Chapter 21

1.2K 74 108
                                        

Chapter 21

Step
  
  
  
Ilang minuto akong nanatili doon. Tulala at halos wala sa sariling pinagmamasdan sila.

Samuel entered the restaurant with Serenity who's holding on to his arm with a huge smile on her lips. Tuwang-tuwa silang sinalubong ng Mama ni Serenity at agad na inasikaso. Just by looking at them, I could already tell that they've known him for a long time. They are so comfortable with each other.

I never felt so empty as I was that time. Ni hindi ko alam kung paano ko pa nakuhang mag drive pauwi sa ganoong estado.

Dire-diretso ako sa aking kuwarto nang makauwi. I heard Mommy calling. I ignored it. I don't think I am in the condition to answer all her questions tonight. I just want to be left alone.

I sat on the edge of my bed. Natulala ulit.

"Fayre!" Mommy called and knocked on my door. "Nakausap mo ba ang Daddy mo? Is he really planning to merge with ANA? Fayre! Buksan mo nga ito!"

I groaned.

"Mommy, please! I don't know! Leave me alone, please!" I begged.

Pumikit ako ng mariin. Ramdam ang pag-iinit ng gilid ng mga mata. Ang nasaksihan kanina'y paulit-ulit na nagbabalik sa aking isipan.

What was that? Why did Samuel went there? At paanong magkakilala sila ni Serenity at ng kaniyang pamilya?

Nanikip ang dibdib ko nang maalala ang pagyakap sa kaniya ni Serenity at ang pagbulong niya sa tainga nito. Anong ibig sabihin no'n? Are they friends? Do friends embrace each other that way? I'm new when it comes to friendship so... I don't know.

I scratched my head frustratedly.

My vision is blurry due to the tears forming in it. Inilabas ko ang cellphone ko, thinking that I should ask him about it. Nakita kong may isang mensahe at one missed call na galing sa kaniya.

Samuel:

Sorry, I was in a meeting. What is it that you want to talk about?

Meeting? So he's gonna hide it to me by lying like this, huh? Bumagsak ang balikat ko. Nanlambot ang buo kong katawan. Bakit niya tinatago, sila ba? Is he fucking cheating on me?!

Nanginig ang mga kamay ko sa galit. I gritted my teeth as I typed a reply.

Ako:

Where are you?

He replied quickly.

Samuel:

Kakauwi ko lang. Are you home?

I gritted my teeth more. Bakit tapos na siyang makipagkita kay Serenity at sa magulang nito?

Samuel:

Tatawagan kita.

Gamit ang nanginginig kong mga kamay, nagmamadali akong nagtipa para pigilan siya sa pagtawag. Nguni't 'di pa man natatapos ay nagsimula nang tumunog ang cellphone ko para sa tawag niya.

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Pinalis ko rin ang luhang kumawala dahil sa galit na namumuo sa aking sistema. I answered the call.

"Hello..."

"Hello, Faith. Nakauwi ka na?" he asked with his usual gentle tone.

Tears pooled my eyes more. Mas lalong nanikip ang dibdib ko nang marinig ang boses niya. How can he sound like this while he's fucking cheating on me? Damn it, Samuel!

"Oo,"

I quickly covered my mouth, hindi napigilan ang paghikbi. Ang mga luha ay tuluyan nang bumagsak.

Nefarious LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon