Lumipas ang ilang linggo mula nang ma-rescue ang mga kapatid ni Bianca. Todo-todo naman ang pasasalamat ni Bianca sa amin, lalo na sa akin. Todo-todo rin ang paghingin nya sa akin ng tawad dahil sa ginawa nya.
Sa totoo lang ay wala naman akong galit sa kanya dahil ginawa nya lamang ang sa tingin nya ay tama para maligtas ang mga kapatid nya kaya naiintindihan ko sya.
Sa loob ng mga linggong nagdaan ay lumayo na si Bianca kay Jessica maging kina Arriana at Coleen. Sa hindi malamang kadahilanan ay hinayaan lang sya ng dalawa.
"Agatha, I need to go. Nasa bahay na si daddy and he's looking for me." nagmamadaling pamamaalam ni Cynthia bago tumakbo paalis.
"Are you sure kaya mo na, Agatha?" tanong naman sa akin ni Margaux.
Tinignan ko ang relos ko bago sumagot sa kanya, "I'm fine, Margaux. Sige na at baka ma-late ka sa rehearsals mo."
Tinignan nya pa ako nang seryoso. Ngingiti-ngiti naman ako bago nagsalitang muli, "Kanina ka pa hinihintay ng boyfriend mo. Tsaka saglit lang naman talaga ako tapos uuwi na rin ako."
Uwian na kasi ngayon at nagpasya akong pumunta sa opisina ko rito dahil may kailangang dokumento si mommy. Alam ko namang may sarili silang schedules kaya hindi na ako nagpapasama pa sa kanila.
"Are you really sure? Bakit pakiramdam ko kailangan kitang samahan?" nag-aalalang sabi nya.
Hinawakan ko ang mga kamay nya, "Ano ka ba, Margaux. Saglit lang naman ako roon tapos uuwi na rin ako. Sige, kapag nasa bahay na ako, I'll call you."
"Kung kailan naman kasi wala si Nicole eh.." sabi nya bago tuluyang nagpaalam sa akin. Kanina pa rin kasi sya hinihintay ni Josh sa parking lot.
Si Nicole kasi ay tatlong araw nang wala. Kasama sya ni tita Amy sa Japan para sa isang conference. Kailangan nyang sumama dahil para rin ito sa negosyo ng pamilya. Limang araw lang naman sya roon at babalik na rin sya rito.
Malapit na ako sa office ko nang may maramdaman akong pumokpok sa ulo ko. Kahit nanlalabo ang mga mata ay kitang-kita ko sina Jessica at Arriana.
"Akala mo makakawala ka pa?" nakangising sabi ni Jessica bago ako nawalan ng malay.
ANG sakit ng ulo ko nang magising ako. Hinawakan ko ito at minasahe. Nilibot ko ang paningin ko at napag-alaman kong nasa bodega ako ng school. Kung tama ang nasa isip ko ay medyo malayo ito sa main building ng school.
"Glad you're awake." napalingon ako sa taong nagsalita.
Pasalamat ako at may ilaw sa loob kaya naman kitang-kita ko ang seryosong mukha ng isang lalaki. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako nang kakaiba habang nakatitig sa gwapo nyang mukha. Napakagwapo nya.
"Done checking me?" sabi pa nito.
Agad akong napaiwas ng tingin. Gosh Agatha, anong nangyari? Don't tell me attracted ka sa kanya?
"Are you okay, miss?" pagtanong nito kaya naman napatingin ulit ako sa gwapo nyang mukha.
"Y-yes." pagsagot ko sabay iwas ng tingin.
Ano bang nangyari? Papunta na dapat ako sa office ko nang may pumukpok sa ulo ko. Sa naaalala ko ay sina Jessica at Arriana ang may pakana. Talagang hindi ako titigilan ni Jessica no?
Agad kong kinuha ang phone para tawagan sina mommy. Agad nawala ang pag-asa kong makaalis dito nang makitang lowbat ako. Bakit ngayon pa?
"Do you know what happened to you?" rinig kong pagtanong ng lalaki. "Two students brought you here. I'm surprised kaya ka nilang buhatin hanggang dito."
BINABASA MO ANG
Untold Stories 2: Mistress (Completed)
Fiction générale"I am already married." he said. Four words. A sentence that broke my heart into million pieces. He's married. Nagpakasal na sya. Hindi nya ako hinintay. Nagpakasal sya sa iba. At anong mas masakit? He married my bestfriend!! ------ This is the stor...