Lumipas ang mga buwan ay mas naging malapit kami ni Zeus. Hindi ko alam kung bakit pero gustong-gusto naman ng puso ko. Tama nga siguro ang sinabi nila. Kapag may nawala, may dadating na bago. Nawala man ang ama ko, dumating naman ang lalaking mahal ko. Dumating naman sa buhay ko si Zeus.
Nandito kami ngayon ni Zeus sa garden ng school. Uwian na kaya wala ng mga estudyante sa paligid. Ang sabi ni Zeus ay may importante syang sasabihin sakin. Ayaw naman nyang sabihin at gusto nya talaga ay kaming dalawa lang.
"Ano bang sasabihin mo, Zeus---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang may malambot na bagay ang dumapo sa mga labi ko.
Agad kong hinawakan ang mga labi ko habang nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Zeus na nakangiti lang sakin.
"W-why?" pagtanong ko pero wala syang sinabi bagkus ay hinalikan nya akong muli.
Kung kanina ay saglit lang ang paglapat ng mga labi nya sa mga labi ko, ngayon naman ay iba na. He's kissing me passionately! Ilang segundo pa ang lumipas bago ako tumugon sa halik nya. I closed my eyes and kissed him back. Inilagay ko ang mga braso ko sa leeg nya. He then deepen the kiss hanggang sa humiwalay sya sakin.
"I love you." sabi nya habang nakangiti sakin.
Hindi pa nawala ang pagkabigla ko dahil sa sinabi nya ay muli na naman nya akong hinalikan. He kissed me passionately habang nakayakap sa baywang ko.
Masaya ako. Masayang-masaya ang puso ko. Nagdiriwang ang buong pagkatao ko dahil sa wakas! Mahal na rin ako ng lalaking mahal ko!
"You're mine." nakangising sabi nya.
Agad akong tumango sa kanya bago sumagot, "I'm yours, Zeus."
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ako pinapayagan ni mommy na mag-drive kaya naman hatid sundo ako ng pinsan ko.
At dahil kanina pa nakauwi si Nicole ay nagpresinta si Zeus, my boyfriend, na ihatid ako sa bahay namin.
My boyfriend. Ang sarap sa pakiramdam. Ang saya-saya ko na mahal din ako ng lalaking mahal ko.
"Seatbelt please." sabi ni Zeus pagkapasok nya sa driver's seat.
Habang nagmamaneho sya ay hawak-hawak nya ang kaliwang kamay ko. Ni minsan ay hindi nya binitawan ang kamay ko. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng magkabila kong pisngi.
"You're blushing babe." pang-aasar nya.
"Che!" sabi ko bago tumingin sa bintana.
Tatawa-tawa naman sya habang pasilip-silip sa gawi ko. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ganito pala yun. Ganito pala ang pakiramdam kapag mahal ka din ng lalaking mahal mo. Para kang nasa ulap. Ang gaan sa pakiramdam.
"We're here." nakangiting sabi nya.
Kinalas ko na ang seatbelt ko at handa nang bumaba nang hawakan ni Zeus batok ko at halikan ang mga labi ko. Pagtingin ko sa kanya ay nakangiti sya sakin.
"Take care." sabi nya.
"Ingat sa pagda-drive." bilin ko sa kanya bago ako tuluyang bumaba sa kotse nya.
"YOU are happy. My baby is happy. Care to share?" salubong sakin ni mommy nang makapasok ako sa bahay.
Ngumiti lang ako sa kanya bago nagsimulang maglakad paakyat sa kwarto ko. Lumingon ako sa kanya bago sumagot, "I'm inlove. Kami na ni Zeus mommy."
Saglit syang nagseryoso bago ngumiti sakin. Baka guni-guni ko lang yun. Masaya ako at tanggap ni mommy si Zeus as my boyfriend. Masaya ako at hindi sya tumutol sa kasiyahan ko.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong tumili. Wala namang makakarinig sakin dahil soundproof ang kwarto ko.
Papasok na sana ako sa banyo dito sa kwarto ko nang tumunog ang phone ko. Agad ko itong sinagot, "What?"
"I don't care. Problema mo na yan." saglit akong napatigil dahil nagsalita sya sa kabilang linya.
"Wala akong paki. Ang importante ay nakuha ko ang gusto ko. Kami na ni Zeus at wala ka ng magagawa pa." huling sabi ko bago ko pinatay ang tawag.
"Istorbo." bulong ko sa sarili ko bago ako tuluyang pumasok sa banyo.
LUMIPAS ang ilan pang mga linggo ay masaya ako kasama si Zeus. Alam na ng lahat sa school na boyfriend ko na si Zeus. Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ang importante ay masaya kami ni Zeus.
Ilang araw na lang ay gaganapin na ang debut namin ni Nicole. Actually isang araw lang ang pagitan ng birthday namin kaya palaging magkasabay kung ipagdiwang ang kaarawan namin.
"What gift do you want, babe?" pagtanong sakin ni Zeus nang makasakay kami sa kotse nya.
Simula nang maging kami ay palagi na nya akong hinahatid at sundo. Wala namang reklamo si Nicole. Maging ang buong pamilya ko ay walang reklamo sa relasyon namin ni Zeus.
"Kahit wala na babe. Advance nga ang gift mo eh. Ikaw mismo ang pinakamagandang regalo na natanggap ko." masayang pagsagot ko.
Tumawa lang sya bago halikan ang kaliwang kamay ko. Nang makarating sa bahay ay agad akong bumaba. Ang sabi kasi ni Zeus ay may importante syang pupuntahan kaya naman hindi na sya nagpakita kina mommy.
Agad na nangunot ang noo ko nang mapansing may babaeng sinakay si Zeus sa kotse nya. Hindi ko na lang pinansin pa at baka guni-guni ko lang yun. Inaantok na kasi ako kaya baka nagkamali lang ako.
Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si mommy na may kausap sa phone nya. Hindi nya ako napansin kaya naman narinig ko ang sinabi nya sa kung sinuman ang kausap.
"I'm doing this for my daughter. I hope you understand." huling sabi nya bago ako nagdesisyon na umakyat na sa kwarto ko at magpahinga.
Palaisipan naman sakin ang sinabi ni mommy. Ano bang ginagawa nya para sakin? At sino ang kausap nya sa phone nya? At bakit parang kinakabahan ako?
Kinabukasan ay hindi kami pumasok ni Nicole sa school. Ngayon kasi kami magsusukat ng gowns for our debut. Sa isang araw na rin kasi yun kaya rush na.
Nandito kami sa isang boutique para magsukat at bumili ng gowns. Dahil sa naging busy kami noong nakaraan ay hindi na nagawa pang magpagawa ng gown kaya napagdesisyunan na lang namin na bumili na lang.
Matapos kong magsukat ng gown ay agad akong napangiti sa replekyon ko sa salamin. Bagay na bagay sakin ang red gown na suot ko. Para syang ginawa para lamang sakin.
"Bagay na bagay sayo, Ms. Agatha. Naku, siguradong luluwa ang mga mata ng kalalakihan na dadalo sa party!" rinig kong sabi ng may-ari nitong boutique.
"Thanks." simpleng sabi ko bago ko napagdesisyunang hubadin ang gown.
Hindi na ako namili pa ng iba dahil nagustuhan ko talaga ang red gown na sinukat ko kanina. Hinihintay ko na lang na lumabas si Nicole.
Pagkalabas nya ay halos mapanganga ako sa nakikita ko. Napakaganda nya sa ocean blue na gown na suot. Natural na maputi ang pinsan ko kaya naman bagay na bagay sa kanya ang kulay ng gown. Halatang-halata rin ang hubog ng katawan nya.
"Thank you." sabi ni Nicole nang makapagbayad kami. Kinuha naman ng bodyguards ang dalawang naglalakihang kahon na naglalaman ng gowns namin ni Nicole.
Huminto sya sa paglalakad kaya naman napahinto rin ako. "Cassandra?" gulat na sabi ni Nicole.
Tinignan ko ang taong nasa harap namin ngayon. Nakatingin lang sya sakin. Ang lungkot ng mga mata nya. Hindi tulad noon na palaging masaya na parang walang problema.
"May problema ka ba?" nag-aalalang pagtanong ni Nicole kay Cassandra pero hindi sya nito pinansin.
Nanatiling nakatingin sakin si Cassandra bago nagsalita, "I hope you're happy now, Agatha."
Halos manginig ako sa lamig ng boses nya. Hindi ko alam pero kinalibutan ako dahil sa sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin?
---
BINABASA MO ANG
Untold Stories 2: Mistress (Completed)
General Fiction"I am already married." he said. Four words. A sentence that broke my heart into million pieces. He's married. Nagpakasal na sya. Hindi nya ako hinintay. Nagpakasal sya sa iba. At anong mas masakit? He married my bestfriend!! ------ This is the stor...