Chapter 15:

1K 21 1
                                    

Ilang araw nga akong nanatili sa ospital. Nakahinga nang maluwag ang pamilya ko nang malamang wala naman ng kahit na anong injuries sa katawan ko maliban sa left arm ko.

Sina Arriane, Coleen at Bianca ay nanatili sa condo na pagmamay-ari ng pamilya namin. Doon sila nananatili kasama ang mga kapatid ni Bianca. Ang ina naman ni Arriane ay nananatili sa ospital at nagpapagaling. Naglagay din sila lolo ng bodyguards sa labas ng kwarto nito sa ospital.

Hindi makapaniwala sina lolo sa lahat ng ginawa sakin ni Jessica. Noong una ay nagalit sya syempre lalo na at hindi ko sinabi sa kanila. Mabuti na lang ay nawala rin ang galit nya pero may kapalit. Mas mahigpit na sya samin ni Nicole lalo na sakin. Nagdagdag sya ng bodyguards ko. Dapat ay kasama ko silang lahat kahit na saan ako pumunta. Hinayaan ko na lang kasi ayoko rin naman na tuluyang magalit sakin si lolo at baka ipadala ako sa ibang bansa.

Ito na ang huling araw ko rito sa ospital. Kasama ko si Nicole sa kwarto ko habang inaayos naman ni mommy ang bills ko. Ang mga bodyguards naman ay nasa labas ng kwarto.

Ilang araw na ako rito pero kahit anino nya ay hindi ko makita. Alam kaya nya ang nangyari sakin? Ni minsan ba ay nag-alala sya sakin? Alam nya kayang pinagtangkaan akong patayin ng anak nya sa labas?

Bakit ko pa ba tinatanong? Halata namang wala syang pakialam sakin. Ni hindi nga nya ako dinalaw para kamustahin eh. Ang sakit lang isipin na wala talagang pakialam sakin ang ama ko. Ako na ang biktima rito pero wala pa rin syang paki!

"Anak are you ready?" tanong ni mommy bago lumapit sakin.

Nakangiti naman akong tumango sa kanya. Bigla namang nagseryoso ang mukha nya. Hinawakan nya ang mukha ko bago sya nagsalita nang seryoso.

"If you're not happy, don't smile. Huwag kang magpanggap, anak. Ipakita mo kung anong nararamdaman mo. I'm your mom. Kahit anong mangyari, kakampi mo ako."

Unti-unting tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Niyakap ko sya nang mahigpit habang umiiyak sa dibdib nya.

"Ang sakit! Wala ba talaga syang pakialam sakin, mommy? Wala ba akong halaga kay daddy? Muntikan na akong mamatay pero nasaan sya? Ni anino nya hindi ko nakita. Hindi man lang nya ako kinamusta."

Ramdam kong hinahaplos ni mommy ang likod ko bago sya sumagot, "Anak.. I'm sorry. Hindi ako pumili ng tamang lalaki para maging ama mo. Hindi ako nakinig sa lolo mo noon. Alam nyang sasaktan ako ng daddy mo at heto nga. Pati ikaw ay nasasaktan nang dahil sa kanya.."

"Kung may magagawa lang ako para bumalik sa nakaraan at baguhin ang mga naging desisyon ko noon, gagawin ko.." huling sinabi ni mommy.

BAGONG umaga, bagong pag-asa! Ilang araw na mula nang nakalabas ako ng ospital. Hindi ako masyadong nakakalabas dahil pinagbabawalan ako ni lolo. Hindi rin ako nakakapasok sa school kaya si Nicole ang nagbibigay ng notes ko.

Dinadalaw naman ako ng mga kaibigan ko. Maging sina Arriane, Bianca at Coleen ay dinalaw na rin ako kasama ang mga kapatid ni Bianca. Aliw na aliw naman si mommy sa kambal na kapatid ni Bianca. Ang ku-cute kasi!

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Kakaalis lang ng mga kaibigan ko. Si Nicole naman ay nagpapahinga na sa kwarto nya. Dito muna sya nananatili sa bahay namin para daw may kasama ako. Si mommy kasi ay busy sa negosyo namin lalo na ngayong nagpapagaling ako.

Hawak ko ang cellphone ko at pinag-iisipan ko kung tatawagan ko ba sya. Sa katunayan ay malaki na ang tampo ko sa kanya dahil hindi man lang nya ako dinalaw. Kahit tawagan o i-text ako ay hindi nya nagawa.

Tinapat ko sa tainga ko ang phone ko nang mag-ring ito. Ilang sandali lang ang hinintay ko at sinagot nya rin agad.

"Da--" hindi ko na natapos ang sasabihin nang bigla syang nagsalita.

"Masaya ka na ba?! Sirang-sira na ang buhay ng anak ko nang dahil sayo!"

Agad na tumulo ang mga luha ko. Hindi ko inaasahan na ito ang ibubungad nya sakin. I was expecting him to ask me, "How are you, anak?" pero iba ang narinig ko.

"Katulad ka ng mommy mo! You are too selfish Agatha!" muli nyang sabi.

"What did I do, dad? Hindi ba't ako ang biktima dito? Jessica almost killed me!" hindi ko napigilang magtaas ng boses.

What he answered broke my bleeding heart, "Namatay ka ba?"

Ang sakit. Ang sakit-sakit! Namatay ka ba? Kung pagsalitaan nya ako ay parang hindi nya ako anak! Gusto nya bang mamatay ako? Hinihiling nya bang mawala na ako sa landas nya?

"Gusto mo ba akong mamatay?" mahinang sabi ko pero alam kong narinig nya dahil nagmura sya sa kabilang linya.

"Pinagtangkaan akong patayin ng anak mo. Para saan? Maghiganti? Bakit sya maghihiganti? Dahil anak sya sa labas at hindi nya makuha lahat ng gusto nya?" naiinis na pagtanong ko.

"Hindi sya ganyan Agatha! Hindi ganyan ang anak ko!" sigaw nya naman.

"Eh ano?! Anong dahilan ng lahat ng ito?! Bakit gustong-gusto nya akong saktan? May ginawa ba ako sa kanya?!" sigaw ko rin dahilan ng pagkatahimik nya.

Lumipas ang ilang minuto ay narinig ko ang pag-iyak nya sa kabilang linya. "Hindi pa ako patay para iyakan mo!"

"Nakakulong sya! Pinakulong sya ng pamilya mo!" dahil sa sinabi nya ay natahimik ako.

Nakakulong na si Jessica? Pinakulong sya nina lolo?

"Sirang-sira na ang buhay ng anak ko! Maaayos mo ba ang buhay nya? At hindi kita iniiyakan. Iniiyakan ko ang anak ko dahil wala akong magawa!" sabi nya pa.

"Iiyak ka ba kung natuluyan ako? Iiyakan mo rin ba ako kung namatay talaga ako?" mahinang sabi ko naman.

"Hell no! Hinding-hindi Agatha! Hinding-hindi ako iiyak para sayo kahit na mamatay ka pa!" sigaw nya dahilan ng pagkurot sa puso ko.

What did I do to deserve this? Anong ginawa ko para ganituhin ako ng sarili kong ama?

"I guess tapos na ang mga plano ng anak mo laban sakin? Tapos na.. Nakuha na nya kung anong gusto nya.. Kinuha ka na nya sakin, daddy.." sabi ko bago ko patayin ang tawag.

Napaupo ako sa kama ko habang umiiyak. I cried hard. I didn't expect this. Sarili kong ama.. Kung tuluyan akong namatay ay hinding-hindi nya ako iiyakan. Sinong magulang ang hindi iiyak at masasaktan kapag namatayan ng sariling anak?

Anong ginawa ko?! Ano bang ginawa ko at ganito ang nangyari sa buhay ko? My daddy left my mom. He left us para sa anak nya sa labas.

Anong meron kay Jessica na wala ako? Anong meron sa kanya at mas pinili sya ni daddy? Anong meron sa kanya para ganituhin ako ni daddy? Anong meron sa kanya?!

Bakit ako pinaparusahan ng ganito? Naging mabuti naman akong anak! Anong kasalanan ko para mangyari sakin ito?!

Marahas kong pinunasan ang magkabila kong pisngi. "Wala kang kasalanan Agatha. Wala kang ginawang masama para ganituhin ka nya! Walang meron sa babaeng iyon kaya mas pinili sya ng ama mo! She's just a trash na naghahanap ng atensyon sa iba!"

"Huwag mo syang iyakan! Wala syang karapatang saktan ka! Walang dahilan para iyakan mo ang taong tumalikod sayo! Sa inyo ng mommy mo!" pagkausap ko pa sa sarili ko bago tumayo at tignan ang sarili ko sa salamin.

"Pagsisisihan mong tinalikuran mo ako! Pagsisisihan mong mas pinili mo sya kaysa sakin!"

---

Untold Stories 2: Mistress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon