Chapter 31:

1.2K 24 0
                                    

After 14 years...

Maraming taon ang lumipas. Maraming nagbago. Binuhay ko ang batang pinagbubuntis ko noon. Binuhay ko ang anak kong si Zachary.

Sa katunayan ay naging blessing in disguise ang anak ko. Noong kinausap ako ni tito at tita Amy ay napagdesisyunan nilang ipakasal ako sa iba. Napakiusapan ko lang sila na ako mismo ang hahanap ng mapapangasawa ko dahilan ng palaging pagkakaroon ko ng blind dates noon.

Gusto nina tito at huling habilin ni lolo, na magkaroon ako ng asawa at magkaroon ng mga anak. Gusto ng pamilya ko na mas lumaki pa ang pamilya namin. Gusto nilang lumaki ang Santiago Clan. Ito rin ang dahilan kung bakit pinagkasundo sina Nicole at Christian - ang magkaroon ng mga supling na dadagdag sa pamilya Santiago.

Mula nang magkaaway kami ni Cassandra sa ospital, mula nang sabihin ko sa kanilang buntis ako ay hindi rin nagtagal at nalaman ng pamilya ko. Sobra akong nasaktan noon nang ilang beses tinanggi ni Zeus ang bata. Nagalit sakin si tito dahil nagpabuntis ako sa lalaking pamilyado na.

Ayaw nyang masira ang pangalan ng pamilya namin kaya naman pinakiusapan nya si Zeus na panagutan kami ng anak ko. Noong una ay pilit nyang tinatanggi na sya ang ama ni Zachary at hindi sya pumayag sa gusto ni tito.

Makalipas ang ilang araw mula nang magkausap sina Zeus at tito ay biglang nagpakita samin si Zeus at sinabing pumapayag na sya. Pumapayag syang pakasalan ako sa huwes. Pumayag na lang din sina tito kahit na walang engrandeng kasal. Ang importante raw ay pinanagutan ako.

Hindi ko alam kung bakit sya pumayag. Ang sabi nya ay gagawin nya para sa bata. Oo nasaktan ako. Papakasalan lang nya ako dahil sa nabuntis nya ako. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang nangyari sa mga magulang ko. Kagaya ni daddy ay napilitan lang syang pakasalan si mommy dahil sa nabuntis nya ito.

Nang magtanong naman ako sa kanya tungkol kay Cassandra ay sinigawan nya lang ako at sinabing wag ko nang babanggitin ang pangalan ng dating asawa. Oo, dating asawa. Naghiwalay sina Zeus at Cassandra bago kami ikasal ni Zeus sa huwes.

Ang sabi ni Zeus ay galit na galit sya kay Cassandra dahil muntikan nang mamatay ang anak na si Tiffany. Na-coma nang matagal si Tiffany at inabot ng sampung taon bago nagising at walang maalala. Sa loob ng sampung taon na yun ay ilang beses nag-50-50 ang bata. Wala syang maalala dahil sa lala ng pagkakabagok ng ulo nito. Ang sabi ni Zeus ay mabuti na lang din yun dahil ayaw nyang maalala nito si Cassandra na muntik na syang patayin.

Galit si Zeus kay Cassandra dahil sa nangyari. Lalo syang nagalit dito nang patunayan ni Christian na sya talaga ang lalaki sa larawan at may nangyari sa kanila ni Cassandra. Ito ang dahilan ng tuluyang pagkakahiwalay nina Christian at Nicole. Nalaman ng pinsan ko ang pangangaliwa ng asawa nya kaya naman nagtago sila sa ibang bansa at palakihin ang kambal na anak nang sya lang mag-isa.

Sa lahat ng mga anak nya kay Cassandra ay tanging si Tiffany lang ang kinuha at nilayo nya kay Cassandra. Ang triplets? Hindi nya tinuring na mga anak dahil hindi naman daw nya mga anak yun. Sinabi raw sa kanya ni Christian na ito ang totoong ama ng triplets kaya naman hindi nya kinuha ang mga ito kay Cassandra at hinayaang palakihin nang mag-isa. Nalaman nya ring matagal na palang may relasyon ang dalawa at matagal nang may nangyari sa kanila at ang triplets nga ang naging bunga.

Sa lumipas na mga taon ay aaminin kong bumalik ang pagmamahal ko kay Zeus. Hindi ko alam kung bumalik ba o sadyang hindi naman nawala talaga. Nanatili lang sa puso ko ang pagmamahal ko para sa kanya.

Tanggap ko namang pinakasalan lang nya ako dahil kay Zachary. Sa loob ng maraming taong magkasama kami ay sobrang cold nya sakin. Maging kay Zachary ay malayo ang loob nya. Minsan lang nya lambingin ang anak pero madalas naman nya itong kamustahin. Ayos lang naman sakin dahil kahit papaano ay napapakita nya ang pagmamahal nya bilang ama.

Mula nang ikasal kami ay ni minsan, hindi kami nagtabi sa iisang kama. Mag-asawa na kami pero natutulog kami sa magkabilang kwarto at hindi yun alam ng pamilya ko. Oo asawa na nya ako pero ramdam kong wala syang nararamdaman para sakin. Masakit. Lalo na kapag nababanggit nito ang pangalan ni Cassandra kahit sa panaginip. Hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa dati nyang asawa. Kahit ano ay ginawa ko na para mahalin nya ulit ako pero wala. Ramdam ko talagang hindi na ako. Masaya na lang ako at ako ang asawa nya at ako ang kasama nyang namumuhay kasama sina Tiffany at Zachary.

Sa loob ng maraming taon ay wala na akong naging balita kay Cassandra, maging kay Christian. Minsan ay hindi ko maiwasang isipin sya at ang triplets. Mahirap magpalaki ng anak. Iniisip ko na lang na masaya na silang nagsasama ngayon ni Christian lalo na at hiwalay na sila ni Nicole. Annulled na sila kaya naman ayos lang kung magsasama sila ni Cassandra. Hindi ko nga lang alam kung alam ng pinsan ko ang tungkol sa kanila.

Wala na rin akong balita sa pinsan kong si Nicole. Mula nang mangibang-bansa ay tuluyan na nyang iniwas ang sarili nya sakin. Wala syang komunikasyon sakin at kapag itatanong ko kay tita Amy ay palaging walang sagot o umiiwas.

"Mommy? You're spacing out." rinig kong sabi ng anak ko.

"Sorry, Zachary. Ano nga ulit ang kinukuwento mo kay mommy?" nakangiting pagtanong ko sa kanya.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Close kaming dalawa at lahat ng sikreto nya ay sinasabi nya sakin. Maging ang babaeng nagpapatibok ng puso nya ay palagi nyang kinukwento sakin.

"Tungkol ba ito sa kanya?" nakangiting pagtanong ko na kinapula ng magkabilang tainga nya.

Hindi ko maiwasang matawa sa naging reaksyon ng anak ko. Kapag kinukwento nya ang babae ay palaging ganyan ang reaksyon nya. Kinikilig parati.

"Mommy don't laugh!" naiinis na sabi nya.

"Alright, hindi na tatawa si mommy." sabi ko habang pinipigilan ang pagtawa ko. Baka magtampo, mahirap na.

"What's her name again?" pagtanong ko dahilan ng mas pagkapula ng mga tainga nya at leeg.

"Ysabel Montefalco. My baby. My wife. My life. My everything." masayang pagsagot ng anak ko.

Ysable Montefalco. I want to meet her. Sya lang ang nagpapangiti at nagpapasaya sa anak ko nang ganito. Hindi ko maiwasang maging masaya para sa anak ko. Kahit ilang taon na ang lumipas mula nang makita nya si Ysabel, ay ito pa rin ang tinitibok ng puso nya.

Alam ko maraming nagpapantasya sa anak ko dahil sa angking kagwapuhan pero walang epekto sa kanya ang ibang mga babae dahil si Ysabel Montefalco lang ang gusto nya. Ito lang ang mahal nya. Ito lang papakasalan nya. Ito lang ang babaeng magiging ina ng mga anak nya. He loves Ysabel at alam kong gagawin ng anak ko ang lahat para makita at makasama si Ysabel Montefalco.

Bumukas naman ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Tiffany sa loob. Masayang nakatingin ito sakin bago lumapit.

"Tita Agatha, please come with me. Ayoko ng mga gown na gusto ni daddy. Balot na balot ako dun!" nakangusong sabi nito.

Malapit na kasi ang debut nya kaya naman pinapapili na sya ni Zeus ng gown na susuotin. Naalala ko tuloy ang debut ko noon. Masakit isiping iyon din ang huling araw na nakita at nakasama ko si mommy.

Hinaplos ko naman ang peklat sa noo ni Tiffany. Nakuha nya iyon nang mahulog sya sa balcony 14 years ago. Hindi ko alam pero palagi akong kinakabahan sa tuwing hahaplusin ko ang peklat nya.

Sa loob ng labing-apat na taon ay walang maalala si Tiffany. Alam nyang pangalawang asawa ako ng daddy nya at hindi ako ang totoong mommy nya kaya nga 'tita Agatha' ang tawag nya sakin. Dahil sa nangyari noon ay nawala ang mga alaala nya na pinagpapasalamat ko nang lubos. Nagpapasalamat ako at wala syang naaalala sa nangyari noon.

"Mommy?! Tita Agatha?!"
"Bad ka! Monster! Monster!"
"Stop! Don't hurt my mommy!"

"Tita Agatha? Are you okay?" nag-aalalang sabi ni Tiffany na nagpabalik sakin sa kasalukuyan.

"She's spacing out again, ate." rinig kong sabi ni Zachary.

Hanggang sa namalayan ko na lang na kapwa sila lumabas ng kwarto ko at naiwan akong mag-isa.

Ang nangyari nang araw na yun? Lubos kong pinagsisisihan.. Lalo na ngayong nakikita at nakakasama ko sya.. Ang peklat nya ang nagpapaalala ng malaking kasalanan ko..

"I just hope na hindi na bumalik ang mga alaala mo, Tiffany." bulong ko sa hangin na sana ay makarating sa kanya.

----

Untold Stories 2: Mistress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon