Chapter 14

1.1K 71 219
                                    

Chapter 14

Lips
  
  
  
I was in a daze the whole time, hindi makapaniwala sa napagtanto. Hanggang sa tinawag na ako para mag present ay lutang pa rin ang isipan ko.

The panel threw me some questions regarding my thesis and I didn't even know how I was able to answer all of it. After that, they told me to wait for a while outside at the lobby, dahil paguusapan pa nila ang naging presentation ko.

Still in daze, I sat down on one of the silver metal bench just near the room. My mind wander to what I've realized, the reason why my mind is in this current state.

I like Samuel.

Suminghap ako. Lumipad ang palad ko patungo sa aking bibig, tinakpan ito. Ang mga mata ko'y namimilog na at malakas ang kabog ng aking dibdib.

I like Samuel!

I cannot believe it! I really fell for him! Paano 'to nangyari? Ang alam ko, pinakikisamahan ko lang siya, hinayaan na manligaw para matulungan ako sa problema ko. We meet and contact each other often because of the same reason. We only went on a date once. How did I end up liking him?

As far as I could remember, I used to hate him. Ang tingin ko sa kaniya'y isang creep na may gusto sa akin. Palaging nakamasid, humahanap ng pagkakataon na makalapit upang makausap ako. Now, I like him?!

I tried so hard to look back on our past interactions and conversations. I badly want to know why I fell for him. When did this all started and why didn't I noticed this sooner?

Or maybe... This is all just in my head.

Hindi kaya epekto lang ito ng madalang naming paguusap at pagkikita nitong mga nakaraang araw? That's a possibility.

But what if I really like him? Anong gagawin ko?

The sound of the opening door in front of me dragged me out of my thoughts. Natigil ako sa iniisip dahil pinapasok na ulit ako sa silid na nilabasan kanina para marinig ang feedback ng panel at ang resulta nang thesis defense ko.

"Congratulations, Miss Austria. You passed!" deklara ng isa sa mga judges.

Nagsitayuan ang iba pang judges, maging ang ibang naroon sa loob ng silid at pinalakpakan ako. I uttered 'thanks' as the judges went to me to shake hands while congratulating me again.

I went out of the room with a smile on my lips. I took out my cellphone, gustong ibalita kay Samuel ang naging resulta. I stopped midway. My lips formed a small gap as I stare blankly at my unfinished message for him.

I want to see him.

Pumikit ako ng mariin at sinapo ang aking noo nang mapagtanto ang nasa isip. I groaned.

And here I was having doubts on my own feelings. Well, sino nga ba ang makakatanggap agad nito? Pagkatapos mong malaman na nagkagusto ka sa taong baliw sa'yo at galit ka dati. I'm sure everyone will be in denial at first. Kaya nga mas mabuti nga sigurong puntahan ko nalang siya para makumpirma ko na din kung totoo ba itong naglalaro sa isip ko o baka guni-guni lang.

Oh, your lame excuses, Fayre!

Luckily for me, wala na akong susunod na klase pagkatapos ng thesis defense ko kaya malaya na akong umalis upang gawin ang balak.

Based on our past meetings, dismissal na nila nang ganitong oras ngayong araw o, 'di naman kaya'y may mahaba silang vacant. Nguni't minabuti ko na rin na sa harap ng Arki building maghintay para makasiguro.

Just in front of the said building, there were some patio benches with large umbrella placed on the other side of the street. Naupo ako sa isa sa mga iyon para doon siya abangan. Pinagtitinginan ako ng ilang estudyanteng nasa kabilang bench, at ng mga dumadaan. Nagkunwari na lang akong 'di sila napapansin. I tried to look busy using my cellphone.

Nefarious LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon