Halos isang taon. Halos isang taon na ang lumipas mula nang makauwi ako rito sa Pinas. Sa loob ng isang taon yun ay puro negosyo ko ang pinagtuunan ko ng pansin. Maging mga negosyong pinamana sakin ni lolo ay ako rin ang naghawak. Hands-on ako sa negosyo dahilan ng madalas kong pagka-busy.
Sa lumipas na isang taon ay naging maayos na ulit ang relasyon namin ni Cassandra. We became best of friends again. Naging magkaibigan ulit kami na parang walang issueng nangyari noon. Maging si Zeus ay naging kaibigan ko rin.
Sa lumipas na taong yun ay naging kaliwa't-kanan ang blind dates ko na si tita Amy ang may pakana. Kaya kahit papaano ay tuluyan nang nawala sa puso at sistema ko si Zeus. Kaya ko na nga syang tignan na wala akong nararamdamang sakit o pagmamahal sa kanya. Kaya ko nang tumingin sa kanila ng pamilya nya na wala akong bitterness sa katawan. Isang senyales na tuluyan na akong naka-move on sa kanya.
Nandito ako ngayon sa restaurant na pagmamay-ari na ni Nicole. May blind date na naman ako ngayon na syempre ay si tita Amy ang may pakana.
"Hi! You must be Agatha Santiago?" tumingin ako sa lalaking nasa harap ko.
Saglit akong napatulala sa kanya. He's handsome. Para syang greek god sa kakisigan nya. He has brown eyes na nagpadagdag sa kagwapuhan nya.
Nilahad nya ang kanang kamay bago nagpakilala, "Xarious John Velasquez."
Inabot ko ang kamay nya, "Agatha. Agatha Santiago."
Gosh ang lambot ng kamay nya! Parang hindi lalaki!
Ngumiti sya sakin bago naupo sa katapat kong upuan. "Sorry I'm late. Medyo late na kasing natapos ang pictorial ko."
"Its fine. Kakarating ko lang din naman." nakangiting sabi ko.
"What do you like?" pagtanong nya bago may tinawag na waiter. Agad naman kaming umorder ng pagkain.
"Tell me something about yourself." pagtanong ko. Muntikan pa akong mautal dahil sa nadaramang kaba. Hindi ko alam kung bakit pero bumilis ang pagtibok ng puso ko nang ngumiti sya sakin.
"I'm a model. You must be familiar with Andrew Josh Del Ruiz? Nabanggit ko kasi ang pangalan mo sa kanya and he said you're friends with his wife." pagsagot nya.
"Wife?" agad na nangunot ang noo ko. Sinong asawa nya? Yung Samantha ba? Tuluyan na ba nyang iniwan si Margaux? Mula kasi nang saktan ni Margaux ang sarili ay nawalan na ako ng balita sa kanya.
"Yes. Margaux Del Ruiz." nakangiting sabi nya.
Nagulat ako nang banggitin nya ang pangalan ng kaibigan ko. "They are married already?!"
Natawa naman sya sa reaksyon ko bago sumagot, "Not yet. Pero gumagawa na sya ng paraan para pakasalan sya ni Margaux. Baliw ang isang yun sa kaibigan mo kaya hindi malabong magpakasal sila."
Huminga ako nang malalim bago nagsalita, "Akala ko ay kasal na sila at hindi ako inimbita. Yung dalawang yun talaga!"
"Don't worry, sasabihin ko kay Josh na imbitahan ka. Hindi namang imposibleng hindi ka imbitahan. Kaibigan ka nila." sabi pa nito.
Napangiti na lang ako. Sa lumipas na isang taon ay wala akong balita kina Margaux at Josh. As I said before, malaki ang tampo nila sakin. Hanggang ngayon kaya ay ganun pa rin? Kung sakaling ikasal sila, iimbitahan kaya nila ako?
"How about you?" rinig kong pagtanong ni Xarious.
"Isang taon na akong naghahawak sa negosyong pinamana ni lolo at iniwan sakin ni mommy. May negosyo rin kami ng kaibigan kong si Chloe Anderson. So far, maayos naman ang negosyo. Unti-unti na ring nakikilala ang kumpanya namin ni Chloe thanks to my family background." sagot ko.
"Natahimik ka? May nasabi ba ako?" nag-aalalang pagtanong ko dahil bigla syang natahimik.
"Ahh. Don't mind me. Medyo familiar kasi ang pangalan ng business partner mo. Parang.. Parang matagal ko na syang kilala." nangunot naman ang noo ko sa sinabi nya.
"You know her?" takang tanong ko.
Umiling sya bago sumagot, "Her name sounds familiar."
Nilabas ko ang phone ko at pinakita sa kanya ang picture namin ni Chloe. Inabot nya ang phone ko at tinitigan nya ang mukha ni Chloe.
"That's my friend, Chloe Anderson. Nagkakilala kami noong nag-aral ako sa Paris, France." sabi ko bago ko napansin ang pangungunot ng noo nito.
"She's.. She's familiar." sabi nya bago ibalik ang phone ko at hawakan ang ulo nya.
Nag-aalala akong lumapit sa kanya, "Are you okay? May masakit ba sayo?"
Ilang minuto ang lumipas bago sya tumingin at ngumiti sakin. "Ayos na ako. Sumakit lang ang ulo ko. Siguro ay dahil sa pagod."
Bumalik ako sa pwesto ko at sakto namang dumating ang mga pagkaing inorder namin. Tahimik kaming kumain hanggang sa basagin ng ringtone ko ang katahimikan.
"Agatha!" pagbungad ni Chloe nang masagot ko ang tawag. Mabuti na lang ay naka-loud speaker ako dahil kumakain pa ako.
"What's wrong? Wait, lasing ka ba?" nag-aalalang tanong ko.
"Ako? Hindi ako lashing! Hahahahaha." pagsagot nya.
Napailing na lang ako nang may naalala. Ngayon pala ang death anniversary ng anak nyang namatay sa sinapupunan nya. It was tragic kaya sya pumunta ng Paris para makalimot.
"I'll fetch you later. Don't you dare make a scene." seryosong sabi ko bago ko tapusin ang tawag at tumingin kay Xarious.
Nagulat ako nang makita ang lumuluhang mukha nya. "Okay ka lang? Why are you crying?!" tarantang pagtanong ko lalo na nang bigla syang sumigaw habang hawak ang sariling ulo.
Kinakabahan ako mabuti na lang ay dumating si Nicole. "I don't know what happened. Wala akong ginawa Nicole."
"Calm down. Dadalhin na sya sa ospital." sabi nya bago ako sumunod sa ospital.
NANG makarating sa ospital ay agad na inasikaso si Xarious. Hindi ko alam ang gagawin ko mabuti na lang ay kasama ko si Nicole. Nag-aalala talaga ako kay Xarious. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya.
Pumasok ako sa kwartong inookupa ni Xarious. Nakita ko syang natutulog. Ang sabi ng doktor ay posibleng bumalik na ang alaala nito. Hindi ko alam na nagka-amnesia sya. Palaisipan sakin kung paano bumalik ang mga alaala nya
Unti-unting nagmulat ng mga mata si Xarious. Agad akong lumapit sa kanya, "Are you okay? Nag-alala ako sayo."
Tinitigan nya ako saglit bago sya nagsalita, "Chloe. Where's Chloe? Agatha, where's my wife?"
Nagulat ako dahil sa sinabi nya. Si Chloe? Asawa nya si Chloe?
Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Paano nya naging asawa si Chloe? Si Chloe lang ang makakasagot kaya naman pumunta ako dito sa Heart Breaker Club para sunduin si Chloe. Habang hinahanap sya ay iba ang nakita at nahanap ko.
"Zeus? What are you doing here?" nagtatakang tanong ko nang makalapit ako sa pwesto nya.
"Agatha.. She cheated on me.. May nangyari sa kanila ni Christian. That man!" sabi nya bago nakatulog.
Nagulat ako sa sinabi nya. Cassandra cheated on him?! At kay Christian pa talaga?!
Dahil nakatulog na si Zeus ay nagpatulong ako sa bouncers para isakay si Zeus sa loob ng kotse ko. Iuuwi ko na lang sya sa bahay nila. Ang problema ay hindi ko alam ang address ng bahay nila at hindi ko matawagan si Cassandra dahil lowbat na rin ang phone ko. Maging si Chloe ay hindi ko alam kung nasaan.
Napagdesisyunan kong dalhin si Zeus sa bahay ko. Kilala naman sya ni manang Celia. Nang makita kami ni manang Celia ay agad kong pinaliwanag sa kanya ang nangyari. Tinulungan nya akong dalhin si Zeus sa guest room.
Lalabas na sana ako sa kwarto nang biglang hinila ako ni Zeus kaya naman napahiga ako sa katawan nya. Babangon na sana ako nang bigla nya akong halikan at kubabawan.
---
BINABASA MO ANG
Untold Stories 2: Mistress (Completed)
Narrativa generale"I am already married." he said. Four words. A sentence that broke my heart into million pieces. He's married. Nagpakasal na sya. Hindi nya ako hinintay. Nagpakasal sya sa iba. At anong mas masakit? He married my bestfriend!! ------ This is the stor...