Masaya akong umuwi sa bahay. Dalawang tulog na lang ay debut na namin ni Nicole. Medyo kinakabahan ako pero mas lamang ang kasiyahan ko lalo na at si Zeus ang escort ko. Hindi ko naman alam kung sino ang magiging escort ni Nicole. Ang sabi ni tita Amy ay surprise daw. Hindi ko tuloy maiwasang maawa sa kanya. Ako kasi ay alam ko kung sino ang escort ko eh sya?
Dahil bored ako at hindi na makatulog pa ay nagcheck ako ng email ko. Actually ay gawain ko ito magmula nang ipasa samin ni Nicole ang negosyo ng pamilya.
Agad akong napahawak sa dibdib ko nang mabasa ang isang email. Tinignan ko ang date at napag-alaman kong kahapon lang pala sinend ang email.
This is Samatha Smith, director of Fashion Arts Department of University of Paris. I am delighted to inform you that you are qualified as a student for this department. Attached here are the documents for your soonest arrival here at Paris, France.
Ilang beses kong binasa ang mensahe pero iyon at iyon ang nabasa ko. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. This is my dream. Bata pa lang ako ay pinangarap ko ng maging magaling na fashion designer and model sa Paris. At ngayon ay malapit ko nang makamit.
Masaya akong nagising at bumaba sa sala. Alam kong nandoon si mommy tuwing umaga. Agad kong binalita sa kanya ang masayang pangyayari sakin kagabi.
"I'm so proud of you anak. This is it! This is your dream, baby." maluha-luhang sabi ni mommy.
"I'm sure your lolo will be more than happy kapag nalaman nya." sabi pa nya bago ako niyakap.
I want to be just like my lola. Magaling syang fashion designer at talagang kilalang-kilala sa buong mundo. Naging kaliwa't-kanan ang mga naging kliyente nya.
My family supported me. Nang malaman nilang lahat ay tuwang-tuwa sila. Ang sabi pa ni lolo ay talagang nagmana ako kay lola. Bukod sa namana ko raw ang kagandahan at kakinisan ng balat ko sa kanya ay namana ko rin ang galing ni lola.
Muli kong binuksan ang email ko kinagabihan at binalita sakin ni Ms. Smith na ready na daw ang ticket ko papuntang Paris. Ayon sa mga dokumentong binigay nya ay kinakailangan kong manatili roon ng hindi bababa sa limang taon. Medyo matagal pero alam ko at ramdam kong magiging worth it ito.
Kinabukasan ay debut na namin ni Nicole. Umaga pa lang ay naghanda na kami ng pinsan ko. Engrandeng party ang inaasahan namin ni Nicole knowing our lolo. Ang sabi nya ay minsan lamang ito. Saka importante ito dahil ipapakilala na kami sa mga kasosyo ng pamilya sa negosyo.
Tinignan ko si Nicole na hindi mapakali. Ilang oras na lang ay magsisimula na ang party.
"What's wrong with you?" nagtatakang pagtanong ko.
Humarap sya sakin at tinignan ako nang seryoso bago sya sumagot, "This is it, Agatha. Ito na ang simula ng pagiging robot ko."
Agad na nangunot ang noo ko. "What do you mean?" nagtataka kong pagtanong.
"You're lucky. Kasi mahal ka rin ng lalaking gusto mo. Ako? Malabo. Malabong mahalin nya rin ako dahil may mahal syang iba." malungkot na sabi ng pinsan ko.
"Bukod sa nakaplanong pagpapakilala satin sa mga kasosyo sa negosyo, ipapakilala rin ang mapapangasawa ko." sabi pa nya na nagpagulat talaga sakin.
Arrange marriage?!
"Ikakasal ka?! Kanino? Mahal ka ba nya?" nag-aalalang pagtanong ko.
"Hindi nya ako mahal, Agatha. May mahal syang iba." mahinang pagsagot nya na rinig ko naman.
Agad akong nakaramdam ng awa para sa kanya. Ikakasal sya sa lalaking pinagkasundo sa kanya. Ikakasal sya sa lalaking hindi sya mahal.
"Ako ang mas matanda sating dalawa at bitbit ko ang apelyidong Santiago. I can't do anything. Alam mong kapag tumakas ako ay mahahanap at mahahanap nila ako. Wala akong magagawa Agatha. I was born to be the family's robot." huling sabi nya bago sya lumabas ng kwarto.
Ilang minuto pa ang lumipas ay pumasok si mommy sa kwarto. Agad syang ngumiti sakin at niyakap ako nang mahigpit.
"Dalaga na ang baby ko. Hindi ka na baby." naluluhang sabi nya.
"I'm still your baby mommy. Nadagdagan lang ang edad ko pero ako pa rin ito." natatawang sabi ko.
Maya-maya ay nagseryoso sya, "Alam mong ginagawa ko lahat ng ginawa ko para sayo anak. Promise me you'll be happy."
Nakangiti akong tumango sa kanya bago sya niyakap nang mahigpit. Biglang bumukas ang pinto at hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari. Masyadong mabilis ang lahat. Natagpuan ko na lang ang sarili kong yakap-yakap si mommy na naliligo sa sariling dugo.
"M-mommy!" pagtawag ko sa kanya pero kahit ilang beses kong bigkasin ay hindi sya sumagot.
Naramdaman ko na lang ang pagpasok ng mga tao sa kwarto. Hindi ko nakilala dahil nanlalabo na ang mga mata ko sa kakaiyak.
ANG masaya sanang pagdiriwang ng kaarawan ay nauwi sa paghihinagpis at sakit. Parang kailan lang nang mapansin ni mommy ang kasiyahan ko dahil naging kami na ni Zeus. Parang kailan lang nang naging masaya sya para sakin dahil matutupad ko na ang pangarap ko. Parang kailan lang ay kasama ko pa sya.
Lumuluhang nakatingin ako sa lapida ng mommy ko. Ilang linggo na ang lumipas mula nang bawian ng buhay si mommy. Hanggang ngayon ay walang nakakaalam kung sino ang bumaril sa kanya. Kahit na tignan nila ang cctv sa kwarto ay hindi pa rin nila malaman kung sino ang salarin dahil burado ang lahat. Mukhang planado ng kung sinuman ang nangyari.
"I'm leaving. Bukas na ang flight ko mommy. Promise.. Tutuparin ko ang pangarap ko. Pagbalik ko rito, alam kong magiging proud ka sakin kasi magiging magaling akong fashion designer." huli kong sinabi bago ako nagpasyang umalis doon.
Nang malapit na ako sa kotse ko ay nakita ko si Zeus na mukhang hinihintay ako. Agad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap sya. I will miss him. So much.
Agad nya akong pinasakay sa kotse nya at nagmaneho na sya. Akala ko ay dadalhin nya ako sa bahay namin pero nagkamali ako. Dinala nya ako sa isang restaurant. Pagkapasok ay napansin kong kami lang ang tao doon maliban sa ilang trabahador ng restaurant.
Kumain kami ni Zeus nang tahimik. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nasasabi sa kanya ang plano kong pag-alis ng bansa. Medyo kinakabahan ako dahil bukas na rin ang alis ko.
Maya-maya ay nagulat ako nang lumuhod si Zeus sa harap ko at hawakan ang kamay ko. Tumingin sya sakin bago nagsalita, "Will you marry me?"
Hindi ako nakapagsalita agad. Naramdaman ko lang ang pagtulo ng mga luha ko.
"Alam ko mabilis. Alam kong kakamatay pa lang ng mommy mo. I want to spend the rest of my life with you." sinserong sabi ni Zeus.
Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya. Nakita ko ang sakit sa mga mata nya dahil sa ginawa ko. Mas lalo syang nasaktan dahil sa sinagot ko, "No, Zeus. Sorry. I'm leaving."
Tuluyan syang tumayo at naupo sa upuang nasa harap ko. "What are you saying?" naguguluhang pagtanong nya.
"Five years. Mawawala ako ng limang taon Zeus. I need to leave. I'm sorry." nanghihinang pagsagot ko.
"Five years?! Do you expect me to wait for you?!" sabi nya.
Oo nasaktan ako sa sinabi nya. Hindi nya ba ako kayang hintayin?
"If you really love me, hihintayin mo ako. I need to do this Zeus. This is my dream. This is what I want. Please.. Let me do this.." naiiyak na sabi ko.
Tumingin sya nang seryoso sakin bago nagsalita, "Let's break up then. Hindi ko kaya ang LDR."
Dahil sa sinabi nya ay parang pinapapili nya ako kung sya o ang pangarap ko. Mahal ko sya pero mahal ko rin ang pangarap ko. Matagal ko na itong gusto at tutuparin ko ang pangarap ko.
"Kung yan ang gusto mo, pumapayag ako. After five years, let's get married then." pinal sa sabi ko bago tumayo.
"How sure are you na tayo talaga. Maraming pwedeng mangyari sa loob ng limang taon, Agatha." sabi nya na nagpatigil sakin.
"This will test the love we have for each other, Zeus. I'm sorry pero mas importante ang pangarap ko kaysa sayo. I hope you understand." huling sabi ko bago umalis sa restaurant, bago umalis sa buhay nya.
----
BINABASA MO ANG
Untold Stories 2: Mistress (Completed)
General Fiction"I am already married." he said. Four words. A sentence that broke my heart into million pieces. He's married. Nagpakasal na sya. Hindi nya ako hinintay. Nagpakasal sya sa iba. At anong mas masakit? He married my bestfriend!! ------ This is the stor...