Author's note: PLEASE DON'T PLAGIARIZE! MAKE YOUR OWN STORY. THANK YOU!
PS. THIS IS A FICTIONAL STORY! KATHANG-ISIP LANG NG AUTHOR!
‼️READ AT YOUR OWN RISK‼️
------
This is the story of Zeus Harrison's second wife, Agatha Harrison.
------
Agatha's POV:
"Thank you for choosing BBB Airlines." huling sinabi ng flight attendant bago kami pababain sa eroplano.
Pagbaba ko ay puro flash ng cameras ang sumalubong sa akin. Mabuti na lamang ay alert ang mga gwardya rito sa airport kaya naman payapa akong nakasakay sa kotse ko na kanina pa ako hinihintay.
"Ang ganda nyo pa rin maam. Walang pinagbago!" sabi ng family driver namin.
"Kayo rin ho mang Juan, bolero pa rin kayo hanggang ngayon!" nakangiting pagsagot ko naman.
Habang nasa byahe papunta sa bahay ko ay hindi ko maiwasang tumingin-tingin sa labas ng bintana.
Grabe! Halos limang taon lang akong nawala, madami na ang nagbago sa Maynila. Parang naninibago tuloy ako.
"Maam, kamusta na ho pala kayo? Maganda ho ba sa Paris?" maya-maya ay tanong ni mang Juan.
Isa akong modelo at designer. I design clothes and fortunately, nabigyan ako ng oportunidad na magtrabaho sa isa sa pinakakilalang company sa buong Paris. Ako rin ang naging modelo ng mga damit na gawa ko. Halos limang taon akong nagtrabaho roon at ngayon ay kababalik ko pa lang.
"Maganda ho roon, mang Juan. Minsan ho ay pumasyal tayo roon kung may oras." sagot ko.
"Eh.. Mukhang malabo yan maam. Medyo may edad na kami ng asawa ko." pakamot-kamot sa ulong pagsagot nya.
"Kamusta na ho pala kayo. Balita ko ay may asawa't-anak na ang bunso nyong anak." tanong ko naman.
"May nakabuntis ho maam. Ngayon ay mabuti na sila ng apo ko. Kayo ho maam, kamusta na kayo?"
Ngumiti ako ng pilit bago sumagot, "Ayos lang po ako. Maayos lang ako."
Muli akong tumingin sa labas ng bintana bago pasimpleng pinunasan ang magkabila kong pisngi. Naalala ko na naman. Naalala ko na naman ang mga sinabi nya.
"What do you want?" medyo pagalit na pagsagot nya.
"Zeus.. I'm coming home." sagot ko habang malaki ang ngiti sa mga labi ko.
"Good for you then." sagot nya.
"Zeus look at me. Aren't you happy? I'm coming home, honey." pagtanong ko.
Alam ko naman na masama ang loob nya sakin dahil sa pag-alis ko limang taon na ang nakakaraan. Hindi nya kasi gusto na umalis ako para sa pangarap ko.
"Why so cold?" malungkot na pagtanong ko.
Sa tuwing tinatawagan ko sya, palaging cold sya. Minsan ay hindi nya sinasagot ang mga tawag ko. Kapag kausap ko naman ay parang palaging mainit ang ulo at gusto nang patayin ang tawag.
"Tinatanong mo pa ba yan?" ngumisi sya bago nagpatuloy, "You left me, Agatha! Tapos ngayong okay na ako. Ngayong masaya na ako, saka ka babalik na parang walang nangyari?"
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko bago ako sumagot, "I know galit ka. Nangako ako sayo na babalik ako.. Ito na yun, Zeus. I'm coming back"
Tumingin sya sa akin mula sa screen ng laptop ko bago sya sumagot, "You're late.. Too late.."
"What do you mean?" nagtatakang pagtanong ko.
"I am married." he said.
Nang marinig ko yun ay parang sinaksak ang puso ko dahil sa sobrang sakit. He's married?!
"Why? Zeus bakit?! I told you babalik ako! Babalikan kita!" sigaw ko sa kanya.
"Sino bang nagsabi sayo na umalis ka? I proposed to you. Pero anong ginawa mo? You said no! Ang sabi mo, mas importante ang pangarap mo kaysa sakin!" sigaw nya rin.
"Limang taon lang ang hiniling ko sayo! Limang taon lang!" umiiyak na pagsagot ko.
Muli syang ngumisi bago sumagot, "Maraming nangyari sa loob ng limang taon, Agatha."
Pinunasan ko ang magkabila kong pisngi bago seryosong nagtanong sa kanya, "Sino? Kanino ka nagpakasal?"
Tumawa sya nang nakakainsulto bago sumagot, "I've been married for three years already. I married Cassandra, your dear bestfriend."
-----
Start: March 2020
End: July 27, 2020
BINABASA MO ANG
Untold Stories 2: Mistress (Completed)
General Fiction"I am already married." he said. Four words. A sentence that broke my heart into million pieces. He's married. Nagpakasal na sya. Hindi nya ako hinintay. Nagpakasal sya sa iba. At anong mas masakit? He married my bestfriend!! ------ This is the stor...