Chapter 40:

1.1K 14 2
                                    

Nandito ako ngayon sa university kung saan nag-aaral ang anak kong si Zachary. Susunduin ko sya ngayon. Matagal-tagal na rin mula nang huling beses ko syang sinundo.

"Mommy!" pagtawag sakin ng anak ko habang tumatakbo palapit sakin.

Nang tuluyang makalapit sakin ay agad nya akong niyakap nang mahigpit. Pinanggigilan ko naman ang magkabila nyang pisngi.

"Mommy!" sabi nya habang pilit na nilalayo ang sarili sakin.

"Bakit? Binata na ba ang baby ko?" pang-aasar ko pa.

Tinigil ko na ang panggigil sa magkabila nyang pisngi at inaya na syang sumakay sa kotse. Nang makasakay ay agad akong nagmaneho paalis ng university.

Kapansin-pansin naman ang kakaibang saya ng anak ko. Wala sa sariling napapangiti ito.

"You look so happy. What happened? Care to share?" pagpansin ko.

Mas lumaki naman ang pagngiti nya at namula ang magkabilang tainga. Mukhang alam ko na kung anong dahilan o mas tamang sabihing, kung sino ang dahilan ng kasiyahan nya. Its Ysabel Montefalco.

"She's back, mommy. My baby is back." pag-anunsyo nya dahilan ng kakaibang kaba sa dibdib ko.

She's back? Ysabel Montefalco is here? Hindi ko mapigilan pero nararamdaman kong may binabalak sya. I just hope na hindi nila ikapahamak yun.

Nang makarating sa bahay ay agad kong napansin ang pagkaparada ng isang hindi pamilyar na kotse sa tapat ng bahay. I guess, may bisita si Zeus o kaya naman ay si Tiffany.

Sabay kaming pumasok ng anak ko sa loob ng bahay at nang madako ang paningin ko sa bisita nila ay para akong tinakasan ng dugo dahil sa pamumutla ko.

"Oh! Hi there, my forced.. My fake.. My second sister in law." pagbati nya sakin nang makita ako.

Tumingin sakin nang seryoso si Zeus habang nakangisi naman si Tiffany. Naramdaman ko namang hinawakan ni Zachary ang kanang braso ko.

"Mommy, are you okay? You look so pale." nag-aalalang pagtanong ng anak ko.

Tumayo sya at lumapit sakin bago muling nagsalita, "You look so pale, Agatha. Why? Hindi mo inakalang magkikita ulit tayo?"

I cleared my throat, "No.. I mean--"

Tumingin sya sa anak ko bago nagsalita, "Look who's here! You must be her son?"

Tumango naman si Zachary bago sumagot, "Opo. Ahm, mauna na po ako."

Nang tuluyang makaakyat si Zachary papuntang kwarto nya ay may biglang humawak nang mahigpit sa magkabila kong braso.

"Ang kapal ng mukha mong ipatira at ipaako sa kapatid ko ang anak mo! Hindi sya anak ng kuya ko! Wala syang dugong Harrison! Alam mo kung sinong dapat na nakatira dito? Yun ay ang mga pamangkin ko! Mga totoong anak ni kuya kay ate Cassandra!" sigaw nya.

Agad akong kinabahan at wala sa sariling tumingin sa hagdan. Natatakot akong baka narinig ni Zachary ang sinigaw nya.

May lalaki namang lumapit sa kanya kaya nabitawan nya ang magkabila kong braso. "Honey, calm down."

Ngumisi sya sakin bago muling nagsalita, "Akala mo santa pero nasa loob ang kulo. Sinet up mo si kuya at pinaako ang anak mo sa kanya para pilitin sya ng tito mo na panindigan at pakasalan ka. Tama si ate Nicole eh.. Hindi na ikaw si Agatha na pinsan nya!"

She chuckled, "At anong iniiyak-iyak mo, Agatha? Totoo naman diba? Una, sinaktan mo si Tiffany at pinagbintangan si ate Cassandra. Pangalawa, sinet up mo si kuya at pinadala ang pictures nyo sa asawa nyang si ate Cassandra. Pangatlo, nagpabuntis ka sa ibang lalaki at pinaako kay kuya para pakasalan ka nya."

Hindi ko namalayang tumutulo na ang mga luha ko. Marami pa syang sinabi na kasalanan ko pero tila hindi ko na narinig pa. Sa sobrang dami ng nagawa kong kasalanan sa kanila ay hindi ko na mabilang kung ilan.

"Angela, where's my triplets? Where are my princesses?" rinig kong pagtanong ni Zeus dahilan ng pagbalik ko sa reyalidad.

Tumingin nang masama sakin si Angela, nakakabatang kapatid ni Zeus, bago sumagot sa tanong ng kuya nya. "Soon kuya. Ipapakilala ko na sila sa lahat. People need to know about them. Kailangang malaman ng lahat na may tatlo ka pang anak. Kailangang malaman ng lahat na may tatlo pang Harrison."

Tumingin sakin si Angela bago nagtanong, "Ikaw? Kailan mo ipapaalam sa anak mo na wala syang dugong Harrison? Kailan mo ipapaalam sa lahat na hindi sya anak ng kuya ko?"

Kinabahan ako dahil sa tanong nya. Maraming scenarios ang pumasok sa utak ko. Paano kung kamuhian ako ni Zachary? Paano kung lumayo sya at iwan ako?

"Wala syang balak, tita Angela. Gusto nyang panindigan ang kasinungalingan nya." rinig kong sabi ni Tiffany kaya naman napayuko ako.

She's right. Wala pa akong balak na sabihin ang katotohanan kay Zachary. Kahit na inamin ko sa kanila lahat ng kasalanan ko ay hindi pumasok sa isip ko na sabihin kay Zachary ang totoong pagkatao nya.

"Can I see my triplets, Angela?" rinig kong pagtanong ni Zeus kaya naman napatingin ako sa kanya.

"No!" pagsabi ko kaya lumingon sya sakin at tumingin nang masama sakin.

"Bakit naman hindi? Fifteen years Agatha. Labing-limang taon mong pinagkait sakin ang mga anak ko. Labing-limang taon kong hindi nasilayan ang mga anak ko. Labing-limang taon akong hindi naging ama sa kanila nang dahil sayo! Kaya wala kang karapatang pigilan ako dahil asawa lang kita sa papel!" sigaw ni Zeus dahilan ng muling pagtulo ng mga luha ko.

All these years, sinikap kong maging mabuting asawa sa kanya. Sinikap kong maging mabuting ina ni Tiffany. Sinikap kong higitan ang mga nagawa ni Cassandra.

Alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanila. Nagawa ko lang lahat iyon dahil sa pagmamahal ko sa kanya. I was greedy. Ginusto kong mapasaakin sya kaya ginawa ko lahat ng ginawa ko kaya naging asawa ko sya.

I guess, this is my karma. Ginawa ko na ang lahat para mahalin nya rin ako. Ginawa ko ang lahat para mahalin nya ako nang higit pa kay Cassandra pero mali ako. Karma really does its job pretty well.

Tanggap ko na. Kailangan ko nang tanggapin ang pagkatalo ko. Mananatili lang ako rito para itama ang mga mali ko. Habang nabubuhay ako, sisiguraduhin kong naitama ko na lahat ng mali ko. Sisiguraduhin kong babalik ang mga anak nya at hindi sya kamuhian.

----

Untold Stories 2: Mistress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon