Chapter 16
Artist
Tahimik lang ako buong biyahe. Ang mga mata'y nakapako sa bintana sa aking tabi, pinagmamasdan ang lilang langit na unti-unting kinakain ng dilim. Kasabay nito ay ang isa-isang pagliwanag ng mga poste sa gilid ng daan.Patuloy na binabagabag ang isip ko. From the different side of Samuel that I saw earlier, to what Liam told me about him.
His words keeps on echoing in my mind. "Sana hindi niya pa nalalason ang isip mo." What does he mean by that? Sino ang lalason ng isip ko? Si Samuel?
Bumugtong hininga ako at hinilig ang ulo sa backrest. No matter how much I try, I just couldn't fit everything together.
My eyes shifted to Liam who's sitting in front of me. He seems busy with his cellphone, kanina pa siyang abala rito mula nang dumating kami sa Hotel. Wala pa ang mga magulang namin, kami pa lang ngayon ang umuukupa sa VIP table na ni-reserved para sa early dinner ng pamilya namin.
Gusto ko siyang tanungin tungkol sa mga sinabi niya kanina nguni't hindi ko maiwasang kabahan. From his words earlier, it sounded as if he knows something is going on between Samuel and I. Baka mas lalo lang siyang makahalata kung magtatanong pa ako. That's not good. Nobody should know about our agreement.
I received a message from Daddy saying that he's going to pick up Mommy first before heading here. Tapos na silang mag-usap ni Samuel? I wonder how it went. Was he able to change Dad's mind? I bit my lower lips, feeling tensed.
Naputol ang pag-iisip ko nang makita ang mga magulang ni Liam na papalapit sa aming table. Tumuwid ako ng upo at pinilit ang sariling ngitian ang mag asawa.
Tumayo si Liam upang salubungin ang kaniyang mga magulang. Naglahad siya ng upuan kay Tita Veronica bago bumalik sa pagkakaupo. Si Tito William ay naupo sa tabi ng kaniyang asawa. Now I feel more tensed with the three of them here.
"Good evening po," bati ko.
Ngumiti si Tito William sa akin. "Good evening din, hija,"
My eyes drifted to his wife. Her attentive look at me made me remember our last conversation. Nag-iwas ako ng tingin at pinilit panatilihin ang ngiti sa labi.
"Nasaan ang mga magulang mo, hija? Nauna ka?"
I cleared my throat. "Ah, opo. Sinundo pa po ni Daddy si Mommy sa bahay kaya..."
"Good thing I went to their office. Naabutan ko siya do'n kaya sabay na kaming pumunta dito," si Liam.
Tumango si Tito William at ngumiti ulit sa akin. I smiled back. Just like his son, he looks angelic and kind even with all the visible lines in his face because of his old age.
From my peripheral vision I saw how Tita Veronica's face light up after hearing her sons' words. Agad siyang bumaling sa akin.
"Pumunta ka ng inyong opisina?" rinig ang galak sa kaniyang boses.
Napakurap kurap ako, gulat sa biglang pagbabago ng kaniyang timpla. Marahan akong tumango.
"O-Opo," I stuttered a bit, surprised.
"Gusto ni Tito Francis na maging pamilyar na si Fayre sa opisina kaya siya sinama, Ma."
Ngumiti si Tita Veronica. "Mabuti naman kung gano'n,"
"Oh, that reminds me, I saw Mr. Li at their office too. He's with Tito Francis," dagdag ni Liam. "Mukhang may pag-uusapan pa silang dalawa kaya nauna na kami,"
Hindi nakalampas sa akin ang kakaibang tono niya nang sinabi iyon. He sounds too shady. I lift my eyes to him. He raised an eyebrow and smirked.
"Ah, I see..."
BINABASA MO ANG
Nefarious Love
RomanceFaces of Love Series #2 Faith Reviyre Austria, part of one of the most influential and powerful clan in the Philippines. She is like a living princess with her undeniable beauty. Nilalarawan siya ng mga tao gaya ng apoy. Intimidating, and cannot be...