Pagpasok ko pa lamang sa cafeteria ay mga tawanan na ang bumungad sa akin. Kung iniisip nyo na dahil sakin ay nagkakamali kayo. Nagtatawanan ang mga estudyante dahil kay Jessica.
Tinignan ko si Jessica at palihim na napangisi. Daig nya pa ang pulubi sa suot nya. Nagkalat ang iba't-ibang pagkain sa kanya mula ulo hanggang paa. Binuhusan lang naman sya ng mga estudyante ng mga pagkain at inumin.
"Anong tinatayo-tayo mo dyan? Linisin mo yang mga kalat mo!" rinig kong pag-utos sa kanya ni Cynthia.
Napangisi na naman ako sa sarili ko. Malamang ay si Cynthia ang may pakana. Malamang ay naibalita na sa kanya ni Margaux ang nangyari sakin.
Muling binuhusan ni Cynthia ng juice sa ulo si Jessica nang hindi ito kumilos.
"Linisin mo na Ms. Fake!" sigaw pa ni Cynthia.
Hinanap ng mga mata ko si Margaux at nakita ko syang seryosong nakatingin kay Jessica habang nasa tabi nya si Josh na mahigpit ang hawak sa mga kamay nya. Mukhang pinipigilan sya ng boyfriend nyang sumugod at sumali sa gulo.
Muli akong napatingin kina Cynthia nang muli syang sumigaw. "Ano?! Ang lakas ng loob mong ikulong si Agatha sa bodega tapos takot na takot kang masaktan?!"
Hinawakan ni Cynthia sa baba si Jessica at napansin kong napangiwi si Jessica dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Cynthia sa kanya.
"Ito ang tatandaan mo, sa oras na may gawin ka pa ulit.. Hindi lang ito ang kaya kong gawin sayo!" sigaw ni Cynthia bago itulak si Jessica dahilan ng pagtumba nito sa sahig.
"Anong iniiyak-iyak mo? Wala dito ang tatay mo kaya walang magtatanggol sayo!" sigaw ni Cynthia bago ko marinig ang sigaw ni Zeus na nilapitan na pala si Jessica.
"Anong ginagawa mo?!" sigaw ni Zeus bago itayo si Jessica.
Tinignan ni Cynthia si Zeus nang masama bago nagsalita, "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Mister?! Pwede ba, wag kang makialam dito!"
Sasagot pa sana si Zeus nang pumalakpak ako habang naglalakad palapit sa kanila, "What a great performance! Ang galing talaga ng bida.. Ang galing nyang gumawa ng gulo tapos kapag ginantihan.. Nagpapaawa na.. Tsk!"
Hinarap ko si Jessica bago ako ngumisi, "Ang galing mo talaga Jessica. Akalain mo yun.. Nakahanap ka na naman ng kakampi. I wonder kung anong papagawa mo sa kanya.. Ipapakidnap mo rin ba ang kapamilya nya o ipapasagasa ang nanay nya?"
Nakita kong nanlaki ang mga mata nya bago nanginginig na dinuro ako, "No! B-bakit ko g-gagawin yun?!"
"Pang best actress talaga ang drama mo Jessica.. Hindi ba't pinakidnap mo ang mga kapatid ni Bianca para sundin nya ang utos mong saktan ako? Hindi ba't pinasagasa mo ang nanay ni Arriana para maka-utang sya ng malaki sayo pangbayad sa ospital? Para ano? Tulungan kang ikulong ako sa bodega?" seryosong sabi ko.
Tama kayo. Pinasagasa ni Jessica ang nurse na nanay ni Arriana para makapangutang ito sa kanya panggastos sa ospital. Alam nyang walang matatakbuhang iba si Arriana dahil gipit din sa pera si Coleen. Pinautang nya ito ng pera kapalit ng pagtulong nito sa kanya.
Sa mga nagawa ni Jessica, hindi ko alam kung saan sya kumukuha ng pera dahil obviously walang pera si daddy. Pangpaaral nga sa kanya ay wala. Kaya malaking palaisipan kung saan nya nakukuha ang pera nya.
"Huwag ka ng magsinungaling Jessica. Ang sama talaga ng budhi mo no? Nagawa mong ipasagasa ang nanay ko para makuha mo ang gusto mo!" sigaw ni Arriana sa kanya.
"Mabuti na lang at tinulungan ako ni Agatha.. Jessica nag-aagaw buhay ang nanay ko dahil sayo!" sigaw pa nito bago yakapin si Bianca.
"Tsk tsk tsk.." reaksyon ko habang umiiling.
Kanina ko lamang nalaman ang nangyari sa nanay ni Arriana. Nang malaman kong nag-aagaw buhay na ito ay agad akong tumulong kay Arriana lalo na sa pera. Kulang ang perang nakuha nya kay Jessica dahil sa lumala ang kondisyon ng nanay nya at nangangailangan ng operasyon at malaking halaga.
Tumingin ako kay Zeus na nakakunot ang noo. "Piliin mo kung sinong kakampihan mo Zeus. Hindi mo kilala ang babaeng yan." sabi ko sa kanya bago tumalikod.
"Agatha are you okay?" nag-aalalang pagtanong ni Margaux nang makalapit ako sa kanila ni Josh.
"I'm fine. Medyo masakit lang ang katawan ko dahil hindi ako sanay na matulog sa sahig pero ayos na ako. Magpapamasahe na lang ako mamaya." pagsagot ko.
"Sigurado kang maayos ka lang Agatha? Namumutla ka eh. Kumain ka na ba?" nag-aalalang pagtanong ni Josh.
Sasagot na sana ako nang bigla akong mawalan ng malay. Nagising na lang ako na puro puti ang nakikita ko.
"Agatha!" rinig kong pagtawag sakin nang lingunin ko ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni mommy.
"Agatha!" rinig kong pagtawag sakin ng mga kaibigan ko.
Agad kong naramdaman ang pagyakap sakin ni mommy. "How are you feeling baby? May masakit ba sayo?" pagtanong ni mommy habang hinahaplos ang ulo ko.
"I'm fine mommy. I need water." nahihirapang pagsagot ko.
Bumangon ako at medyo nahilo pa ako kaya agad akong inalalayan ni mommy. Agad naman akong inabutan ni Margaux ng tubig at ininom.
"What happened?" pagtanong ko.
"Nawalan ka ng malay kanina kaya dinala ka namin dito sa clinic. Tinawagan namin si tita kasi nag-alala kami sayo nang sobra." pagsagot ni Margaux.
"Thank you.." sabi ko bago ako napatingin sa lalaking nakatitig sakin.
"Zeus?" pagtawag ko sa kanya kaya agad syang lumapit sakin.
"Are you okay? Hindi mo naman sinabing nagugutom ka na. Dapat pala ay bumili muna tayo ng pagkain kanina nang makalabas tayo sa bodega." sabi nito.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil ramdam na ramdam ko ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso ko. Yan na naman sya. Dapat na ba akong magpatingin sa doktor?
"Ayos lang Zeus. Hindi pa rin naman bukas ang cafeteria kanina." nakangiting sabi ko na sinagot nya lang ng pagtango bago lumayo sakin.
"Zeus.." pagtawag ko ulit sa kanya pero hindi nya ako nilingon nang biglang tumunog ang phone nya.
"Hi baby!" pagsagot nito gamit ang malambing at masayang boses bago tuluyang lumabas ng clinic.
Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng sakit at kirot sa puso ko. Dahil ba sa ginamit nyang boses? Sino kaya ang kausap nya? May.. May nobya na kaya sya? Sa isiping may karelasyon na sya ay mas kumirot pa ang puso ko.
"Are you okay Agatha?" nag-aalalang pagtanong ni mommy bago hawakan ang kamay ko.
Ayokong magsinungaling sa kanya. Gusto kong sabihing hindi ako okay pero baka mag-alala pa sya. "Okay lang ako mommy."
Muli akong napatingin sa pinto nitong clinic nang pumasok si Josh na may bitbit na pagkain. "Eat these Agatha. Pinag-alala mo kami kanina." sabi nito bago ibigay sakin ang mga pagkaing dala.
"Kumain ka na Agatha." sabi naman ni Margaux nang makalapit sa kanya ang nobyong si Josh at hawakan ang baywang nya.
"Eat baby. Mag-uusap tayo mamaya pagkatapos. You have to tell me everything. Everything." seryosong sabi ni mommy kaya napalunok ako nang di oras.
"Tita.." sabi ni Cynthia nang tumingin ako sa kanya.
"Ikaw din Cynthia. You have to explain what you've done, hija." seryosong sabi ni mommy sa kanya.
Tumingin din ito kay Margaux na naka-pout kay mommy, "You too, young lady."
Seryoso si mommy kaya wala kaming nagawa kundi ang ikwento sa kanya ang lahat ng nangyari. Alam kong galit si mommy dahil nanlilisik ang mga mata nya habang nagkukwento kami.
"That brat!" sabi ni mommy nang matapos kaming magkwento.
May tinawagan sya sa phone nya kaya agad akong kinabahan. Baka kasi may gawin si mommy at malaman ni lolo. Yari ako sa kanila at alam kong hindi sya magdadalang-isip na ipadala ako sa ibang bansa.
---
BINABASA MO ANG
Untold Stories 2: Mistress (Completed)
Fiksi Umum"I am already married." he said. Four words. A sentence that broke my heart into million pieces. He's married. Nagpakasal na sya. Hindi nya ako hinintay. Nagpakasal sya sa iba. At anong mas masakit? He married my bestfriend!! ------ This is the stor...