Chapter 24
Customer
Why is he here? Anong ginagawa niya rito? Is he here for vacation? May kikitain ba siya dito? What?!Kabadong-kabado ako. Dinig na dinig ko ang malakas at mabilis na tibok ng puso ko habang naghihintay kami ni Semi ng tricycle na masasakyan. Nasa kabilang side ng street ang sakayan kaya nakaharap kami sa dagat kung saan nakita si Samuel.
Panay ang kuwento ni Semi sa mga nangyari sa kaniya kanina sa paaralan, nguni't sa tindi ng kaba at nerbiyos ko, hindi ko na magawang pakinggan pa siya. I kept my head held low or focused on the side, nagaabang ng masasakyan. Pakiramdam ko kung magtatagal pa kami rito ay aatakihin na ako sa sobrang kaba.
Agad kong pinara ang paparating na tricycle. Nagmamadali kong giniya si Semi upang sumakay. Despite the fear flowing in my system, before I sat inside, I had the courage to glance near the shore where I saw him. He was still there. Standing tall, his longer black hair is being blown by the wind, together with his black button down shirt and black khaki pants. Samuel is facing the seaside restaurant while talking to someone over the phone.
Dahil nakatagilid at nasa iba ang atensyon, nakuha ko siyang titigan ng matagal. It's only been months since I last saw him but he matured a lot. O dahil lang sa humaba niyang buhok. He already had that dark and dangerous aura around him whenever he's serious. Now he looks more... intense and rough.
Nananatili pa rin akong balisa hanggang sa makauwi ng bahay. Panay ang pag silip ko sa bintana, natatakot na baka bigla nalang may dumating na tauhan ni Daddy para kunin ako. Hindi pa nakakatulong ang huli kong nakita na may kausap si Samuel sa cellphone. It might be Daddy! Baka ni-report na niya na narito ako!
Napabaling ako sa kusina nang marinig ang marahang pagtawa ni Nanay Teresa. My brows shot up when our eyes met. She smiled at me.
"Revi, kanina ko pa napapansin na panay ang silip mo sa labas. May hinihintay kaba? Manliligaw ba?" tanong niya.
I blinked. Masyadong bagabag ang isipan kaya kinailangan pa ng ilang segundo para iproseso ang kaniyang sinabi. I shook my head when I finally understood what she thinks I am doing.
"Ah, hindi po, 'Nay," I fake a laugh.
"Ganoon ba? Marami kasing nagkakagusto sa'yo dito sa baryo natin, maging sa kabilang baryo... Akala ko tuloy may manghaharana sa'yo,"
"Wala po!" agap ko.
"Kamusta sa trabaho? Hindi ka ba nahihirapan?"
I helped Nanay Teresa wash the dishes while talking to her about my work and other things. Pinilit kong umaktong normal at walang inaalala, ayaw na mahalata nila ang naguumapaw na kaba na nararamdaman.
Hindi ako makatulog nang gabing iyon. Papalit-palit na ako ng posisyon nguni't 'di pa rin ako makaramdam ng antok. At sa tuwing dumidilat ako, parati akong sumisilip sa bintana sa aking kuwarto. Ang ideya sa isipan ay nananatili pa rin.
Mag a-alas kuwatro nang tuluyan akong makatulog. At sa nguling pagmulat ng aking mga mata, pag silip sa bintana ang kaagad kong ginawa. My heart pounded hard when I heard the loud sound of a cars' engine. Lalo pa nang makita ko ang puting van na naka park sa harapan ng baryo.
Dali-dali akong tumayo at lumabas ng aking silid. Naabutan ko doon si Nanay Teresa na nakadungaw sa bintana, at si Tatay Joel na papalabas ng bahay.
Lumapit ako kay Nanay para dumungaw rin. I sighed in relief when I finally saw who the person inside the van was. Lumabas doon ang barangay captain na nakakasakop sa aming baryo.
"Oh, hija, gising ka na pala,"
Nakahinga na ng maluwag, nakuha ko nang ngumiti.
"Ngayon pala ang pagbisita ni Cap sa baryo natin..." sabi ni Nanay Teresa at bumaling sa akin. "Magluluto na ako ng agahan para makakain ka bago tumulak sa trabaho,"

BINABASA MO ANG
Nefarious Love
RomanceFaces of Love Series #2 Faith Reviyre Austria, part of one of the most influential and powerful clan in the Philippines. She is like a living princess with her undeniable beauty. Nilalarawan siya ng mga tao gaya ng apoy. Intimidating, and cannot be...