After five years...
"Salamat po." sabi ko sa family driver namin bago ako bumaba sa kotse. Kinuha naman ng mga katulong lahat ng maleta at bags ko.
Huminga ako nang malalim bago muling tumingin sa main door ng tahanang nilisan ko ng limang taon. Tahanan kung saan palaging naghihintay sakin si mommy.
Mommy.. How I miss you..
Pagkapasok ko sa loob ay ramdam ko ang pagbabago nito. Ramdam ko ang lungkot at sakit na buhat ng bahay na ito. Walang pamilyang sumalubong sa pagbabalik ko. Tanging mga katulong lang ang nandito.
"Agatha hija." napalingon ako sa pinagmulan ng boses na yun.
Agad kong niyakap si manang Celia nang makita ko sya. Sya ang mayordoma ng bahay. Sya rin ang katulong ni mommy sa pagpapalaki at pag-aalaga sakin.
"Kumusta ka na?" tanong nya na tanging ngiti lang ang sagot ko.
"O sya, magpahinga ka na at alam kong napagod ka sa byahe. Tatawagin na lang kita kapag kakain na ng hapunan." nakangiting sabi ni manang Celia.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong naupo sa kama ko. Wala pa ring pinagbago. Halatang palaging nililinis ang kwarto ko. Ang mga gamit ko na naiwan ko rito ay nandito pa rin at mukhang bago pa rin.
Tumayo na ako para maligo sa comfort room dito sa kwarto ko nang tumunog ang phone ko. Agad ko itong kinuha at napangiti nang mabasa ko kung sino ang tumatawag.
"Nicole!" masayang pagtawag ko sa kanya.
"Daddy said na kailangan mong pumunta rito sa bahay namin." sabi nya gamit ang malamig na boses.
Napabuntong-hininga ako bago sumagot, "Why so cold pinsan? Pati ba naman ikaw?"
Matagal bago sya sumagot, tila nag-iisip kung anong sasabihin. "Alam mo kung bakit, Agatha." dahil sa sinabi nya ay biglang tumulo ang luha ko.
"What did I do?" sabi ko gamit ang mahinang boses.
"Just come here tomorrow. Don't be late." huling sinabi nya bago putulin ang tawag.
Muli akong napaupo sa kama ko habang umiiyak nang tahimik. What did I do? Bakit ganun sila sakin? Una si Zeus, ngayon naman ay si Nicole.
Napatingin ako sa phone ko nang may matanggap akong mensahe galing kay Nicole. "8am tomorrow. Don't be late." basa ko sa text nya.
Maya-maya ay may bago syang mensaheng pinadala, "Don't act like a victim here, Agatha. We all know you are not."
Patuloy na tumulo ang mga luha ko dahil sa huling mensahe nya. I am not acting like a victim! Ako naman talaga ang biktima dito! Lahat sila iniwan ako! Limang taon lang at nagbago na ang lahat!
NANG makapasok sa tahanan nina Nicole ay agad akong sinalubong ng yakap ni tita Amy.
"How are you Agatha?" nakangiting pagtanong nya na sinagot ko lang din ng ngiti.
Nang makapasok kami sa dining room ay nakita ko na si tito na seryoso ang mukha, si Nicole na kasama ang asawa at kambal na anak.
Oo, natuloy ang arrange marriage nya. Kahit na ayaw nya ay natuloy pa rin ang kasal nya. Kahit na hindi sya mahal ng lalaking pinakasalan nya ay wala pa rin syang nagawa kundi sundin ang gusto ng pamilya namin.
"Tito.." pagtawag ko bago ako lumapit sa kanya at humalik sa pisngi nya.
Ningitian ko na lang si Nicole kahit na hindi nya ako pinapansin. Ganun din ang ginawa ko sa asawa nyang si Christian. Yes, si Christian na matalik na kaibigan ni Zeus.
Lumapit ako sa kambal na anak nila. Lalaki at babae. Hindi ko maiwasang mainggit. Kung hindi kaya ako umalis, may sarili na rin akong pamilya? Kung hindi kaya ako umalis, may mga anak na rin ako? Mabuti pa si Nicole. Kahit na tutol sya sa pagpapakasal kay Christian ay nabigyan naman sya ng kambal na anak.
"How are you Agatha?" tanong ni tito nang makaupo ako.
"I'm fine tito." simpleng pagsagot ko.
"A year ago, bakit hindi ka umuwi?" seryosong pagtanong nya.
Alam ko naman na itatanong nya yan pero hindi ko pa rin alam ang dapat na isagot. Bakit nga ba?
"I.. I don't know tito.. Honestly hindi ko kaya.." pagsagot ko bago nag-iwas ng tingin sa kanya.
A year ago namatay ang ama ng bansang Pilipinas. A year ago namatay ang tumayong ama ko. A year ago binawian ng buhay si lolo. A year ago nawala sya samin pero hindi ako umuwi rito dahil hindi ko kayang makita na nawala na rin sya sakin.
"I understand. Ang mahalaga ay nandito ka na." huling sabi ni tito bago kami nag-umpisang kumain.
Ang ama ni Nicole, na dating bise presidente, ay naging pangulo na ng bansa mula nang mamatay si lolo. Kahit na nagkaroon ng botohan ay sya pa rin ang gustong iluklok ng taong-bayan para maging ama ng bansa.
At dahil naging presidente na sya, mas naging mahigpit sya samin nina Nicole. Mas naghigpit sya samin lalo na sa mga anak ni Nicole na kapwa tatlong taong gulang na.
Nandito ako ngayon sa garden ng bahay nila. Mas pinili ko ritong magpahinga saglit bago ako umuwi sa bahay ko. Wala na rin namang tinanong pa si tito bukod sa kamustahin ako.
Nakatulala lang ako sa mga bulaklak nang may magsalita sa likod ko. "Bakit hindi ka pa umuuwi?"
Naramdaman kong naglakad sya papunta sa harap ko bago nya ulitin ang tanong nya. Ngumiti na lang ako sa kanya. Parang sinasabi nya na rin na hindi ako welcome dito sa bahay nila. Nakakatawa. Parang dati ay hindi kami mapaghiwalay, ngayon naman ay halos ipagtulakan na nya ako paalis ng bahay nila.
"Maya-maya pa Nicole." simpleng pagsagot ko.
"I know you're thinking on how to get Zeus back. Huwag mo nang balakin Agatha. He's happy being a husband to Cassandra and a father to their child. Huwag mo na silang guluhin pa. Huwag kang manira ng pamilya." seryosong sabi nya na parang binabantaan ako.
Unti-unting tumulo ang mga luha ko nang maalala ang sinabi ni Zeus. Tatlong taon na syang kasal kay Cassandra at may isa na silang anak na babae.
"Alam mo?" mahinang pagtanong ko.
Hindi naman sya sumagot ay alam kong alam nya. Bakit hindi nya sinabi sakin?
"Why didn't you tell me?" pagtanong ko bago humarap sa kanya.
Ngumisi sya sakin bago sumagot, "Bakit? Uuwi ka rito? Katulad ng ginawa mo noon? Uuwi ka para sa kanya pero para kay lolo hindi?"
Tuloy-tuloy na tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi nya. Mas lalo pa akong naiyak nang magsalita ulit sya.
"Kapag para kay Zeus, kayang-kaya mong umuwi rito pero para sa pamilya mo hindi! Kasal ko, inaasahan kong dadamayan mo ako. Namatay si lolo, inaasahan kong dadamayan mo kami."
Huminga sya nang malalim bago muling nagsalita, "Umuwi ka na Agatha. Huwag na huwag mo nang guluhin pa sina Zeus."
Tinitigan nya pa ako nang seryoso bago sya umalis sa garden at iwan ako. Lahat na lang sila ay iniwan ako. Si daddy, si mommy, si Zeus, si lolo at si Nicole. Sino pa? Sino pang mang-iiwan sakin?
---
![](https://img.wattpad.com/cover/216690118-288-k613871.jpg)
BINABASA MO ANG
Untold Stories 2: Mistress (Completed)
General Fiction"I am already married." he said. Four words. A sentence that broke my heart into million pieces. He's married. Nagpakasal na sya. Hindi nya ako hinintay. Nagpakasal sya sa iba. At anong mas masakit? He married my bestfriend!! ------ This is the stor...