Lumuluha ako habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin dito sa guest room. Pagkatapos nang nangyari sa sala ay dito ako dinala ni Zeus. Galit na galit sya sakin. Mas malala at mas grabe ang galit nya ngayon kaysa noong nalaman nya ang ginawa ko kay Tiffany.
Ang pula nang magkabila kong pisngi dahil sa sampal na binigay sakin ni Zeus. Yun lang ang ginawa nya sakin pero sobrang sakit. Never in my entire life na pinagbuhatan ako ng kamay.
Ang sakit-sakit. He hurt me not only physically but also emotionally and mentally. Do I deserve this? Deserve ko ba ang ganitong pananakit mula sa asawa ko?
What did I do? Ginawa ko lang ang mga ginawa ko noon para makuha sya. Ginawa ko lang ang alam kong tama at magpapasaya sakin. Mali ba yun? Mali bang bawiin ko sya kay Cassandra? Mali bang--
Pinunasan ko ang mga luha sa magkabila kong pisngi bago sagutin ang tawag.
"Agatha, did you like my surprise?" pagbungad nya bago tumawa.
"You! Of all people bakit ikaw pa!" sigaw ko sa kanya.
"Why? Hindi mo akalaing ilalaglag kita? I can't imagine how you felt nang malaman ni Zeus ang totoo." sabi nya pa.
"Akala ko kakampi kita! Traydor ka! Traydor!" sigaw ko.
Tumawa sya nang nakakainsulto bago muling nagsalita, "Kakampi? Sa tingin mo, kakampi mo pa ako? Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sakin, kakampi pa rin ang turing mo sakin?"
"Magbabayad ka--"
"Be careful with your words, Agatha. Baka sa sobrang sama mo ay biglang magparamdam sayo ang karma. Maaaring sayo. Maaaring sa anak mo." seryosong sabi nya.
"Huwag mong idadamay ang anak ko dito! Hayop ka!" sigaw ko bago ko narinig ang pagtawa nya.
Binato ko ang cellphone ko nang maputol na ang tawag. Hindi ko akalaing babalikan nya ako. Huwag na huwag nyang idadamay ang anak ko dito. Hindi sya kasama sa gulo.
Magdamag akong nagkulong sa guest room at hindi nagpakita sa anak ko. Alam kong nag-aalala na sya sakin pero hindi ako pwedeng magpakita sa kanya na ganito ang itsura ko. Ayokong malaman nya ang lahat. Ayokong magalit sya sa ama nyang si Zeus. Hangga't maaari ay ilalayo ko sa sya gulo.
Ilang araw akong nagkulong sa guest room. Hinintay kong mawala ang bakas ng ginawa sakin ni Zeus bago magpakita sa anak ko. Nagpapahatid lang ako ng pagkain sa guest room. Nagpapasalamat pa rin ako dahil pinapakain pa rin ako ni Zeus kahit na ang laki ng kasalanan ko sa kanya.
"Manang, nasaan ang anak ko?" pagtanong ko sa mayordoma ng bahay nang makababa sa ako sa sala.
"Ahh maam Agatha. Ang paalam ay makikipagkita lamang sa mga kaibigan nya. Babalik raw ho sya bago maghapunan." sagot nya.
"Sina.. Sina Zeus at Tiffany?" pagtanong ko pa.
"Nasa kumpanya ho ang mag-ama. Sige ho may gagawin pa ako sa kusina." huling sabi nya bago ako iniwan sa sala.
Alas dos pa lang ng hapon kaya mamaya pa ang dating nilang tatlo. Nagdadalawang-isip ako kung magpapakita ako kina Tiffany at Zeus. Alam kong alam na rin ni Tiffany ang katotohanan. Natatakot ako sa pwede nyang gawin sakin. Natatakot ako sa pwedeng mangyari.
Napagdesisyunan kong dalawin si mommy. Medyo matagal na rin mula nang huli kong dalaw sa kanya. Maging si lolo ay hindi ko na rin nadalaw man lang.
"Mommy, I'm sorry. Hindi ko tinupad ang pangako ko sayo. I became a monster." para akong batang may nagawang malaking kasalanan at umaamin sa magulang.
"Nalaman na nya. Nalaman na nila ang pinakamalaking sikreto ko. Mommy, pinagsisisihan ko naman eh. Nagsisisi ako sa mga ginawa ko pero huli na. Hindi ko alam kung paano ko itatama lahat ng mali ko. Hindi ko alam kung paano ako babawi, mommy." sabi ko pa sa kanya.
Nagpalipas ako nang ilang sandali bago lumisan at pumunta naman sa puntod ni lolo. Nang makarating ay may namataan akong pigura ng isang babae.
"Nicole?" pagtawag ko sa kanya.
Lumingon naman sya sakin at walang emosyong nakatingin sakin. Ibang-iba sa pinsan ko noon. Ibang-iba sa Nicole na kilala ko.
"What are you doing here?" malamig na pagtanong nya.
"I'm visiting lolo." simpleng sagot ko.
"Visiting lolo? Or confessing your wrongdoings?" seryosong sabi nya dahilan ng pagtulo ng mga luha ko.
"Alam ko malaki ang kasalanan ko. And believe me, pinagsisisihan ko na lahat ng ginawa ko noon." mahinang sabi ko.
"Kailan pa? Ngayon lang na nalaman ni Tiffany ang ginawa mong pananakit sa kanya? Ngayon lang na nalaman ni Zeus ang totoong ginawa mo kay Cassandra?" hindi ako nakasagot dahil totoo naman ang mga sinabi nya.
"Ngayon ka lang nagsisisi dahil pwedeng-pwede silang mawala sayo. Ngayon ka lang nagsisisi dahil unti-unting lumalabas lahat ng kasalanan mo."
"Anong sinabi ko sayo noon? Agatha wag mo na silang guluhin! Pero anong ginawa mo? At talagang nandamay ka pa ng iba para lang makuha ang gusto mo!"
"I still can't believe na pinsan kita. Kasi sa totoo lang? Ayokong maging pinsan ang isang halimaw na kagaya mo." huling sabi nya bago ako iwan.
Iyak lang ako nang iyak habang nakaluhod malapit sa puntod ni lolo. Ang sama ko! Ang sama-sama ko!
Ilang oras na akong nakatulala sa puntod ni lolo. Tila nagbalik ang lahat ng mga maling ginawa ko sa isip ko. Nag-flashback silang lahat. Hindi ko akalaing nagawa ko ang lahat ng iyon. Hindi ko akalaing magagawa ko yun lahat para makuha ang gusto ko. Hindi ko akalaing matutulad ako kay mommy, naging isang halimaw.
Nagbalik ako sa reyalidad nang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali kong sinagot ang tawag.
"Maam Agatha? Nasaan ho kayo?" pagtatanong ng mayordoma sa bahay.
"Bakit ho?" nag-aalalang pagtanong ko.
"Maam, si sir Zachary ho!" agad akong nakaramdam ng kaba nang banggitin nya ang pangalan ng anak ko.
"What happened to my son?!"
"Tumawag ho ang kaibigan nya.. Naaksidente ho ang anak nyo." tila nawalan ako nang lakas dahil sa sinagot nya.
Hindi! Hindi pwedeng mawala si Zachary!
Nang makarating ako sa ospital kung saan dinala ang anak ko ay agad kong nakita ang isang kaibigan nya.
"Tita.." umiiyak na pagtawag nya sakin.
"Anong nangyari?! Nasaan ang anak ko?!" natatarantang pagtanong ko.
"Nabangga po ang minamanehong sasakyan ni Zachary, kasama nya po sa kotse yung isa pa naming kaibigan. Tita sorry po.. Sorry po pumayag akong umalis silang dalawa.. Sana sumama na lang ako.." umiiyak na sabi ni John Lloyd, kaibigan ng anak ko.
"What happened?! Nasaan si Zachary?!" rinig kong sabi ni Zeus.
"Nasa loob pa po, tito." rinig kong pagsagot ng binata.
"Agatha." rinig kong pagtawag ni Zeus sakin bago ko naramdaman ang pagpapaupo nya sakin sa bench.
"Ito ba.. Ito ba ang kabayaran Zeus? Ito ba ang kabayaran sa lahat ng kasalanan ko? Ang anak ko ba ang kabayaran sa lahat ng kasalanang nagawa ko?" sabi ko.
"Pinagsisisihan ko naman eh! Pinagsisisihan ko na lahat ng kasalanang ginawa ko pero bakit kailangan pang mangyari ito sa anak ko?"
----
BINABASA MO ANG
Untold Stories 2: Mistress (Completed)
Ficção Geral"I am already married." he said. Four words. A sentence that broke my heart into million pieces. He's married. Nagpakasal na sya. Hindi nya ako hinintay. Nagpakasal sya sa iba. At anong mas masakit? He married my bestfriend!! ------ This is the stor...