Chapter 39:

988 20 0
                                    

One year later...

Isang taon na ang lumipas mula nang umamin ako kay Zeus. Mula nang inamin ko lahat ng kasalanan ko sa kanila.

Isang taon na pero wala pa ring nagbago sa pagtrato nilang mag-ama sa amin ni Zachary lalo na sa akin. Mas naging malamig ang pakikitungo nila sa amin. Para sa iba ay mukha kaming perpektong pamilya pero sa likod ng mga ngiti ay ang sakit.

"Kain na." nakangiting paanyaya ko nang makita ko si Zeus at Tiffany sa dining area.

"Good morning!" masayang pagbati ni Zachary nang makapasok sya sa dining area.

Lumapit sya sakin at hinalikan ang pisngi ko. Ganun din ang ginawa nya kay Zeus. Samantalang ningitian nya lang si Tiffany na sinuklian ng dalaga ng pag-irap.

Naupo na silang tatlo sa hapag at nagsimula nang kumain. Walang nagsasalita sa amin at tahimik lamang na kumakain hanggang sa basagin ni Zachary ang katahimikan.

"Dad, can I have a drivers license already?" mahinang pagtanong ng anak ko.

"Why? Para makapunta ka sa bar nang hindi sumasabay sa mga barkada mo?" nakangising sabi ni Tiffany.

Nagulat naman si Zachary bago sumagot, "H-hindi a-ate--"

"Hindi? Eh sino yung nakita ko nung isang gabi sa Heart Breaker Club? Hindi ba't ikaw yun at ang mga kaibigan mo?" sabi pa ni Tiffany dahilan ng pagputla ng mukha ng anak ko.

"Is it true, Zachary?" madiing sabi ni Zeus.

"D-dad kasi.." sabi ng anak ko bago tumingin sakin.

Nag-alala naman ako nang makita ang pagtulo ng mga luha nya bago yumuko, "Birthday po ni Lloyd dad. Nagkayayaan po sa bar. Pero hindi naman po ako uminom."

"And who's that girl you were dancing with? Oh! If I remember it right.. You even kissed her on her lips." nakangising sabi pa ni Tiffany.

Tumingin naman si Zachary sa kanya na mukhang naguguluhan. "You don't remember?" sabi ni Tiffany bago ipakita ang phone nya sa anak ko.

"Was it Steffi Montemayor? Yung babaeng patay na patay sayo?" sabi ni Tiffany bago kuhain ni Zeus ang phone.

Nang makita ang larawan sa phone ni Tiffany at tinignan ako nang seryoso ni Zeus. Sa paraan ng pagtingin nya sakin ay alam ko na ang ibig sabihin. Umiling lang ako para iparating na wala akong ginawa para mangyari yun.

"Don't you dare deny it! Kalat na sa social media ang larawan nyo. Dun ko nga ito nakita eh. You can check it." sabi ni Tiffany bago nagpatuloy sa pagkain.

"No! Hindi ko gagawin yun!" sabi ng anak ko bago tumingin sa akin, "Mommy its not true! Believe me."

Naaawa ako sa anak ko. Sa tingin ko ay pinagkakaisahan sya ni Tiffany at ng taong nag-upload ng picture. Hindi nya magagawa yun.

"Zachary, tell me the truth." seryosong sabi ni Zeus.

"Dad, its not me." pagsagot ni Zachary bago kunin ang phone at pinakatitigan ang picture doon.

Sinuri nya itong mabuti bago sya muling nagsalita, "Dad, its not me. Si Lucas yan, pinsan ni Lloyd. Pinasuot ko sa kanya ang coat ko dahil nabasa ng alak ang damit nya."

Muli nyang tinignan ang larawan bago sumagot, "It was 10:24pm. Umalis ako doon ng 7:45pm dad. Mommy called me at 7:38pm at pinapauwi na ako."

"Kung si Lucas yan, bakit pangalan mo ang kumakalat, Zachary? At hindi man lang nilinis ni Lucas ang pangalan mo?" naiinis na pagtanong ni Tiffany.

"I.. I don't know. Ngayon ko lang din yan nakita. I'll call Lloyd and Lucas to clear my name." sabi ng anak ko.

"Ayusin mo ang gusot na ito, Zachary. Ayokong marumihan ang pangalang pinahiram ko sayo." seryosong sabi ni Zeus bago tumayo.

Untold Stories 2: Mistress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon