Chapter 12
Mad
Binasa ko nang isa pang beses ang t-in-ype ko sa aking MacBook bago nag angat ng tingin kay Samuel na nakaupo sa harapan ko na busy sa sarili niyang MacBook.Naramdaman niya ang pag tingin ko, dahilan ng pag angat nang mga mata niya sa akin. His brows shot up. Sandali niya pa akong tinitigan bago nagsalita.
"Tapos na?" he asked.
Tumango ako.
"Let me see,"
Nakanguso kong inikot ang MacBook ko paharap sa kaniya. Tinabi niya ang kaniya para mailapit ang akin at mabasa ng mabuti ang mga naka-type doon. I can see how fast he reads it by the way his eyes move from left to right.
Pumangalumbaba ako. I took a sipped on my iced tea as I watch him read it, waiting for his feedback.
Isang linggo na ang nakakalipas mula ng pumunta si Daddy nang Iloilo. It's been so easy to go out of the house since then. Mommy is easy to deceive after all. Sasabihin ko lang na aalis para makipagkita sa mga kaklase ko para sa group projects namin, papayag na siya. Kahit na ang totoo ay kay Samuel ako makikipagkita para magpatulong sa thesis ko.
In fairness naman sa singkit na 'to, marami siyang natutulong sa akin. He even offered to help me with my other school works. Syempre tinanggap ko na. It amazes me how he knows a lot about our subjects about Business gayong Architecture naman ang kinukuha niya. Minsan nga naiisip ko, mas mapapabilis kami kung siya nalang ang gumawa. Of course, he won't do it though. Ang gusto niya kasi ako pa rin ang gagawa. Mas maiintindihan at maipapaliwanag ko daw kasi kapag ako ang gumawa.
"Okay na 'to, just add more details." aniya at hinarap na ulit sa akin ang MacBook ko.
I sighed heavily and dragged my MacBook closer to me lazily. Samuel smiled at me before turning back to his laptop and continued whatever he was doing with it. Nagtagal ang tingin ko sa kaniya nang may maisip. I wonder if he also has some school works to do.
Sumulyap siya sa akin at nang makitang nakatitig ako'y hindi na ibinalik ang tingin sa ginagawa.
"Hmm?" he hummed lowly.
"Anong pinagkakaabalahan mo diyan? Thesis mo?" I asked.
"Hindi, Faith,"
"Oh, edi ano?"
He glanced at the screen of his MacBook before answering me. "Designing,"
"Talaga? Patingin nga!"
Sinundan ako ng mga mata niya nang tumayo ako at lumapit sa kaniya. As I stood beside him, doon ko lang napansin ang graphic tablet na nakakabit sa MacBook niya at ang pen na hawak niya.
My mouth formed an 'O' when I looked at the screen. He is really designing. It looks like a spacious museum or something with modern designs. Sa magkabilang gilid nang dinedesenyo niya ay napakaraming button na tingin ko'y para sa magdi-disenyo.
Tinukod ko ang aking kamay sa lamesa at bahagyang yumuko para matitigan ito ng maayos.
"It looks good. Ang galing mo pala," I said enthusiastically then turned to him.
Agad nagtama ang mga mata namin. His eyes widened and so did mine. My face heated rapidly and heart pounded hard nang ma-realize kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't isa. Our faces are only a few inches away from each other!
Nagmamadali akong tumayo ng tuwid. On the corner of my eyes I saw him turning his head away. A faint shade of pink can be seen on his cheeks.
I fanned my face a bit using my hand but it doesn't help when I keep on remembering how close our faces are just now that makes my face hotter!

BINABASA MO ANG
Nefarious Love
RomanceFaces of Love Series #2 Faith Reviyre Austria, part of one of the most influential and powerful clan in the Philippines. She is like a living princess with her undeniable beauty. Nilalarawan siya ng mga tao gaya ng apoy. Intimidating, and cannot be...