Chapter 9
Dangerous
Life is full of unexpected happenings. Never have I thought I would find comfort from someone who's not a relative nor an acquaintance, but from someone I used to... hate and find creepy.Hindi ako iniwan ni Samuel kahit na sinabi kong ayos na ako at maaari na siyang bumalik sa hall. He kept on insisting that it's fine even if he doesn't go back.
"Naroon naman si Tito. Ayos lang na manatili ako dito, Faith." he would say every time I tell him to go back to the party.
No matter how much I order him to go back, he won't just do what I say and choose to stay with me. It's not his responsibility to keep me company. Also, it would be disrespectful to leave an event without a word. However, the more I insist him to go and he'd refuse, I feel somehow... soothed and... happy. At least there's someone who's willing to listen to me and stand by my side.
Nagpatalo na ako sa huli, 'di na siya pinilit pang umalis. Kanina gusto kong mapag-isa lalo na tuwing naaalala ang uri ng pagtitig ng mga tao sa akin sa hall. Pero ngayon na andito siya, napagtanto kong mas mabuti na rin palang may kasama ako. Baka kasi pag ako lang mag-isa ang narito sa kuwarto, lumalim lang ang pait na nararamdaman.
Or maybe because it's him kaya ayos na sa akin na may makasama. I don't know. I just feel a lot better and... relieved now that I'm with him.
I didn't think about those thoughts too much and just shrugged it off.
Nakaupo sa harap ng maliit na tukador, inaayos ko ang nagsirang make-up dahil sa pag-iyak kanina. Sumagi sa isip ko na puwedeng alisin ko nalang ang mga natira sa mukha ko, huwag nang maglagay pa dahil 'di na rin naman babalik sa party. But it won't suit the dress that I'm wearing so, here I am, redoing my light make-up.
Mula sa aking pouch, kinuha ko ang mascara. Good thing I brought some of my make-up. Wala kasi akong maisip na dalhin pa bukod sa cellphone at wallet kaya dinala ko na rin ang mga ito.
Bahagya kong tinagilid ang aking ulo so I can put some mascara nicely. On my left, I saw Samuel walking towards me from the dining table. Nakatitig siya sa repleksyon ko mula sa salamin. He looked away when he saw me watching him come closer.
I turned to the other side to put some on the left side too and to avoid his eyes.
To be honest, I'm feeling a little embarrassed for how I acted a while ago. I have never breakdown like that in front of anyone, kahit na kanila Daddy! Whenever I feel I couldn't hold back my tears, I would lock myself inside my room or somewhere no one can see and hear me. Tapos umiyak ako ng ganoon sa harap niya?! Embarrassing!
Mahina akong bumuga ng hangin nguni't sa huli'y 'di na napigilan ang pagpikit nang mariin ng mga mata. Remembering how tight I held his hand earlier is only making me crazier! Nakakahiya! Ba't mo ginawa iyon, Fayre? Baliw pa naman sa'yo ang lalakeng 'yan. Baka isipin niya lumalambot na ako sa kaniya, na unti-unti na niyang nakukuha ang loob ko! Nako!
Tumuwid ako ng upo at huminga ng malalim nang maramdaman siya sa likuran ko. I looked at him from the mirror. Nakatayo siya sa likod ko, hindi pa rin makatingin. I thought he's going to come closer to stand beside me but he didn't. Samuel sat on the edge of the bed behind me instead.
Nang makaupo 'saka palang siya tumingin sa akin. I quickly continued what I was doing. Kunwari hindi naapektuhan sa paglapit niya at para na rin maitago ang kahihiyan na nararamdaman. Tumikhim ako.
"Hindi ka pa ba hinahanap ni Tito David?" I asked, acting cool like what happened earlier was just his imagination.
Napakurap-kurap siya. I saw the side of his lips twitched. I'm not good at reading other people by looking but as transparent as he is, it definitely looks like he's suppressing a smile. Kumunot ang noo ko doon. He shook his head slowly.
BINABASA MO ANG
Nefarious Love
RomanceFaces of Love Series #2 Faith Reviyre Austria, part of one of the most influential and powerful clan in the Philippines. She is like a living princess with her undeniable beauty. Nilalarawan siya ng mga tao gaya ng apoy. Intimidating, and cannot be...