Chapter 1:

3.4K 53 5
                                    

Habang naglalakad ako sa hallway ay nagsisitabi ang mga estudyante. Lumalayo sila sa akin na parang may nakakahawa akong sakit.

Hindi rin nagtagal ay nakarating ako sa room ko. Kahit na kasalukuyang nagdi-discuss ang prof sa harap ay walang pasabing pumasok ako sa loob at naupo sa bandang likod.

"Miss, kindly introduce yourself. You're 10 minutes late. This is the first day of the class. Your classmates had introduced themselves ealier." rinig kong sabi ng prof.

Tinignan ko naman sya. Mukhang bago, tsk. Umirap ako sa kanya bago tumayo at naglakad papunta sa harap. Hindi pa man ako nakakarating sa harap ay may pumatid sa akin dahilan ng muntik ko nang pagkadarapa. Mabuti na lang ay nakahawak ako sa malapit na upuan.

Tumawa naman ang isang grupo ng kababaihan na hula ko ay may kagagawan nito. Narinig ko ring natawa ang prof. Umayos ako ng tayo bago humarap sa kanilang lahat.

"I guess you don't know me well." sabi ko gamit ang malamig na boses.

Karamihan sa mga kaklase ko ay nagsiiwas ng tingin sa akin. Mukhang kilala nila ako. Tumingin ako sa grupo ng mga babae kanina. Mukhang bago.

"You can pack your things and leave this school." sabi ko nang seryoso sa kanila.

"At bakit namin gagawin yun?" mataray na sabi ng isang babae na hula ko ay leader nila.

Ngumisi lang ako sa kanila bago tignan ang prof sa may gilid ko. Nakataas ang kilay nya sa akin. "You're fired." seryosong sabi ko sa kanya.

Tumawa naman ang prof maging ang grupo ng mga kababaihan kanina. "You don't have the right to fire her." sabi ng leader dahilan ng paglingon ko sa kanya.

Tumayo ito at humarap sa akin habang nakalagay ang mga braso nito sa dibdib nito, "I am the owner of this school kaya wala kang karapatang sisantihan sya!" sigaw nito sa akin.

Narinig ko namang natawa ang mga kaklase namin. "Anong nakakatawa?!" sigaw ng babae.

Nagulat naman ako nang hawakan ng prof ang braso ko at hinila ako palabas ng room. Bago nya ako mapalabas ay sumigaw ang dalawang babae na kaklase ko rin.

"What do you think you're doing?!" mataray na sabi ni Cynthia bago lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso.

"Hindi mo sya bibitawan? I am telling you.. Mawawalan ka ng trabaho!" mataray na sabi naman ni Margaux.

Nang bitawan ako ng prof ay hinila nila akong dalawa papunta sa harap. Pinagigitnaan nila ako habang masamang nakatingin sa grupo ng mga babae kanina.

"Don't you dare look at me like that?! Don't you know me?! I'm Jessica Riego! Anak ako ng may-ari nitong school!" sigaw nung leader nila.

Muling natawa ang mga kaklase namin. "Bakit kayo natatawa! Its true! Kayong lahat, bagsak kayo sakin!" sigaw naman ng prof.

Tumingin ako sa mga kaklase ko, "Natatakot ba kayo guys? Wag kayong mag-alala. You have me." Dahil sa sinabi ko ay natuwa ang mga kaklase ko.

Tumingin ako nang seryoso kay Jessica, "Hindi ko alam na may kapatid pala ako. Alam ko kasi, only child ako."

Mukha namang kinabahan si Jessica. Napalingon naman ako sa prof nang magsalita sya, "Madami talagang nagpapanggap na anak ng mag-asawang Riego. Sa bagay, hindi pa nakikila ng madla ang anak nila."

"Exactly. Madami talagang nagpapanggap. Tulad nito." sabi ko sabay turo kay Jessica.

"I'm calling dad." sabi ni Jessica.

Ngumisi ako sa kanya, "Go on.. Miss fake."

Lumipas ang ilang minuto ay may pumasok sa loob ng room namin. Nakita ko namang napangisi si Jessica, mga kaibigan nya at ang prof.

"Mr. Riego.. What brought you here?" nakangiting sabi ng prof.

Hindi naman sya pinansin nito. Naglakad ito palapit kay Jessica at nag-aalalang nagtanong dito, "Are you okay? May masakit ba sayo?"

Naramdaman kong hinawakan nina Cynthia at Margaux ang magkabilang braso ko.

"Sya! She hurt me dad! Hindi nya ako kilala. Hindi nya alam na anak ako ng may-ari nitong school!" pagsusumbong ni Jessica.

Humarap sakin ang ama nya at nang makita ako ay gulat na gulat ito. "Surprise!" sabi ko sa kanya.

Ngumisi ako sa kanya, "Sino sya dad? Anak mo sa labas?" seryosong pagtanong ko sa kanya.

"A-agatha.. Anak.." sabi nito bago lumapit sa akin at hawakan ang mga kamay ko.

"Alam ba ito ng mommy ko?" ngumisi ako kay Jessica na mukhang naguguluhan.

"At anong sinabi nya? Anak sya ng may-ari nitong school? Sa pagkakaalam ko, nakapangalan sa mommy ko ang lahat-lahat ng ari-arian ng pamilya. Kahit katiting ay wala kang pagmamay-ari." seryosong sabi ko.

Winaksi ko ang mga kamay nya na nakahawak sa mga kamay ko. "Paalisin mo ang anak mo sa labas bago pa malaman ni mommy ang tungkol dito." seryosong sabi ko sa kanya.

"Anak sa labas?! Hindi ako anak sa labas!" sigaw ni Jessica.

"Anong tawag mo sa sarili mo?" ngumisi ako sa kanya bago nagpatuloy, "Legally wed ang mommy ko at si daddy. Ako ang nag-iisang anak nila. Legal na Riego. Kung totoo man na anak ka nya.. Ibig sabihin.. Anak ka nya sa kabit nya. Ganun kasimple!"

Humarap ako sa prof na namumutla na. "Sabi ko sayo eh.. Mawawalan ka ng trabaho.." rinig kong sabi ni Margaux.

"You're fired!" seryosong sabi ko sa prof bago ko ituro ang daan palabas.

"Hindi mo ba sya narinig? O sadyang bingi ka lang?" sabi ni Cynthia.

Tumingin ito kay daddy at mukhang humihingi ng tulong. Muli akong tumingin kay daddy. "Daddy wag mo syang paalisin. Ikaw ang may-ari nitong school diba?" sabi ni Jessica kay daddy.

Tumaas ang kilay ko nang tignan ako ni daddy, "Don't fire her anak." seryosong sabi ni daddy na kinangisi ng prof at ni Jessica.

"Why would I? Legal na pinamana sakin ni mommy lahat lahat ng ari-arian nya. Ibig sabihin, ako ang may-ari nitong school. Ako ang may-ari ng lahat ng pagmamay-ari ng pamilya Santiago." seryosong sabi ko.

Humawak si Jessica sa braso ni daddy, "Daddy please. Let my sister work here."

Napangisi ako dahil sa narinig, "So.. She's your sister. I see." tumingin ako kay daddy, "Anak mo rin ba sya sa kabit mo? O may iba ka pang anak sa labas?"

"Agatha anak.. Please.. Don't fire her.." pakiusap ni daddy.

Umakto naman akong nag-iisip bago ngumiti nang matamis kay daddy, "Sige. Hahayaan ko syang magtrabaho dito sa school ko. Hahayaan ko ring mag-aral dito sa school ko ang anak mo sa labas."

Ngumisi sakin si Jessica bago sya nagsalita, "Madali ka lang palang kausap eh. Hindi ako naniniwala na ikaw ang may-ari nitong school. Bakit naman ipapamana sakin ni daddy ito kung hindi ito sa kanya."

Ngumisi rin ako sa kanya bago sya sinagot, "Nang ikasal ang mommy ko at si daddy, si mommy lang ang mayaman. Sya ang nagmamay-ari ng lahat ng ari-arian ng pamilya Santiago. Si daddy? Mahirap lang sya noon. Kaya paanong nangyaring sya ang nagmamay-ari nitong school ko? Tsaka bakit nya ipapamana sa anak nya sa labas ang pagmamay-ari ng mommy ko?"

"Agatha!" pagtawag sakin ni daddy.

Lumingon ako sa kanya, "Why? May nasabi ba akong mali? Tama naman ang sinabi ko ah. Right girls?" narinig ko namang sumang-ayon sakin sina Cynthia at Margaux.

"Mabalik tayo.. Ang sabi mo ay hindi mo aalisin sa trabaho ang ate ko at hahayaan mo akong mag-aral dito." maya-maya ay sabi ni Jessica.

Tumango naman ako bago sumagot, "In one condition." tumingin ako kay daddy nang seryoso bago nagpatuloy, "Makikipaghiwalay ka sa mommy ko at wala kang dadalhin na kahit ano maliban sa mga bagay na binili at pagmamay-ari mo. Deal?"

---

Untold Stories 2: Mistress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon