Chapter 38:

980 17 4
                                    

Halos dalawang buwan na ang lumipas mula nang maaksidente ang anak ko. Thank God dahil hindi malala ang nangyari sa kanya.

Ayon sa pulisya ay lasing ang driver ng taxi na nakabangga sa kotseng minamaneho ng anak ko. Nakakulong sya ngayon dahil sa ginawa nya sa anak ko at sa kaibigan nito.

Ilang araw na hindi gumising ang anak ko. Ang sabi ng doktor ay darating din ang araw na magigising sya. Halos isang buwan na syang gising at nagpapagaling.

"Mommy, kailan po ako lalabas dito?" rinig kong pagtanong ng anak ko.

"Hmm, siguro ay ilang araw pa anak. Hindi pa masyadong magaling ang mga sugat mo." seryosong sagot ko.

"Miss ko na ang baby ko. Bakit ba kasi nasira ang phone ko dahil aa aksidente. Hindi ko tuloy sya makita." nakasimangot na sabi ng anak ko.

Nitong nakaraang dalawang buwan ay wala syang ibang bukang bibig kundi si Ysabel Montefalco. Alam ko namang mahal ng anak ko ang batang iyon pero hindi sila pwede. Kung kaya ko lang sabihin sa kanya ay gagawin ko pero alam kong masasaktan sya.

"Anak, do you like Steffi?" pagtanong ko na kinakunot ng noo nya.

"Mommy naman. Alam mo namang ayaw na ayaw ko dun sa babaeng yun. Makakapit sa braso ko ay parang linta. Ilang beses ko nang sinabi sa kanyang hindi ko sya gusto pero lapit pa rin nang lapit." naiinis na sabi nya.

"Paano kung.. Ikakasal kayong dalawa?"

"Mommy! Alam mo namang iisang babae lang ang papakasalan ko. Si Ysabel Montefalco lang ang magiging asawa ko at magiging ina ng mga anak ko." seryosong pagsagot nya.

Naalala ko kasi ang gustong mangyari ni Cynthia. Gusto nyang ipakasal ang anak ko sa anak nya kapalit ng pagtikom ng bibig nya. Oo nga at alam na ni Zeus ang katotohanan pero natatakot pa rin ako. Ayokong malaman ng buong mundo ang katotohanan. Ayokong madungisan ang pamilya Santiago dahil sa mga kasalanan ko.

Wala akong kakampi. Lahat sila ay kalaban ko. Sa gulong sinimulan ko, ako rin dapat ang magtatapos. Walang ibang dapat madamay sa gulong ito. Hindi si Zeus, hindi si Tiffany, hindi si Zachary, at hindi ang triplets ni Cassandra.

Iba na ang kalaban ko ngayon. Si Cynthia at ang asawa nya. Alam kong nagbabalak ang asawa nyang tumakbo bilang presidente. Balak nitong tanggalin sa pwesto ang ama ni Nicole at hindi iyon maaari. Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang pagiging drug lord ng asawa ni Cynthia. Babagsak lang ang ekonomiya ng bansa kung sakaling matupad ang mga plano nila.

Kaya kailangan ay maunahan ko sila. Kailangan kong magplano laban sa kanilang mag-asawa. Hindi nila dapat ilabas ang kasalanan ko para madungisan ang reputasyon ng pamilya Santiago. Hindi ako makakapayag na mangyari yun. Hangga't nabubuhay ako ay hindi ko hahayaang masira ang pamilya ko.

"Daddy." nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang sinabi ni Zachary.

Matapos nyang kamustahin ang anak ko ay ako naman ang binalingan nya ng tingin, "Lets talk." sabi nya bago lumabas.

Nakarating kami sa rooftop ng ospital. Nakapikit kong dinama ang hangin bago ko narinig ang boses ni Zeus.

"May balak ka bang ipakasal ang anak mo kay Steffi?" seryosong pagtanong nya.

Unti-unti akong tumingin sa kanya bago sumagot, "I need to."

"Why? May tinatago ka pa ba sakin, Agatha?" seryosong pagtanong nya.

Tumango ako sa kanya. Nang maging ligtas ang anak ko ay napagdesisyunan kong sabihin sa kanya ang lahat ng katotohanan. Napagdesisyunan kong hindi na magtago ng mga lihim sa kanya.

"Alam ni Cynthia ang ginawa ko noon, Zeus dahil kasama ko sya. Sya at ang asawa nya ang naging tagalinis ko ng kalat na ginawa ko. May hawak silang ebidensya na magtuturo at magdidiin sakin. Sila ang nagtago sa lahat ng kasalanan ko. At ito ang alas nilang dalawa laban sakin."

"Gusto ni Cynthia na ipakasal si Zachary sa anak nyang si Steffi kapalit ng pananahimik nilang mag-asawa. Hindi ako pwedeng magkamali sa desisyon ko. Isang pagkakamali ko lang ay ilalabas nila ang kasalanan ko at madudungisan ang pamilya Santiago. Lubos na makakaapekto ito sa pangalan ni tito."

"Cynthia's husband is a drug lord. May balak silang palitan sa pwesto ang ama ni Nicole. Alam mo kung gaano na katagal sa serbisyo ang pamilya ko, Zeus. Malaki ang respeto ng mga tao sa kanila. Kapag lumabas ang totoo, mawawala yun lahat."

Humarap ako sa kanya bago magpatuloy, "Hindi ako makakapayag na sirain nila ang reputasyon ng pamilya Santiago. Itatama ko ang mga kasalanan ko, Zeus."

"At gagamitin mo ang anak mo, Agatha?! Are you out of your mind?! Sisirain mo ang kaligayahan ni Zachary! Agatha, he loves someone else at hindi yun si Steffi!" sabi nya na nagpagulat sakin.

"Alam mo? Alam mong in love si Zachary kay Ysabel? Zeus, hindi sila pwede---"

"At bakit naman hindi? I heard he loves someone named Ysabel Montefalco." agad akong kinabahan dahil sa naging tanong nya. Halos manginig ako sa takot.

"May hindi ka pa sinasabi sakin, Agatha. Tell me!" galit na sabi nya.

"Si Ysabel.. A-anak sya ni Cassandra. Isa sya sa triplets.." mahinang sabi ko.

"Anong mali? Bakit hindi sila pwede? Hindi ko naman totoong anak ang triplets nya. They are Christian's daughter." seryosong sabi nya.

"Zeus.. Hindi sila pwede dahil totoong anak mo si Ysabel. Totoong anak mo ang triplets ni Cassandra." pikit matang pag-amin ko bago ko narinig ang pagdadabog nya.

"Damn it, Agatha! Kailan pa?! Kailan mo nalamang anak ko sila?!" sigaw nya dahilan ng pagtulo ng mga luha ko.

Agatha, you promised, sasabihin mo sa kanya lahat-lahat. You promised. Sabi ko sa sarili ko bago huminga nang malalim.

"Walang namamagitan kina Cassandra at Christian. Hindi totoo ang mga pinadala kong picture sayo. It.. It wasn't Cassandra. It was someone else. I planned it all, Zeus." seryosong pagsagot ko.

Pinagsusuntok nya ang pader bago muling humarap sakin. "You planned it all! Sinira mo kami ni Cassandra! You made me think that my wife was cheating on me! You made me think.. Pinaniwala mo akong hindi ko sila anak.."

Naupo ito sa sahig. I wanted to come near him pero pinigilan ko ang sarili ko. I wanted to tell him all. Sasabihin ko sa kanya lahat ng tinatago kong lihim.

"Ano pa?! Ano pang tinatago mo sakin, Agatha?!" sigaw nya bago tumayo at humarap sakin.

"Zachary.. Zachary.. Hindi mo totoong anak si Zachary.. Walang.. Walang nangyari satin noon. Sinet up kita at pinadala ko kay Cassandra ang photos nating dalawa.." sagot ko bago yumuko. Ayokong salubungin ang galit nya.

"That's why galit na galit sya sakin! You've planned all of this! Napakasama mo!" sigaw nya sakin bago ko naramdaman ang pagsabunot sakin.

"Tiffany!" rinig kong sigaw ni Zeus.

"Monster! Hindi ka na nakuntento sa ginawa mo sakin! Hindi ka nakuntento sa pananakit mo sakin at sa mommy ko! Wala kang puso! You ruined us! Sinira mo ang pamilya namin! Monster! Monster!" sigaw ni Tiffany bago ko naramdaman ang paglayo nya.

Tinignan ko sya habang hawak sya ni Zeus at pinipigilang sugurin ako. "I'm sorry!" paulit-ulit na paghingi ko ng tawad.

"Bakit?! Mababalik ba ng sorry mo ang lahat?! Mababalik ba nyan ang pamilyang sinira mo?! Mababalik ba nyan ang mga oras na sana kapiling namin ni daddy ang mommy ko at ang mga kapatid ko?!" sigaw nya pa.

"Patawad, Tiffany. Pangako! Pangako itatama ko ang lahat!" sabi ko bago lumuhod sa kanilang mag-ama.

"Paano mo itatama ang lahat? Ipapakasal mo ang anak mo sa ibang babae? Sige! Huwag na huwag mo lang idadamay ang kapatid ko na mahal na mahal ng anak mo!" huling sabi ni Tiffany bago umalis.

"I'm sorry Zeus. Patawarin mo ako.." mahinang sabi ko sapat lang para marinig nya.

"Itama mo lahat ng mali mo Agatha. Kapag nagawa mo, doon lang kita mapapatawad." huling sabi nya bago ako iwan sa rooftop.

----

Untold Stories 2: Mistress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon