Chapter 13
Luck
Hindi ako mapakali pagkauwi. I kept on looking at my cellphone, wanting to do something yet I keep on stopping myself halfway.Wala namang mali sa ginawa ko 'di ba? Nanliligaw siya sa akin tapos nakikipag kilala siya sa iba at sa harap ko pa talaga! Pero tuwing naaalala ko ang pagtatapos ng usapan namin kanina pakiramdam ko may nagawa talaga akong mali.
I've been fighting the urge to call him about what happened. Bakit ko naman kasi siya tatawagan? Hindi ba siya ang dapat na tumawag at unang lumapit dahil siya ang may kasalanan? At bakit ko ba pinag aaksayahan ng panahon ang bagay na 'to? I shouldn't care right? Kung may kalandian siyang babae, dapat wala akong pakialam. I don't like him. Kaya lang ako pumayag na manligaw siya ay para matulungan niya ako sa problema ko. That's it!
Parehong whole day ang pasok namin nang sumunod na araw kaya hindi kami nagkita. He messaged me in the morning like usual however, I can sense that something is really off just by reading his plain messages.
Samuel: Good morning.
Ako: Good morning! Whole day ako ngayon, bukas na lang tayo magkita.
Samuel: Ako din. Sige, Faith.
He didn't message me again after that.
Inisip ko na baka busy o nasa klase lang siya kaya 'di na nag message ulit. Panay ang silip ko sa cellphone ko mula biyahe patungo ng FEU hanggang sa makarating na. I continued checking it every now and then during class, lalo na nang lunch break at sa isang oras kong vacant. Pero wala talaga.
Paulit ulit kong inalala ang mga binitawan kong salita sa kaniya sa mall. Did I said something that might have hurt his feelings? Wala naman 'di ba? Or is it because I accused him on hitting up on the woman at the boutique?
Sabi niya, hindi niya kilala, lumapit lang bigla at gustong makipag kilala. Kapani-paniwala naman. To be honest, sigurado naman akong hindi niya talaga in-entertain ang babaeng 'yon. From what I heard before at the restaurant when a woman went to him, narinig ko kung paano niya ito tinanggihan agad. Sigurado din akong hindi siya yung tipo ng lalake na mag-e-entertain ng ibang babae habang may nililigawan.
Then why did I got angry? I'm not sure myself. Bakit nga ba?
Nagkita ulit kami sa parehong café kinabukasan. I hold on to the strap of my shoulder bag tightly where my MacBook is, feeling nervous for some reasons.
I don't have classes today. Suot ko ang short floral dress na binili kong noong nakaraang araw sa mall. Ang buhok ko'y nilagyan ng kaunting alon sa dulo. I went up on the second floor kung saan kami madalas na pume-puwesto.
Just like yesterday, dry pa rin ang mga messages niya kaninang umaga. Pero kung talagang galit siya, e 'di sana siya nakipag kita sa akin ngayon. But he did so, maybe he's not angry. Baka busy lang talaga kahapon.
Nang marating ang ikalawang palapag, nahagip agad siya ng paningin ko. He's sitting on a two-seater table near the windows.
Samuel is on his uniform. Unlike me, may klase sila ngayon. May dalawang oras na vacant lang kaya nagawa niyang makipag kita sa akin ngayon.
Binagalan ko ang pag lapit para sana i-check ang mood niya mula sa malayo. Nguni't bigla siyang nag angat ng tingin sa gawi ko dahilan para magkatinginan kami, at malaman niyang narito na ako.
Sa itsura pa lang niya malalaman mo nang may mali. He looks serious as he looked at me. Gayon pa man nang makalapit na ako'y tumayo pa rin siya para maglahad ng upuan para sa akin.
I don't normally say anything when he does but, now that he's all serious and has a heavy aura around him, nagpasiya akong magpasalamat. Bilang panimula na rin ng paguusap namin.

BINABASA MO ANG
Nefarious Love
RomanceFaces of Love Series #2 Faith Reviyre Austria, part of one of the most influential and powerful clan in the Philippines. She is like a living princess with her undeniable beauty. Nilalarawan siya ng mga tao gaya ng apoy. Intimidating, and cannot be...