Sumisinghot-singhot pa ako nang makalabas ako sa kwarto kung saan kami nag-usap ni tita Martha. Lahat ng sinabi nya ay tinatak ko sa isip ko.
Panahon na ba? Panahon na ba para patawarin ko si Zeus? Panahon na ba para pakawalan ko na sya? Panahon na ba para mawala ang sakit?
Nang makababa ako sa sala ng bahay ni Bianca ay agad kong nakita sina Josh at Margaux na parehong nakaupo sa magkabilang dulo ng sofa. Halatang walang pansinan. Halatang walang pakialam sa isa't-isa. Nilibot ko pa ang tingin ko at tanging silang dalawa lang ang nandito sa sala.
"Agatha? Kanina ka pa ba dito?" pagtanong ni Margaux na tinanguhan ko lang.
Tinitigan ko ang kaibigan kong si Margaux. Nagtataka ako dahil balot na balot sya. Sigurado akong walang paparazzi ngayon. Sigurado rin akong walang makakaalam na nandito sya kaya bakit sya naka-jacket at cap.
"Margaux, hindi ka ba naiinitan sa suot mo?" hindi ko napigilang itanong.
Umiling lang sya at hindi na nagsalita pa. Nanatili syang nakayuko at parang may malalim na iniisip.
Tinignan ko naman si Josh. Kahit hindi nya sabihin ay nahahalata ko ang paminsan-minsan nyang pagsulyap kay Margaux. Tinatantya nya ito at parang may gusto syang sabihin dito.
Parehas kaming nagulat nang bigla na lang natumba si Margaux sa sahig. Mabilis akong lumapit sa kanya at tinanggal ang cap na suot nito na dapat pala ay hindi ko ginawa.
Namumula ang magkabila nyang pisngi. Ang hula ko ay nakuha nya ito dahil sa ilang beses na pagsampal sa kanya. Nakita ko rin ang cut sa may bandang kilay nya.
"Margaux, what happened to you?" nag-aalalang pagtanong ko kahit na hindi nya maririnig.
Binuhat sya ni Josh papasok sa isang kwarto. Nang maihiga nya si Margaux sa kama ay tinanggal ko ang suot nitong jacket dahil pinagpapawisan sya.
Natigilan ako nang makita ang magkabilang braso nya. Punong-puno sya ng pasa. Ang iba ay halatang matagal na. Ang iba naman ay bago pa. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko ang magkabilang kamay nya.
Hindi ko maiwasang mapaiyak nang makita ang dalawang pulso nya. Puro cuts ang pulso nya. Ang iba ay naging peklat na. Agad akong nataranta nang mapansin ang pagtulo ng dugo sa kaliwang pulso nya.
She cut herself! I can't believe her!
"Josh! Tawagin mo yung doktor na asawa ni Arriana! Now!" hindi ko napigilang sigawan si Josh dahil nakatulala lang sya kay Margaux.
Nang makapasok sa kwarto si Dr. Altheo ay agad nyang inasikaso si Margaux. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako para kay Margaux. Ano bang nangyayari sa kanya?
"I'll call her mom--" agad kong pinigilan si Nicole sa balak nya.
"No! I think may problema sila ng mommy nya at ito ang dahilan kung bakit naging ganito si Margaux." sabi ko na sinunod naman nya
"What do you mean?" nagtatakang tanong pa ng pinsan ko.
"I think hindi dapat sakin manggaling kung anong nangyari kay Margaux. Let her tell you all." sabi ko.
Ayoko namang manghimasok sa buhay ni Margaux. Yes, kaibigan ko sya but I respect her privacy. Kung hindi nya sinabi kina Nicole, wala rin akong karapatang sabihin sa kanila.
Nandito kami ngayon sa sala at hinihintay na maging maayos si Margaux. Kasalukuyang inaasikaso sya ni Dr. Altheo.
Napansin ko ang isang blade malapit sa paanan ng sofa kung saan nakaupo kanina si Margaux. Agad ko itong pinulot at tinignan.
![](https://img.wattpad.com/cover/216690118-288-k613871.jpg)
BINABASA MO ANG
Untold Stories 2: Mistress (Completed)
Ficción General"I am already married." he said. Four words. A sentence that broke my heart into million pieces. He's married. Nagpakasal na sya. Hindi nya ako hinintay. Nagpakasal sya sa iba. At anong mas masakit? He married my bestfriend!! ------ This is the stor...