Ilang buwan ang lumipas mula nang mangyari ang pamamaril kina Angela at Gabriel dahilan ng pagkakasawi ng dalawa. Sa lumipas na mga buwan na yun paulit-ulit akong tinatanong ni Zeus kung may kinalaman ako sa nangyari.
Kahit si Tiffany ay pinagbibintangan ako sa kasalanang hindi ko ginawa. Masyado na akong maraming kasalanan na nagawa bakit ko dadagdag? Hindi ba't itatama ko ang mga kasalanan ko at wala sa isip kong gumawa ulit ng kasalanan.
Sa totoo lang ay nag-aalala ako sa limang anak nina Angela at Gabriel. Wala na silang mga magulang. Sino na ang mag-aalaga at poprotekta sa kanila? Wala na rin akong balita sa kanila. Gustong-gusto kong itanong kay Zeus kaso lang ay baka masamain ng mag-ama lalo na at iniisip nilang may kinalaman ako sa nangyari.
"Cynthia?" pagsagot ko sa tawag.
"Hi dear. I like you to meet me later. May mahalag tayong pag-uusapan." sabi nya mula sa kabilang linya.
"What is it? Can't you tell me now?" pagtanong ko dito.
"Easy Agatha." natatawang sabi nya bago nagpatuloy, "Its about Angela and of course ang engagement ng anak ko at anak mong si Zachary."
Natigilan ako dahil sa sinabi nya. May kinalaman kaya sya sa nangyari kina Angela? Bakit hindi pumasok sa isip kong baka may kinalaman si Cynthia sa nangyari?
"What time?" pagpayag ko.
Kailangan kong malaman kung may kinalaman sya sa nangyari. Kailangan kong linisin ang pangalan ko kina Zeus at Tiffany. Gustong-gusto ko nang makabawi kaya gagawin ko ito. Itatama ko ang lahat and this is the first step.
Nang matapos ang tawag ay agad kong tinawagan ang kilala kong inspector.
"Good day, Ms. Agatha. What can I do for you?" pagbungad nya.
"I'll meet someone related to Angela Harrison-Montefalco's case. I want you to take photos as evidence." sabi ko.
"Copy that Ms. Agatha." sabi naman nya.
Papatayin na sana nya ang tawag nang muli akong nagsalita, "Dave, she's also related to Cassandra Henderson-Harrison's murder case five years ago."
Huminga ako nang malalim bago dumiretso sa kwarto ko at nag-ayos para sa pagkikita namin ni Cynthia.
Kung anuman ang mangyari, handa ako. Kailangan kong harapin ang kasalanang ginawa ko noon kay Cassandra. Kailangan kong pagbayaran ang ginawa ko noon. Kailangan kong itama ang lahat bago pa mahuli ang lahat.
Nang makapasok sa isang kilalang restaurant ay agad kong nakita si Cynthia at hinihintay ako. Mag-isa lang sya ngayon.
"Have a seat, Agatha." sabi nya bago tinawag ang waiter at umorder.
Nang makaalis ang waiter ay seryoso syang tumingin sakin bago nagsalita, "Kumusta ang pinapagawa ko sayo, Agatha?"
"What do you mean?" naguguluhang pagtanong ko.
"You don't remember?" naiinis na pagtanong nya.
I remember now. She wants to take over Cassandra's clothing company. As all you know, Cynthia Henderson-Montemayor is Cassandra's adoptive sister. Ampon si Cynthia at walang katiting na dugong Henderson ang nananalaytay sa ugat nya. Henderson Group of Companies is really popular all over the country and even in America and Europe.
Cynthia wanted to take over Cassandra's properties na pinamana ng mag-asawang Henderson kay Cassandra nang sumakabilang-buhay sila. Gustong ipaglaban ni Cynthia ang karapatan nya sa mga iyon pero wala syang magawa dahil iyon ang nakasaad sa last will and testament ng mga magulang ni Cassandra.
"Lets talk about Steffi and Zachary's engagement party and their wedding after college graduation." sabi nya.
"I won't do it, Cynthia. Hindi ko pipilitin ang anak ko. May iba syang minamahal at hindi iyon si Steffi." seryosong sabi ko.
"Really Agatha? Do you want to face the consequences? Do you want the world to know your little dirty secret?" nakangising sabi nya.
Aaminin ko, nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinabi nya. Oo, natatakot ako sa pwedeng mangyari pero sisiguraduhin kong hindi ito makakaapekto sa pamilya Santiago maging sa mga bata.
"Ito lang ba ang pag-uusapan natin? I thought, pag-uusapan natin ang tungkol kay Angela?" pagtanong ko to change the topic.
Ngumisi sya bago sumagot, "I know who's the gunman."
"Sino?! May kinalaman ka ba dito, Cynthia?!" pagtanong ko at hindi ko namalayang tumataas na ang boses ko kaya naman nagtinginan ang ibang customers samin.
"Calm down, will you?! Ganyan ba ang tingin mo sakin? Its not me, okay?" naiinis na pagsagot ni Cynthia.
"Then who was it?" seryosong pagtanong ko.
"Christian Miller. He's the mastermind." seryosong sabi nya.
Bigla namang pumasok sa isipan ko ang paghila nya sa mga anak nina Angela at Gabriel paalis sa stage noon nabaril ang mag-asawang Montefalco. Bigla naman akong kinabahan sa posibleng ginawa ni Christian sa mga bata.
"Bakit nya gagawin yun?" pagtanong ko.
"I don't know. Baka may galit sya sa dalawa. Who knows?" pagsagot ni Cynthia bago dumating ang pagkaing inorder nya.
Habang kumakain ay hindi ako mapakali. Iniisip ko ang kalagayan nina Ysabel. Nasaan sila ngayon? Wala na akong balita sa kanilang lima mula nang mangyari ang pamamaril sa mga magulang nila.
Hindi pa man kami tapos sa pagkain ay muling nagsalita si Cynthia, "Sundin mo ang gusto kong mangyari, Agatha. Ipapakasal mo si Zachary kay Steffi at sisiguraduhin kong safe ang sikreto mo. Walang magsasalita samin kapag tuluyan nang mapasaakin ang kumpanya at ari-arian ng pamilya Henderson."
"Kapag hindi ko ginawa?" pagtanong ko.
Ngumisi sya bago sumagot, "We'll reveal your little dirty secret to everyone. Ibibigay ko ang mga ebidensya laban sayo sa tito mo. Pagkatapos ay ibibigay ko rin kay Nicole, kay Zeus, kay Tiffany at kay Zachary. Ayaw mo naman sigurong kamuhian ka ng sarili mong anak, hindi ba?"
Alam kong gagawin nya talaga ang sinabi nya kapag hindi ko sinunod ang gusto nya. Pagkatapos malaman ng pamilya ko ay alam kong isiswalat nya rin iyon sa publiko at masisira ang pangalan ni tito. Hindi ako papayag na mangyari yun.
"Simple lang naman ang gusto ko, Agatha. Una, ipakasal mo si Zachary kay Steffi. Pangalawa, ibibigay mo ang shares ni Zachary sa kumpanya ni Cassandra. Alam kong nakapangalan na kay Zachary ang kumpanyang iyon. Kapag kinasal na sila, ililipat mo ang ownership sa pangalan ng anak ko. Pangatlo, hahayaan mong angkinin ng anak ko ang ari-arian ng pamilya Henderson na hanggang ngayon ay nakapangalan pa rin kay Cassandra. Ngayon, anong mahirap sa pinapagawa ko?" mahabang pagpapaliwanag ni Cynthia sa gusto nya.
Mali sya. Hindi pa nakapangalan kay Zachary ang kumpanya ni Cassandra at alam kong hindi papayag si Zeus at Tiffany na mapunta yun kay Zachary ngayong wala syang dugong Henderson o Harrison.
Mali rin sya dahil hindi na nakapangalan kay Cassandra ang properties na pinamana sa kanya dahil lahat ng iyon ay nakapangalan na ngayon kay Tiffany.
Siyempre, wala akong balak na sabihin sa kanya ang mga yan. May alas pa rin ako laban sayo, Cynthia. Hindi mo makukuha ang gusto mo at sisiguraduhin kong makukulong kayo ng asawa mo.
"Gagawin mo ang gusto ko, Agatha. Kung ayaw mong malaman ng lahat na ikaw ang syang pumatay kay Cassandra para mawala sya sa landas mo at makuha mo si Zeus." seryosong bulong nya sakin bago ako iniwan sa restaurant.
----
BINABASA MO ANG
Untold Stories 2: Mistress (Completed)
General Fiction"I am already married." he said. Four words. A sentence that broke my heart into million pieces. He's married. Nagpakasal na sya. Hindi nya ako hinintay. Nagpakasal sya sa iba. At anong mas masakit? He married my bestfriend!! ------ This is the stor...