Chapter 46:

914 18 0
                                    

Hinihintay namin ni Zeus si Kenneth Sebastian Wright. Nandito kami sa isang restaurant. Lumingon kami ni Zeus nang may naramdaman kaming prisensya.

"Good afternoon Mr. and Mrs. Harrison." pagbati ni Kenneth.

Agad akong ngumiti sa kanya pero nawala yun nang makita at makilala ko ang kasama nya.

"This is Jessica Riego-Wright, my wife." pagpapakilala nya dito.

Nang makaupo kami ay alam kong nakatingin sakin si Jessica pero hindi ko sya pinansin. Mas tinuon ko ang atensyon ko kay Kenneth.

"Thank you at pumayag kang makipagkita samin." sabi ni Zeus.

"No, thank you. Actually, matagal na dapat kaming nakipagkita sa inyo. Nang makikipagkita na dapat kami ay nanganak ang asawa ko." sabi naman ni Kenneth.

Nilapag ni Zeus ang envelope na binigay sa kanya ng private investigator kahapon. Kinuha iyon ni Kenneth at inilabas ang nasa loob.

"Steffi Montemayor. Ring a bell?" sabi ko sa kanya.

Ngumiti sya sa amin bago nagsalita, "Yes, anak ng kalaban nyo."

Medyo nagulat ako sa sinabi nya pero hindi ko pinahalata. "Maraming beses na may nangyari sa inyo pero may asawa ka na pala."

Hindi ko maiwasang umirap sa kanya dahilan ng pagtawa nya, "Hindi ko alam na medyo masungit pala ang kapatid mo, babe."

Tinaasan ko sya ng kilay kaya naman agad syang nagpaliwanag, "Its not me. Lulong sya sa droga na gawa ng pamilya nila. Hindi alam ng mga magulang nya na gumagamit sya nun. Yes, I flirt a little para makakuha ng impormasyon tungkol sa pamilya nila. Alam kong nag-iilusyon sya kapag gumagamit sya ng droga. Akala nya ako ang kasama nya pero hindi. Its my cousin na kahawig ko."

Binigay naman nya ang isang envelope kay Zeus. "Naglalaman yan ng mga impormasyong nakuha ko. Kahit diring-diri ako sa kanya ay tiniis ko para lang makuha yan."

Nasa loob ng envelope ang mga pangalan ng mga nasa gobyerno na kasabwat ng pamilya Montemayor. May mga larawan ring kuha ng mga transaksyon nila.

"Steffi told me everything. Lahat ng mga kasabwat nila at kung saan ang kuta nila ay sinabi nya. Kahit ang plano nilang pabagsakin ang negosyo nyo ay sinabi nya." sabi pa ni Kenneth.

May nilabas pa si Zeus na listahan ng mga lugar kung saan nagaganap ang transaksyon nila. Kahit ang mga bansang kasabwat nila ay naroon din.

Ngumisi si Zeus bago nagsalita, "Thanks man. This is a big help."

"You're welcome bro." sabi naman ni Kenneth.

Tinitigan ko nang matagal si Kenneth nang may maalala ako. Tinaasan ko sya ng kilay nang magsalita sya, "What is it, sister-in-law?"

"Nakikipagsabwatan ka ba sa kanila para pabagsakin ang kumpanya ni Cassandra? Magkalaban tayo sa negosyo. Hindi malabong gawin mo yun." seryosong sabi ko kaya nagseryoso rin sya.

"Wala akong balak na makipagsabwatan sa kanila at pabagsakin ang negosyo ng pamilya nyo. In fact, may balak akong makipag-partnership sa inyo. Kapatid mo ang asawa ko kaya pamilya na tayo. Kung iniisip mo naman ang naging relasyon ko kay Steffi, wag kang mag-alala, palabas lamang yun at hindi ko niloloko o lolokohin ang kapatid mo. Tsaka, si Luther ang lumalandi sa batang iyon at hindi ako. Sya ang lalaking nasa mga larawang binigay nyo kanina."

"You mean, sya ang totoong ama ng pinabubuntis ni Steffi?" pagtanong ko dahilan ng paglaki ng mga mata nya.

"Buntis ang batang iyon?! Nakabuntis ng bata ang pinsan ko?!" gulat na sabi nya.

"Yes, at nasa States sila ngayon. Doon manganganak si Steffi at ipapaampon ang bata. Pagkatapos ay babalik sila rito na parang walang nangyari at pipilitin nilang ikasal si Steffi sa anak ko." paliwanag ko.

"You should tell this to your cousin. Gumawa sya ng paraan para mapunta sa kanya ang bata." sabi naman ni Zeus dahilan ng pagtango ni Kenneth.

Tumingin sakin nang seryoso si Kenneth bago sya nagsalita, "Zachary. Sya ang lalaking gustong ipakasal kay Steffi para makuha ang negosyo nyo."

"Kukunin nila ang kumpanya ni Cassandra at hindi kami makakapayag na mangyari iyon." seryosong sabi ko.

"Don't worry, kakampi nyo kami. Kasama nyo kami sa labang ito." seryosong sabi ni Kenneth.

AALIS na sana kami nang tawagin ako ni Jessica, "Agatha, can we talk?"

Huminga ako nang malalim bago tumango sa kanya. Nandito kami ngayon sa dulong parte ng restaurant na walang katao-tao.

"I'm sorry." dalawang salita pa lang pero tumulo na ang mga luha ko.

Hinawakan nya ang mga kamay ko bago nya inulit ang sinabi nya, "I'm sorry."

"Naghirap ka dahil samin ng mga magulang ko. Sinabi sakin ni daddy lahat ng ginawa nya sayo. Lahat ng pananakit nya sayo. Lahat yun para ilabas ang galit nya sa mommy mo. Lahat yun para samin ng mommy ko. I'm sorry Agatha." panimula nya.

"Sarili ko lang ang inisip ko noon. Namatay ang mommy ko dahil pinatay sya ng mommy mo. Pero ginawa nya yun dahil sa labis na pagmamahal nya kay daddy at dahil sa matinding selos. Oo galit ako sa inyo ng mommy mo noon. Galit na galit ako noon na nagawa kitang saktan. Nagawa kong saktan ang kapatid ko dahil sa galit ko."

"Nung umalis kami ni daddy, humingi pa ng patawad ang mommy mo samin. Doon ako naliwanagan. Nadala sya ng selos. Nabulag sya ng sobrang pagmamahal na hindi nya naisip kung may masasaktan ba sya."

Tumingin ako sa kanya at ngumiti nang pilit, "Guess what? Ginawa ko din ang ginawa nya. Pinapatay ko si Cassandra para makuha ko si Zeus. Mahal ko si Zeus at gusto ko akin lang sya. Nabulag din ako ng pagmamahal at galit noon."

Hinigpitan nya ang hawak sa mga kamay ko, "Tinatama mo na ang kasalanan mo noon, Agatha. Inaayos mo na ang gulong ginawa mo noon. Bumabawi ka sa mga taong nasaktan mo. Alam ko, Agatha. Alam ko lahat."

Dahil sa sinabi nya ay tuluyan na akong umiyak sa harap nya. Hinaplos naman nya ang ulo ko habang nagsasalita, "Don't worry. Nandito na si ate. Hindi kita pababayaan. Kasama mo ako sa labang ito. Magkasama nating aayusin ang lahat."

Umiyak lang ako nang umiyak habang paulit-ulit nyang binabanggit ang mga katagang, "Nandito na si ate. Kasama mo ako. Tutulungan kita."

Ganito ba ang pakiramdam kapag dinadamayan ka ng kapatid mo sa mga problema mo?

Ganito ba ang pakiramdam kapag may maaasahan kang kapatid?

Ganito ba ang pakiramdam kapag nagkapatawaran na kayo ng kapatid mo?

Ang gaan sa pakiramdam. Parang nagkaroon ako ng kakampi sa problema ko. Nagkaroon ako ng taong masasandalan at masasabihan ng mga problema.

Ngumiti sya sakin mayamaya at tumitig sa mga mata ko, "I miss you, sister."

Ngumiti rin ako sa kanya bago nagsalita, "I.. I miss you too.. Ate Jessica.."

----

Untold Stories 2: Mistress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon