Chapter 15

1.2K 73 119
                                    

Chapter 15

Warning
 
  
  
"Welcome home, Dad," I said as I welcome Daddy with a light hug.

He tapped my back before pulling me away. Tiningala ko si Daddy. From this distance, kitang kita sa kaniyang mukha ang pagod na mas nagpapatingkad ng katandaan niya. My heart would ache every time I notice this in him.

I smiled bitterly as I watched him go upstairs, 'di nag abalang kamustahin ako o, si Mommy na nakatingin sa amin kanina at ngayo'y sinamahan siya paakyat sa kanilang kuwarto. I heard he has a meeting to attend to, the reason why he's in a hurry right now.

Nang tanghalian, kaming dalawa lang ni Mommy ang nasa hapag. Parehong tahimik na kumakain. Ang mumunting tunog ng kubyertos ang tanging ingay sa gitna namin.

I kept my eyes down on my plate, feeling Mommy's frequent glances at me. I raised a brow and straighten my back as I drink my water. Agad namang ibinaba ni Mommy ang tingin sa pagkain.

Pinanatili ko ang aking mga mata sa kaniya habang sumisimsim ng tubig.

I'm not sure if it's only my imagination or, Mommy has been watching me carefully these days. Palagi siyang nakamasid sa bawat galaw ko. I almost feel like I am a suspected criminal who's being followed and watched. O baka dahil ngayon lang kami nagkasama ng matagal sa bahay nang kaming dalawa lang kaya siya ganito.

Nagkibit balikat ako. Nilapag ko ang basong hawak at tumayo na. Akmang aalis nang magsalita si Mommy.

"May lakad ka ngayon?" an unusual question for her to ask.

"Wala po,"

"No group projects or... anything?"

Sandali akong napaisip bago umiling kay Mommy.

"Wala rin." I raised an eyebrow at her. "Bakit, may ipapabili ka po ba kung aalis ako, 'My?"

"Wala naman," aniya at binalik ang tingin sa pagkain. "Sige, umakyat kana sa kuwarto mo,"

I nodded. Kuryoso kong tinignan si Mommy bago nagpasiyang umakyat na. I turned my back on her and went up to my room.

Umupo ako sa harap ng aking tukador at pinulot ang cellphone kong nakalapag doon. Nagtipa ako ng mensahe.

Ako: Nakauwi na si Daddy.

I was about to send it when I thought... why not call him instead?

I giggled and dialed his number. Yes, I have Samuel's number now. He has mine too. Kinuha ko noong huli naming pagkikita. Ako na ang nanghingi, ang bagal niya kasi, e, kaya tinulungan ko na. Besides it's more convenient this way. We can contact each other whenever we want! Hindi gaya dati na kailan pang hintayin na mag online ang isa para makausap.

Haay! Ang suwerte naman ni Samuel. Ang ganda na ng nililigawan, mabait pa!

I straightened my back when he answered my call.

"Hi!" I greeted with a smile, kahit 'di naman niya nakikita.

I heard him took a deep breath on the other end before speaking.

"Hello..." he said, may pagka seryoso ang boses niya.

Ngumisi ako. I can almost imagine him panicking when he saw who's calling him. Siguro kinalma pa ng sarili kaya heto, nag tunog seryoso. Sayang, dapat pala video call nalang para nakikita ko ang itsura niya at mapagtawanan.

Kumunot ang noo ko nang marinig ang ingay sa kaniyang paligid. I even heard a girl laughing at something.

"Ang ingay naman. Nasaan ka ba?" hindi ko na napigilang itanong.

Nefarious LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon