Chapter 36
Family Dinner
Nagpapaalam na ang araw sa kalangitan nang matapos kami sa aming pag-uusap. Naunang nagpaalam na aalis si Kuya Floyd dahil may kailangan pa daw siyang asikasuhin. While Anthony helped me first and carried my luggage to one of the guest rooms in Kuya James' mansion, kung saan ako magpapalipas ngayong gabi.Binuksan ko ang pinto ng kuwartong tutuluyan ko at tumabi upang mapasok ni Anthony ang gamit ko. Sinimangutan ko siya ng sandaling magtama ang mga mata namin nguni't binalewala lang niya ito at nagpatuloy sa pagpasok sa kuwarto. Mas lalo akong sumimangot.
"I can't believe you! Sana sinabi mo man lang sa 'kin na alam na pala nila Kuya James at Kuya Floyd ang pagbalik ko!" reklamo ko.
And here I was nervous the whole trip back to Manila and is even overthinking on what they will do or react when they see me. Alam na pala nila! No wonder I didn't see any hint of shock on their faces when they saw me a while ago.
Sumunod ako sa kaniya sa loob. Naupo ako sa kama samantalang, nilapag naman ni Anthony ang gamit ko sa tabi bago bumaling sa akin. Ngumiwi siya nang makita ang ekspresyon sa aking mukha.
"Sorry," he said. "Ang dalawang 'yon kasi, hindi papayag na makipag kita sa akin sa kung anong dahilan lang kaya sinabi ko na sakanila," paliwanag niya pa.
Namilog ang mga mata ko. "Ah! 'Wag mong sabihin na sinabi mo na din sa kanila ang tungkol kay Sam?!"
"I didn't,"
I narrowed my eyes, naghihinala. Nguni't sa huli'y bumugtong hininga na lamang.
Nakakapagtaka... ang buong akala ko ay mahihirapan akong papaniwalain sila tungkol sa amin ni Samuel. Lalo na sa parte kung bakit niya ako tinulungan noon para makatakas sa plano ni Daddy na pagpapakasal sa akin sa batang Navalez. Surprisingly though, they did believe me... that easily. Hindi ko tuloy malaman kung anong gagawin. Kung ipapaliwanag ko pa ba ng mas maigi sa kanila o maghihintay na lamang sa mga magiging tanong nila kalaunan.
I did the latter however, hanggang sa matapos ang pag-uusap namin at makauwi na si Kuya Floyd ay wala silang tinanong.
Both of us turned to the door nang marinig ang marahang katok mula doon. There stood Kuya James with his arms crossed and the side of his body leaning on the door.
"Ako na ang bahala sa pinsan natin. Umuwi ka na at baka kung ano na naman ang isipin ng asawa mo 'pag ginabi ka ng uwi," he said with a smug look on his face.
Anthony sighed. "You don't have to remind me of that,"
Confused, papalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Lalo na nang humalakhak si Kuya James. Nagsalubong ang mga kilay ko. I wanted to ask them about it, kaya lang nauna na si Anthony at nagpaalam nang aalis.
He smiled at me before making his way out of the room. I saw the warning look he gave to Kuya James as he passed by him before completely leaving the two of us alone.
I heard Kuya James mumbled something before turning back to me, now holding the doorknob.
"What was that? Is Anthony having a hard time with his wife?" I asked eagerly, masyadong na curious sa narinig.
Kuya James laughed at my curiosity. He glanced at the hallway, siguro'y chine-check kung naroon pa si Anthony at nang masigurong wala na ito, he turned back to me, now with a playful smirk on his lips.
"Why so curious? May balak na ba kayong magpakasal ng hero mo at interesado ka na sa buhay may asawa?" he asked teasingly.
My eyes widened and my cheeks heated fast. I gritted my teeth, annoyed and embarrassed at the same time.
BINABASA MO ANG
Nefarious Love
RomanceFaces of Love Series #2 Faith Reviyre Austria, part of one of the most influential and powerful clan in the Philippines. She is like a living princess with her undeniable beauty. Nilalarawan siya ng mga tao gaya ng apoy. Intimidating, and cannot be...