Chapter 7

1.3K 106 274
                                    

Chapter 7
     
Priority
    
       
I was grumpy the whole day at school. Kung dati'y hindi ko binibigyan pansin ang kuryosong tingin ng mga kapuwa estudyante, today I would stare back at them with my infamous resting bitch face whenever I caught them looking. As a result, they became more distant and scared of me. Pero pakialam ko naman 'di ba?

Padarag akong pumasok sa loob ng SUV. I glanced at my cellphone. Iritado akong umirap sabay bagsak ng cellphone sa tabi ko.

Last night, I kept on telling myself that this ain't about Samuel. I am not in a bad mood because of him. Kung totoo man ang hinala ko na nag celebrate sila ng mga kaibigan niya, kasama ang babaeng 'yon, ano naman ang ikakagalit ko doon? Wala! Maybe I just got a little irritated cuz we won't get to talk about our plan to break my upcoming engagement with Liam. That's it!

On the other side, he said he likes me, right? Wouldn't he be more happy na salubungin ang birthday niya ng ako ang kausap? He really choose his friends and... that girl, huh?

Nabitin ang pagsubo ni Mommy ng kinakaing dessert ng makita ang mabilis kong paggalaw papasok ng bahay at paakyat ng hagdanan. Her head followed my move while her hand is hanging on air, holding the small spoon.

"Ma'am, miryenda po," anyaya ng kasangbahay.

"No, thanks!" I shouted as marched up to my room.

Binagsak ko ang dalang bagpack at ilang librong dala sa sahig, pagkatapos ay naupo sa kama. I looked at my cellphone again. Still, nothing.

Ang kapal din pala ng isang 'to! After giving him his chance, he'll do this to me?! Ang lakas naman ng loob niyang hindi magparamdam! He promised he will help me with my problem, tapos ganito?! Ano? Kailan niya balak ituloy ang plano, pag mag-asawa na kami ni Liam? Nakaka-gago 'to ah!

At huwag niyang maisumbat sa akin na wala din nangyayari sa "chance" na hiningi niya. Kasalanan ko ba kung sumobra ang pagka-torpe niya? Ni date hindi siya makapagyaya? What? Don't tell me, ako pa ang magyayayang mag-date kami. Ano? Nililigawan mo 'ko 'di ba? Tara, date tayo! The fuck, I will never say that!

I glared at my room door when I heard someone knocked.

"What?!"

Marahang bumukas ang pinto, tila ingat na ingat ang nagbubukas. Sumungaw ang isa sa mga kasangbahay namin, kita ang pagaalinlangan at takot sa kaniyang maamong mukha. She looked terrified after seeing my school stuff all over the floor. She looked at me with evident fear.

"Ah, Ma'am, ipapaalala ko lang po, binilin po kasi ni Sir ang party mamaya,"

Umirap ako ng maalala ang kailangan daluhan mamaya. Samuel invited Dad to come to his birthday party tonight. Of course, Dad with his weird fondness with the guy, answered yes. Only to realize on the last minute (which was yesterday night) na hindi siya puwede dahil may naka-schedule siyang meeting with the investors. Kaya ngayon ako ang inoobliga niyang dumalo at mag abot ng hinanda niyang regalo.

My evil side is screaming, telling me not to go. Na iparamdam sa kaniya kung paano ibitin sa ere. May usapan pero hindi tinutupad. Nguni't sa kabilang banda, my angel side is whispering to my ears, saying I already promised to go and it's bad to break it. Though, mas ine-entertain ng isip ko ang sinasabi ng evil side.

Bumugtong hininga ako matapos ang ilang sandaling pagtatalo ng magkabilang panig sa isip.

"What time will it start?" bakas pa rin ang iritasyon sa boses ko.

"Alas siete po, Ma'am,"

I sighed again. "Alright, I will go."

Bakit ko pa nga ba pinagiisipan ang hindi pagpunta gayong alam na alam kong 'di ko 'yon puwedeng gawin. I have to go because Daddy told me to. Also, I am forgetting, I need to get into Samuel's good side, not that I'm not already, but I am using him so even if I don't wanna go, I have to... for my freedom.

Nefarious LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon