Chapter 3:

1.9K 35 1
                                    

Kasalukyan kaming namimili sa mall ni mommy. Hindi na ako pumasok sa panghapon kong klase at sumama na lang sa mommy ko. Alam kong malungkot sya kaya kailangan ko syang samahan palagi. Alam kong masakit para sa kanya na hiwalayan si daddy. She loves him so much.

Habang namimili ako ng mga dress ay napalingon ako, hindi lang ako kundi lahat ng tao sa loob ng boutique dahil sa sigaw ng isang babae.

"Denied?! That's imposible! Check mo ulit!" rinig kong sigaw ng babae.

Tumingin ako sa kanya at nalaman kong si Jessica pala kasama ang buong tropa nya. Saglit kong tinignan ang wrist watch ko at napag-alaman kong school hours pa. Dapat ay nasa school sila ngayon maliban syempre kay Jessica.

"Ma'am, denied po talaga ang card nyo." sabi ng cashier sa kanya.

Napaisip naman ako. Denied? Card? Natawa ako sa isip ko. Hindi kaya'y gamit nya ang cards ni daddy? Malamang ay made-deny iyon dahil pina-freeze ko.

Nang makapili ako ng mga damit ko ay agad akong pumila sa cashier. Medyo mahaba na ang pila dahil ayaw umalis ni Jessica. Pinagpipilitan nya rin na hindi denied ang cards nya na cards ni daddy.

"Miss pwede ba? Kung hindi mo pa alam ay napakahaba na ng pila dahil sayo! Why don't you step aside nang makapagbayad na kami." rinig kong pagrereklamo ng isang babae sa kanya.

"Excuse me? Hindi mo ba ako kilala! Anak ako ng mga Riego. Matuto kang rumispeto!" pagtataray naman ni Jessica.

"Nagpapatawa ka ba? As far as I remember, hindi ikaw ang pinsan ko! You are not Agatha Santiago Riego!" sigaw ng babae na napag-alaman kong si Nicole pala. Anak ng nag-iisang kapatid ni mommy. She's my cousin.

"I'll call dad! At sisiguraduhin kong mapapahiya ka!" sigaw ni Jessica bago may tinawagan sa phone nya.

"Go on." sabi ni Nicole bago sinadyang itulak si Jessica.

Tumingin nang masama si Jessica sa kanya, "Oops, sorry not sorry.. Fake!" sabi ng pinsan ko bago nagbayad sa cashier.

Nang ako na ang magbabayad sa cashier ay nakita ko si Nicole na hindi pa rin umalis. Nang makita ako ay agad nya akong niyakap.

"Long time no see, cousin." sabi nya bago tumingin kay Jessica na hanggang ngayon ay tinatawagan si daddy.

"Long story couz. By the way, kasama ko si mommy. Join us sa dinner mamaya." sabi ko naman sa kanya na agad nyang sinang-ayunan.

Nakita ko namang may tinuro si Nicole. Nang tignan ko ay si Jessica pala na nagsusumbong kay daddy. May paiyak-iyak pa syang nalalaman bago tinuro si Nicole na katabi ko.

"Hi tito. Hindi mo naman sinabing may iba pa pala akong pinsan." sarcastic na sabi ni Nicole.

"Nicole? Kailan ka pa dumating?" pagtanong ni daddy.

"Ngayon-ngayon lang. So.. Sino sya? Pinsan ko rin ba sya?" pagtanong nito kay daddy.

Tumingin naman sya kay Jessica, "Oh! Hindi pala tayo magpinsan.. Wala ka kasing dugong Santiago. Right tito?" sabi ng pinsan ko bago tumingin kay daddy.

"Nicole.. This is Jessica Riego. My daughter." pagpapakilala ni daddy sa bastarda nya.

Masaya namang nagpakilala si Jessica sa pinsan ko, "Nice to meet you pinsan."

Ngumisi si Nicole at hindi inabot ang kamay ni Jessica. "Sorry to burst your bubble pero hindi tayo magpinsan. Wala kang dugong Santiago, hindi kita kamag-anak. Right my cousin?" sabi nito bago tumingin sakin.

"Right. Anak sya ni daddy sa labas." simpleng pagsagot ko naman.

Maya-maya ay nagsalita ang cashier, "Miss, babayaran mo ba ang mga damit na kinuha mo?"

Agad na humawak sya sa braso ni daddy at sabay silang lumapit sa cashier. "Yes. My dad will pay for those."

"Good afternoon Mr. Riego. It is 455,000 pesos. May I have the payment?" sabi ng cashier kay daddy na agad tumingin sa akin.

Tinaasan ko sya ng kilay, "What? Don't tell me wala kang pambayad sa mga kinuha ng anak mo sa labas?"

Hinawakan ko si Nicole sa kamay bago kami lumabas sa boutique. Hindi pa man kami nakakalabas ay agad kong naramdaman ang pagsabunot sa akin. Naalarma naman si Nicole at agad na tinulak ang kung sinumang sumabunot sa akin.

"How dare you hurt my cousin?!" sigaw ni Nicole.

Nakita ko si Jessica na nakasalampak sa sahig. Agad lumapit sa kanya si daddy at inalalayan syang tumayo. Masamang tumingin si daddy sa pinsan ko. "Nicole! Why did you do that?"

"Bakit? Nakita mo ba kung anong ginawa nya sa pinsan ko?" pagtataray ni Nicole.

Hindi naman nakapagsalita si daddy. Nang makatayo si Jessica ay agad nyang sinugod ang pinsan ko na muli syang tinulak kaya napasalampak ulit sya sa sahig.

"Nicole! Stop!" sigaw ni daddy sa pinsan ko na hindi na sya pinansin pa.

Muling tumayo si Jessica at dinuro ako, "Ikaw! Ikaw ang may kasalanan nito! Ako ang totoong Riego! Ako ang anak ni daddy!"

Tumawa ako ng nakakainsulto bago nagsalita, "Sino bang nagsabi sayong hindi ka totoong Riego?"

Hinawakan ko naman ang ulo ko kung saan nya ako sinabunutan, "It hurts like hell. Mabuti na lang ay matibay ang buhok ko."

"Bagay lang sayo yan! Ako ang tunay na anak. Ako ang tunay na Riego!" sigaw nya sakin.

Unti-unti akong lumapit sa kanya at mabilisang sinabunutan sya, "Anak ka sa labas. Anak ka ng daddy ko sa ibang babae. Anak ka ng mahirap!" sabi ko bago sya binatawan.

Agad syang niyakap ni daddy at tinago sa likod nya, "Don't you dare hurt my daughter, Agatha!"

Ngumisi ako sa kanya bago sumagot, "Bago mo sabihin yan.. Pagsabihan mo muna yang bastarda mo. Huwag nyang sasabihin sa publiko na anak sya ng mga Riego. Huwag syang magpanggap na ako. Huwag syang magpanggap na mayaman dahil isa lang syang dukha kagaya mo!"

"Dad.. Pagsabihan mo yan ha? Kasi kapag nagpanggap syang ako, kapag nagpanggap syang mayaman.. Hindi lang yan ang gagawin ko sa kanya." sabi ko bago ako naglakad palapit kay Nicole.

Tumingin ako sa tropa ni Jessica bago nagsalita, "As far as I remember, school hours pa rin ngayon. Bakit kayo nandito?"

Hindi naman sila makatingin sakin. Napangisi ako nang may naalala, "Oh! Sorry.. Hindi na ba kayo makakapag-aral sa school ko? Don't worry. When I said na hindi pwedeng mag-aral si Jessica sa school ko, hindi ibig sabihin nun ay kasama kayo. May scholarships ang school ko. Bakit hindi nyo yun gamitin?"

Nagliwanag naman ang mga mukha nila dahil sa sinabi ko. "Magkita na lang tayo sa office ko bukas." sabi ko bago sila nagpasalamat sakin.

"Scholarships?!" sigaw ni Jessica bago umalis sa likod ni daddy.

"Why didn't you tell me?!" sigaw nya ulit.

Ngumisi ako sa kanya, "Sorry.. I didn't know na may utak ka. If you want scholarship, magkita tayo sa office ko bukas."

Magsasalita pa sana sya nang biglang sumigaw si mommy, "Who hurt my daughter?!"

Nang makalapit sya sakin ay agad nyang hinawakan ang mukha ko at nagtanong kung maayos lang ako bago sya humarap kina Jessica at daddy, "Sinong nagsabi sayong pwede mong saktan ang anak ko?!"

Hindi naman nakapagsalita si Jessica at napayuko lang. "Sa susunod na may gawin pa yang bastarda mo sa anak ko, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya." sabi ni mommy kay daddy na namutla lamang.

"Tita calm down. Wala lang silang pambayad sa kinuha nyang damit." rinig kong sabi ni Nicole.

Ngumisi si mommy bago kami inayang umalis na doon. "Lets go girls." kinuha naman ng bodyguards ang mga pinamili namin ng pinsan ko.

---

Untold Stories 2: Mistress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon