Chapter 17

1.1K 76 133
                                    

Chapter 17

Trust
 
    
    
Can I trust him?

Liam said he'll stop our engagement but, how sure I could be that he's telling the truth. What if he's tricking me?

Laying on my bed, I closed my eyes and covered it with my forearm. The light inside my room are dimmed. I've been laying down for a few hours now pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, marahil dahil sa dami ng iniisip.

Hindi na rin nagtagal ang mag ama matapos ang naging pag-uusap namin ni Liam sa kusina. Nanatili lang siyang tahimik at madalas ay dumadako ang paningin sa akin. Ako nama'y mag-iiwas ng tingin.

"Think about it," bulong niya sa akin nang magpaalam na silang aalis.

Bumangon ako, nawalan na ng pag-asa na makakatulog pa.

I am so torn! His offer is very tempting. If you think about it, it's a much easier route. Pero nakakapagtaka lang. Kung kaya naman pala niyang kausapin ang magulang niya para hindi matuloy ang engagement namin, why didn't he did it in the first place? He did told me he doesn't like me. Bakit kailangan pang humantong sa ganitong situwasyon bago siya kumilos?

My mind wander to Samuel and the information I heard about him. Sa ibang anggulo, maaari mong tignan na tinutulungan lang niya ang Upside Furnitures dahil kabilang na ito sa FALCO. Pero paano kung ito ang plano na matagal na niyang sinasabi sa akin? Paano kung tama ang mga hinala ni Liam? What if he's really sabotaging the Navalez' company to stop my engagement with Liam?

Nagpakawala ako ng malalim na bugtong hininga, sabay bagsak muli ng aking katawan sa kama at pumikit ng mariin.

No. If Samuel is really a con artist then he could just... deceive my Dad, right? Trick my Dad to make him stop my engagement. There's no need for him to do all of this.

Nakasanayan ko na na si Samuel ang pinag-uusapan tuwing agahan. Daddy is still investigating on him, however, they couldn't find anything na makapagdidiin na siya nga ang may kagagawan ng mga nangyayari sa mga Navalez.

"I'm sorry, William. But I think, it's the Falcutilas who's really behind all of this. Kung mayroon man kinalaman si Mr. Li dito, nasisiguro kong napagutusan lang siya ng mga ito," si Daddy nang makipagkita kay Tito William nang matapos ang imbestigasyon.

Kinagat ni Liam ang pang ibabang labi. Hindi matanggap ang kinahinatnan ng imbestigasyon.

Bumugtong hininga si Tito William. "Iyan din ang naging konklusyon ko. Ito siguro ang dahilan ng pagtanggi sa amin ng mga Falcutila. They knew they will benefit more with the Upside Furnitures who's willing to give them their ownership instead of us who only wanted a partnership,"

"What about the shares given to Samuel Li? What's the meaning of that?"

"The only reason I could see is guilt, hijo," sagot ni Dad. "Our investigators found out that Mr. Li's parents were killed by men of some of the Falcutilas opposing company, na naapakan nila. Napag initan ang magulang niya dahil siya ang tinuturong dahilan ng pagunlad ng mga Falcutila,"

Napalingon ako sa kanilang gawi. Hindi ako kasama sa kanilang usapan, nguni't dinig ko ang tinig nila mula sa kusina kung nasaan ako, kasalukuyang kumakain sa counter table.

"Guess they were taking responsibility for what happened. Isa pa, Saul Li has a huge contribution for their company' success kaya ganoon na lang ang pagaalaga nila sa naiwan nitong anak at kapatid,"

Sumimsim ng kape si Dad at ngumisi. Nagkibit balikat siya.

"Or maybe, they're eyeing the riches left to him by his deceased father. We will never know, ang mga tusong Falcutila ay pinalalabas lang na nag mamagandang loob para magkaroon ng parte sa yaman ng namayapang Li,"

Nefarious LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon