, Fayre! Andiyan na nga ang guwapo, mabait at, magalang sa harap mo, gusto mo pa ay yung lalaking walang maidudulot na maganda sa'yo!"

I sighed.

"Makakarating ito sa Daddy mo!"

Tinalikuran ko siya upang lumapit sa mahabang lamesa, malapit at kalapit lang ng sala. Inabot ko ang babasaging pitsel doon at nagsalin ng tubig sa baso. I turned back to her while drinking the water.

Nakasimangot na ngayon si Mommy, patuloy pa rin sa pag chi-check ng mga pinamili ko.

Nilapag ko ang baso sa lamesa. I went to the stairs. My left foot is already on the first step when I looked back to her.

"I can just bake cookies for him or something, Mommy. Wouldn't that be better than to give him something I only bought at the mall?" I suggested, kahit na iniisip palang ang mag bake para sa lalaking 'yon ay napapagod na.

Napa-angat ang tingin ni Mommy sa akin. The spark in her eyes tells me how she is delighted by my idea.

"That sounds great! I almost forgot, I made you attend some baking lessons back then. May paggagamitan ka na din!"

Tumango ako at mapait na ngumisi. "It's settled then."

With that, she let me leave.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga ng mapag-isa sa kuwarto ko. I threw my sling bag on my king sized bed before laying down.

I closed my eyes. And just like that, it played on my head again.

"Ingat ka sa pag-uwi,"

Mabilis akong napabangon. I groaned my frustration out. Dammit! Kanina pa sa biyahe paulit-ulit sa isip ko ang sinabi niyang 'yon! Every time it does, my heart would pound hard and I would feel nervous for some reasons!

Oo, pangkaraniwan lang na kataga iyon. Pero sa lagay ko, bilang lang ang nakapag sabi ng ganoon sa akin at puro kamag-anak pa. Siya pa lang ang unang hindi. Natural lang sigurong manibago at magulat ako. But this is too much! Nakadagdag pa ang sincerity sa boses niya ng sabihin iyon.

Sinapo ko ang aking noo at marahang minasahe iyon. I decided to take a quick bath, thinking it would pull all these unnecessary thoughts away from my mind.

It worked, thankfully. Kalmado na ako pagkalabas ng bathroom.

Wearing my midnight blue spaghetti strapped night dress, I opened my drawer and took out some books about baking to refresh my mind about it a little. Labag man sa kalooban ko ang sinabi kanina kay Mom, I need to do it. Mahirap na at baka magalit ulit si Daddy sa akin. I can't trigger him to lock me here again and take away my things like last time. Baka masira pa ang plano ko.

Five minutes, and I'm already consumed by the book that I am currently reading. Although learning it was Mommy's idea, so she could brag a skill I have to her friends, nagustuhan ko din ang pagba-bake. Siguro dahil sa tuwing ginagawa ko ito, nakakalimutan ko pansamantala ang situwasyon ko sa buhay. Sa larangan na ito kasi, everything needs to be precise. It requires a lot of focus and attention.

Nefarious LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon