Chapter 18
Dance
"You look beautiful, Miss Austria,"Tinaasan ko lang ng kilay ang komentong iyon ng designer. Tinalikuran ko siya upang tignan ulit ang sariling repleksyon sa salamin.
Pinasadahan ko ng aking mga daliri ang malambot na tela ng white dress na suot. Malapit na ang kaarawan ni Liam kaya wala nang oras na magpatahi ng dress. I'm fitting one of their ready to wear dress, only added some details to make it look more elegant than how it already is.
"I'm fine with this one," I said casually.
"Hindi mo po ba ipapakita sa fiancé niyo, Miss?"
Huminto ako sa paghatak ng kurtina. Pumikit ako upang itago ang 'di mapigilang pag ikot ng mga mata. I nodded. Ngumisi ang baklang designer at nilahad na agad sa akin ang daan patungo sa kabilang kuwarto kung nasaan si Liam. I sighed and walked towards the next room with crossed arms.
Binuksan nito ang pintuan para sa akin. I quickly saw Liam standing tall in front of the mirror wall. He is currently fixing the cuffs of the white button down shirt that he's wearing when our eyes met through the mirror. He smirked mischievously before turning his heel to face me.
Tumaas ang kilay niya nang pasadahan ng tingin ang kabuoan ko. If not for his innocent looks, I would feel that he's looking at me with dirty thoughts.
He shook his head once. "Wow, am I really marrying you?"
My eyes twitched. I wanna show him the most disgusted face I can do, pero dahil sa mga tao sa paligid namin, pinilit kong ngumiti kahit na nasisiguro kong halata na peke ito.
Kinuha niya ang white coat at sinuot ito habang papalapit siya sa akin. His white coat and slacks paired my white dress perfectly. Pinasadahan niya ulit ako ng tingin nang makalapit na.
"It looks great on you,"
"Thanks,"
Iritado na, umapak ako palapit. Until we are practically inches away from each other. I hold his coat and pulled it down a bit, making it look like I am helping him with it. Gaya ng inaasahan ko, the designer felt awkward, it made him walk away from us. Sinipat ko ito bago pukulan ng matalim na tingin si Liam.
"Siguruhin mong hindi papalpak ang plano mong ito," may pagbabanta ang boses ko.
He smirked. "It won't, Fayre."
His playful side is back ever since I agreed to his plan. I am still doubtful at first but when I heard that Tito William is paying his huge debt from Daddy little by little, medyo nakampante na din ako.
The current state of Navalez Furnitures did not change much. Tagilid pa rin dahil sa dami ng nag pull out na investors at humihinang sales sa market gawa ng kalabang kompanya. Though some banks are allowing them to get loan, unlike before where almost every bank rejects them. Nagsimula iyon matapos kong makausap si Samuel tungkol sa plano niya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na may kinalaman siya sa pagtanggi ng mga ito sa mga Navalez.
Halata ang 'di pagsangayon ni Samuel sa gusto kong mangyari lalo na nang nalaman niya na matutuloy ang engagement namin ni Liam. Pero sa huli ay nakumbinsi ko siya.
"Hi!" I waved at the screen with a huge smile.
Tapos na kami ni Liam na sukatin ang susuotin para sa engagement party. Mag-isa akong nakaupo sa lobby ng boutique kung nasaan kami. Liam is still talking to the designer, kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na tawagan si Samuel.
Kunot ang noo, tipid siyang ngumiti pabalik.
I feel bad seeing the pain in his eyes. Alam kong ayaw niya talaga ng ideya kong ito pero, titiisin ko nalang. I don't want to drag him to my problems anymore.

BINABASA MO ANG
Nefarious Love
RomansaFaces of Love Series #2 Faith Reviyre Austria, part of one of the most influential and powerful clan in the Philippines. She is like a living princess with her undeniable beauty. Nilalarawan siya ng mga tao gaya ng apoy. Intimidating, and cannot be...