Chapter 2:

2.2K 43 0
                                    

Kasalukuyan kaming nagpapahinga ng mga kaibigan ko sa garden ng school ko. Malapit nang matapos ang break pero mas gusto kong manatili pa rito ng ilang minuto.

"Sis, calm down. Konti na lang mauubos na ang mga damo rito sa garden mo." rinig kong sabi ni Cynthia.

"Paano ako kakalma?! Did you hear what that old man said?!" nanggagalaiti kong sabi bago bumalik sakin ang sinabi ng ama kong magaling.

"Makikipaghiwalay ka sa mommy ko at wala kang dadalhin na kahit ano maliban sa mga bagay na binili at pagmamay-ari mo. Deal?"

Tumingin sya sakin ng seryoso bago sumagot, "I already filed annulment."

Parang nabato ako dahil sa narinig. Hindi ko maintindihan kung anong mararamdaman ko. Sobrang sakit. Nasasaktan ako para kay mommy. My mom loves him so much tapos ito lang ang igaganti nya?

"Yun naman pala eh! Hiwalay na sila ng nanay mong mang-aagaw!" sabi ni Jessica dahilan ng pagtingin ko sa kanya.

Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Hindi ako papayag na sabihan ng kung anu-ano ang mommy ko!

"Mabuti na rin at hiwalay na sila. Wala nang pamilyang papalamunin ang mommy ko. Oh I remember, kayo siguro yung sinasabi nyang pamilyang kailangan nyang suportahan. Hindi ko naman naisip na mga anak nya pala sa labas ang pinapalamon ng mommy ko." sabi ko at akma nya akong sasampalin nang maramdaman kong sinampal ako ng daddy ko.

Masamang tumingin ako sa kanya. Mukha naman syang nagulat dahil sa ginawa nya. "Anak I'm sorry.. Anak please.." sabi nya.

Natawa naman ako hanggang sa maramdaman ko ang paghawak ng mga kaibigan ko sa braso ko. Lumapit ako kay Jessica na malaki ang ngisi, "Ngayong hiwalay na sila ng mommy ko.. Wala nang susuporta sa inyo financially. Meaning, hindi mo kakayaning mag-aral dito. Wala naman kayong pera."

Tumingin sya kay daddy, "Dad? Ang sabi mo babawi ka! Gusto kong mag-aral dito!"

"Agatha Riego. Hayaan mo syang mag-aral dito." seryosong sabi ni daddy.

"Its Agatha Santiago. Why would I? Wala syang pambayad sa tuition dito. Saan sya kukuha ng pera? Wala ka namang trabaho Mr. Riego. Paano sya makakapag-aral dito?" seryosong pagsagot ko.

Nakita ko namang nasaktan sya dahil sa sinabi ko. Wala akong pakialam kung masaktan man sya. Wala akong pakialam kung lumuha man sya ng dugo.

"Let her study here. Hiwalay na kami ng mommy mo. Yun ang kundisyon mo diba?" sabi naman nya na nagpangisi kay Jessica.

"Paano sya mag-aaral dito? Wala syang pera pambayad sa malaking tuition fee? Anong akala mo? Mag-aaral sya rito ng libre?" sabi ko nagpatawa sa mga kaibigan at kaklase ko.

"Look. Lahat ng nag-aaral dito.. Mga anak mayayaman. Mga anak ng mga negosyante. Mga anak ng mga senador. Hindi libre ang pag-aaral dito. If she really wants to study here, she needs to pay tuition fee. This is pure business Mr. Riego." seryosong sabi ko pa.

Lumipas ang ilang minuto bago nagsalita ang ama nya, "I'll sell my properties."

Ngumisi ako sa kanya, "Isasakripisyo mo ang mga ari-ariang naipundar mo gamit ang pera ng mommy ko para lang makapag-aral ang anak mo dito? Why don't you enroll her in public schools? Bakit? Feeling nya ba ay mayaman sya para makapag-aral dito?"

Magsasalita pa sana sya nang magsalita si Jessica, "Kaya kong makapag-aral dito. Anak ako ng isang Riego. Mayaman kami kaya kaya kong makapag-aral dito."

Tinapik ko ang pisngi nya, "Wake up. Hindi mayaman ang ama mo. Isa lang naman syang hamak na magsasaka nang pakasalan sya ng mommy ko."

Naglakad ako pabalik kina Cynthia at Margaux nang magsalita ang ama nya, "Let her study here. Ako na ang bahala sa tuition fee nya."

Humarap ako sa kanya bago sumagot, "Saan ka kukuha ng pera? Sa mommy ko? Uutuin mo ulit ang mommy ko para makakuha ka ulit ng pera namin?"

Hindi sya nakapagsalita. Tinawagan ko naman ang sekretarya ni mommy na sekretarya ko na rin. "Freeze all accounts of my dad. Make sure na hindi sya makakapag-withdraw ng pera namin ng mommy ko."

"Agatha!" galit na sigaw nya sa akin.

"Hiwalay na kayo ng mommy ko. Ibig sabihin, wala ka na ring karapatan sa pera ng mommy ko na binibigay nya sayo tulad noon. And don't you dare go to my mom. Ako ang may hawak ng lahat ng pera at ari-arian nya. Kahit anong sabihin mo, hindi ako papayag na huthutan mo ang mommy ko." seryosong sabi ko.

"Kung wala na kayong sasabihin, you may leave. Inaabala nyo ang klase." sabi ko bago tumingin sa prof na kapatid ni Jessica, "You may also leave."

Naupo na kami nina Cynthia at Margaux sa upuan namin sa bandang likod. Ilang minuto lang ang lumipas nang sugurin ako ni Jessica.

Sasabunutan ko sana sya nang unahan sya ng isa kong kaklase. "Wala kang karapatang saktan sya! Sino ka ba sa akala mo?! Anak sa labas!"

"Stop it!" sigaw ng daddy kaya naman napabitaw ang kaklase ko kay Jessica.

Lumapit sya sakin at masamang tumingin sakin, "Sumusobra ka na Agatha!" sigaw nya at akma akong sasaktan nang sumigaw ang isang ginang.

"Don't you dare hurt my daughter!" sigaw ni mommy.

Lumapit sa akin si mommy at tinanong ako kung may masakit sakin. Hinalikan nya ang noo ko at ngumiti nang matamis sakin bago humarap sa dati nyang asawa.

"Who told you na pwede mong dalhin dito ang anak mo?" seryosong pagtanong nya kay dad.

"Sinong nagsabi sayong welcome sa teritoryo ko ang anak mo? Matagal na tayong hiwalay, ang lakas naman ng loob mong dalhin dito ang bastarda mo!" pagtanong pa ulit nya bago tinignan si Jessica mula ulo hanggang paa at ngumisi.

"Umalis na kayo rito bago pa ako magtawag ng pulis." magsasalita sana si dad at pipigilan si mommy nang muling nagsalita si mommy, "Baka nakakalimutan mo ang consequences ng ginawa mo? Annulment means no more money from me. Babalik ka kung saan kita pinulot."

Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Margaux, "Your mom's coming."

Agad akong lumingon kay mommy at sinalubong sya ng yakap. "Why didn't you tell me?" pagtanong ko.

Hinarap nya ako at hinawakan ang magkabila kong pisngi, "I'm sorry anak. You know how much I loved him. Pero mas mahal kita anak. Mas importante ka kaysa sa lalaking iyon. Lets start our new lives together."

Masaya akong tumango sa kanya at muli syang niyakap. Habang yakap ko sya ay nakita ko si daddy kasama si Jessica at ate nito. Umirap ako sa kanila at hindi na pinansin pa.

"Lets have dinner later anak. May gagawin ka pa ba? Lets go shopping!" sabi ni mommy bago tumungin sa mga kaibigan ko. "Wanna come?"

Agad na umiling si Cynthia, "No tita. May family dinner kami with dad. Kakauwi nya lang kanina galing Canada. You know him naman tita. Very strict."

"Sorry tita. Maybe next time. I have training later after school." sagot naman ni Margaux na pangarap maging idol sa South Korea.

"I understand." nakangiting sabi ni mommy bago kami umalis doon.

----

Untold Stories 2: Mistress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon