Chapter 34:

1K 22 1
                                    

A/N: This is a flashback from 14 years ago. Still Agatha's POV.

-----

"Thanks for this, Cassy." nakangiting pasasalamat ko sa kanya nang matanggap ko ang box na pinapabigay daw ni mommy. I wonder kung anong laman nun.

"Alam mo Agatha, inabot nya yan noong ilang araw na lang at debut mo na. Mukha nga syang problemado nun mabuti na lang at nagkausap sila nina mommy." pagkukwento nya.

"Hindi ko alam ang pinag-usapan nila pero narinig ko ang pangalan ni Zeus. Hindi ko alam kung may ideya ang mommy mo tungkol samin ni Zeus." sabi pa nya na nagpagulo sakin.

"I mean, alam nya kaya ang relasyon namin noon ni Zeus?" huling sabi nya bago banggitin ang pangalan ko.

Lumingon ako sa may bandang hagdanan bago nakangising lumingon kay Cassandra. Mukha naman syang nagulat lalo na nang hawakan ko nang mahigpit ang magkabilang braso nya.

"Agatha! What are you doing?! Let me go!" sabi nya kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa braso nya.

Nandidilim ang paningin ko. Hindi ko alam pero bumalik sakin ang lahat. Ang pang-aagaw nya kay Zeus, ang pagpapakasal nilang dalawa, ang pagbuo nila ng pamilya. Dapat ako yun! Ako dapat!

Bumabalik lahat ng iyon sa tuwing nakikita ko silang masaya. Selos na selos at inggit na inggit ako. Kahit anong gawin ko ay nandito pa rin. Nandito pa rin ang sakit. Mawawala lang siguro ang sakit kapag nawala sila. Tama! Mawawala ang sakit at magiging masaya na ako kapag nawala sila!

Muli akong ngumisi sa kanya bago sya sampalin sa kaliwang pisngi nya. "That's for hurting me!"

Muli ko syang sinampal, "Para yan sa pang-aagaw mo kay Zeus!"

Sasampalin ko na sana sya ulit nang mahawakan nya ang braso ko at iyon ang pinangsampal nya sakin. "Stop assuming Agatha! Wala akong inagaw sayo." sabi nya at aalis na sana nang patidin ko kaya naman sumalampak sya sa sahig.

Tatayo na sana sya nang apakan ko nang matindi ang likod nya. "Wag mo akong galitin Cassandra! Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin!"

Umikot sya at hinawakan ang binti ko. Nagawa nyang alisin ang binti ko at intulak ako dahilan ng pagkakasalampak ko sa sahig. Mabilis syang bumangon at dinuro ako, "Wala akong inagaw sayo! At isa pa.. Matagal na kayong tapos! Naghiwalay kayo diba? So anong karapatan mong magalit?!"

Aalis na sana sya nang mabilis akong bumangon at sinabunutan sya, "Oo tapos na kami pero bumalik ako! Kami pa sana kung hindi ka umiksena! Mang-aagaw ka!"

Pilit nyang inaalis ang pagkakasabunot ko sa buhok nya. "Hindi ako mang-aagaw, Agatha! Desperada ka! Ang kapal ng mukha mong guluhin kami! Ano?! Lumabas na ang totoong kulay mo?!" sigaw nya sakin dahilan ng mas pagdilim ng paningin ko at ipupokpok ko sana ang ulo nya sa pader nang marinig namin ang boses ni Tiffany.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at bumulong, "Ano kaya kung ang anak mo ang magiging kapalit? Inagaw mo sakin si Zeus. Pwes, ang anak mo ang kapalit!"

"Mommy?! Tita Agatha?!" gulat na sigaw ni Tiffany nang makita kami.

Agad syang tumakbo palapit sa amin at niyakap sa baywang ang mommy nya. "Stop! Don't hurt my mommy! Monster! Monster ka!" sigaw ni Tiffany.

Umiyak sya nang hawakan ko ang magkabila nyang braso at tinignan sya ng masama. "Ikaw! Ikaw ang dahilan! Kung hindi ka nabuhay, babalikan ako ni Zeus! Salot ka! Salot!" sigaw ko sa kanya.

Wala akong pakialam kung marinig nila sa baba ang sigaw ko. Ang naiisip ko lang ay ilabas ang galit at selos ko sa kanilang mag-ina. Oo, mahal ko pa si Zeus. Oo, hindi ko matanggap ang lahat ng nangyari. Oo, nagagalit ako sa mag-ina nya. Sila ang dahilan kung bakit nawala sakin si Zeus. Sila ang panira sa buhay ko!

Untold Stories 2: Mistress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon