Chapter 3

2K 113 164
                                    

Chapter 3

Chat
 
 
   
"I'm fine here," I said and quickly unbuckled my seat belts as he stopped the car on the side.

We're still a few blocks away from the village where our mansion is. Madilim na sa labas at wala na rin tao sa daan, may mangilan-ngilan na kotse na lang ang dumadaan. But the light posts are turned on so I think I'll be fine from here.

From the corner of my vision, kita ko ang pagbaling niya at ang pagtitig sa akin habang abala ako sa pagtatanggal ng seat belts. Tumikhim siya. Alam kong gusto niyang makuha ang atensyon ko. Honestly, I just want to get out of his car already. He still creeps me out, mas lalo na ngayon na nakumpirma ko na ang matagal nang hinala na may gusto nga siya sa akin. But I'm gonna use him to pull myself out of this stupid engagement so I stopped myself from doing so.

Matapos ang ginagawa, nag-angat ako ng tingin sa kaniya at tipid na ngumiti. Ayaw ko man, kailangan ko siyang pakisamahan ng mabuti para matuloy ang plano ko.

"Thank you for the ride." I said with a hint of finality.

He swallowed hard when our eyes met. His eyes drifted elsewhere before nodding as response.

I thought that that was the signal for me to leave. Mabilis kong hinawakan ang door handle. Nakauwang na ang pinto ng sasakyan ng magsalita siya, dahilan ng pagkabitin ng aking paglabas.

"Pwede kitang ihatid hanggang sa inyo,"

Pumikit ako at palihim na umirap sa iritasyon. Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili bago siya lingunin kasabay ang pilit na pag ngiti.

"Ayos na ako dito," I said.

Both hands holding on to the steering wheel. Lumipad ang mga mata ko doon ng mapansin ang paghigpit niya sa pagkakahawak rito. He cleared his throat before turning to me. Bumalik ang tingin ko sa kaniya, it made us gaze at each other.

"There's still a few blocks left before you reach your house. Madilim na at mag-isa ka lang. It's dangerous for you to walk alone so..." hindi niya matapos ang sinasabi.

Gusto kong matawa nang maalala kung gaano siya katapang noon at ka-aggressive just to have even the smallest conversation with me. Parang natural lang at hindi nagdadalawang isip kapag may gustong mangyari o gawin. Who would have thought na may ganitong side siya?

Although gazing at me, halata ang matinding pakikipaglaban niya sa sarili upang panatilihin ang mga mata sa akin. Parang hindi niya kaya na magtagal kaming ganito. Parang nahihiya.

I pouted to hide the smirk na gustong kumawala dahil sa sobrang pagka amused sa kaniya. Kung hindi lang siya umamin kanina, iisipin ko na natatakot siya sa akin ngayon or masyadong conscious dahil Austria ang kaharap niya pero dahil nga umamin siya... Masyado 'bang malakas ang epekto ko sa kaniya? Or he's the type of guy na pag nai-inlove ay nababaliw masyado sa gusto nila?

How lame, Mr. Li.

I smiled more and shook my head slowly. My lips parted as I was about to turn down his offer in the nicest way that I could think of, nang may mapagtanto dahilan ng pagkatigil.

Wait a minute... How did he knew?

"Paano mo nalaman?" my eyes narrowed.

In a snap, my amusement turned to nervousness. The way he said it, tila ba alam niya kung gaano kalayo ang bahay namin mula rito at parang alam niya kung saan?! I want him to drop me here not just so Mommy and Daddy won't see him. The main reason is, our location is something very classified. Hindi ito dapat malaman ng kung sinu-sino lang. Lalo na ng mga taong walang kaugnayan sa pamilya namin.

Nefarious LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon