Chapter 11
Date
I answered yes to his invitation. Hindi na rin masama. Wala pa naman akong naiisip na puntahan bukas kaya mabuti na ring nagyaya siya. At least 'di na ako mamomroblema na magisip ng pupuntahan, siya na.Samuel was so happy when he heard my answer. He thanked me a couple of times that made me laugh. Date lang pero kung matuwa siya, akala mo sinagot ko na.
Hindi rin nagtagal ang paguusap namin pagkatapos no'n. Binaba ko na ang tawag. Panay na rin kasi ang sabi niyang matulog na ako, lalo na nung makita niya akong humikab.
I rolled myself on the other side and fixed my blanket on my body. 'Di pa man nagtatagal sa puwestong 'yon, umikot ulit ako sa kabilang side. It look me a few more minutes before I realized, I couldn't sleep.
Bumangon ako at sinipat ang oras mula sa wall clock. It's eleven forty in the evening. I sighed. Tuluyan na akong bumangon paalis ng kama. Naisip na bumaba para uminom ng gatas. Maybe it will help me fall to sleep.
Unfortunately, after drinking a glass of milk and tucking myself to bed, still... I couldn't fall to sleep. Palaging sumasagi sa isipan ko ang mangyayari bukas. Ang date. And every time it would, my heart would pound a bit giving me a harder time to sleep.
Am I nervous?
Tumihaya ako at minulat ang aking mga mata. I stared at the white ceiling above me. Now that I think about it, this is the first time I will go on a date, huh? Ano kayang gagawin namin bukas? Saan kami pupunta? Did he planned for this already, o baka nagpa-plano pa siya ngayon?
I scratched my head a bit forceful. Damn it, why am I thinking about this? E, kaya nga ako pumayag para hindi ko na isipan ang mga 'to, 'di ba?!
I pulled my blanket and buried myself with it while shutting my eyes tight, forcing myself to fall asleep para matigil na sa kakaisip ng mga ito.
Medyo tinanghali ako nang gising sa sumunod na araw. Inaantok pa ako at nagdadalawang isip pang umalis ng kama nang marinig ang katok sa pintuan, sumunod ang boses ng kasambahay.
"Ma'am Fayre? Pinapagising ho kayo ng Mommy n'yo. Sasama daw po kayo sa paghahatid sa Daddy niyo sa Airport,"
That woke me up. I almost forgot, ngayon na pala tutulak si Daddy patungong Iloilo para sa proyekto ng kompanya sa lugar.
"Okay! Mag-aayos lang ako. Bababa na rin ako!" I said and got off my bed.
Nakaismid akong sinalubong ni Mommy mula sa hagdanan. Her eyes scanned me from head to toe.
"Ayos na ayos ka, ah," she pointed out.
Napaisip ako kung kailan ba ako hindi nag-ayos bago umalis ng bahay, parang wala naman. I wore a spaghetti strapped black bodysuit na naka tuck in sa denim skinny jeans. The upper side of my pelvis is showing on both sides because of the high cut my bodysuit has. A few thin necklaces are hanging on my neck together with one choker with the same color. I paired my outfit for today with a ankle strapped black stilettos.
Mommy cupped my chin and pushed it to face her. Tumaas ang isang kilay niya.
"Pati make up ayos na ayos din,"
I rolled my eyes and shoved her hand lightly. "May lakad pa ako after this, Mommy."
Nilagpasan ko na siya at naglakad patungo sa dining area. Sumunod siya sa akin.
"Saan ka naman pupunta?" usisa niya.
"Anywhere,"
"Saan nga, Fayre?!"
BINABASA MO ANG
Nefarious Love
RomantikFaces of Love Series #2 Faith Reviyre Austria, part of one of the most influential and powerful clan in the Philippines. She is like a living princess with her undeniable beauty. Nilalarawan siya ng mga tao gaya ng apoy. Intimidating, and cannot be...