AN: Sorry for the looooong wait. Sana magustuhan nyo. Happy reading!
-----
Ilang linggo ang lumipas mula nang magplano kami nina Zeus at Tiffany. Ilang linggo ko na ring napapansin ang masayang aura ng anak ko sa tuwing umuuwi ito galing sa eskwela.
"You look so happy anak." pagpuna ko habang inaayos ko ang damitan nya.
Nakangiting humarap sya sakin bago ipakita ang isang box. Punong-puno iyon ng mga larawan ni Ysabel. Hindi ko alam kung obsessed na ba ang anak ko kay Ysabel o sadyang tinamaan lang sya nang matindi ng pana ni kupido.
"I'm always happy kapag nakikita ko sya sa university, mommy." pagsagot ng anak ko.
Noong nakaraang linggo ay sinabi sakin ni Zeus na pinababantayan nya ang triplets na anak sa kung sino. Hindi na nya binanggit kung sino. Ang mahalaga daw ay may nagbabantay sa mga anak nya maging sa kambal na anak nina Angela at Gabriel.
"Paano sya nakakapag-aral dyan anak? I mean, who pays her tuition fee? Nag-aaral din ba dyan ang mga kapatid nya?" pagtatanong ko.
Mukha syang nag-iisip bago sumagot sakin, "Ang alam ko mommy, nagtatrabaho sya sa isang restaurant. Yung pagmamay-ari ni tita Nicole."
Restaurant na pagmamay-ari ni Nicole?
"Nagtatrabaho sya bilang waitress doon mommy para may pambayad sa tuition nilang magkakapatid. I even used my name para pakiusapan ang manager doon na wag syang bibigyan ng mabibigat na trabaho." pagpapatuloy nya.
Mayamaya ay lumabas ako nang mapansin si Zeus na sumilip sa kwarto ni Zachary. Sumunod ako kay Zeus na dumiretso sa opisina nya rito sa bahay.
"Zeus, alam mo ba ang tungkol doon? Bakit hindi na lang natin patirahin dito ang mga bata?" pagtanong ko sa kanya.
Tumingin sya nang seryoso sakin bago sumagot, "We can't do that kahit gustong-gusto ko. Malalaman ni Cynthia at natatakot akong baka may masama syang gawin sa mga anak ko maging sa mga anak ng kapatid ko."
Natahimik naman ako. This is all my fault. Kasalanan ko ito lahat.
"What can we do para mabawasan ang gastusin ng mga bata?" pagtanong ko mayamaya.
"I'm already paying their tuition fee. Ako ang bumibili ng lahat ng pangangailangan nilang lima. Kahit na ganun, hindi pa rin tumitigil si Ysabel sa pagtatrabaho sa restaurant. She wants to be independent. Gusto nyang pinaghihirapan ang lahat bago nya makuha." sabi ni Zeus.
Napangiti ito bago nagpatuloy, "She's really like her mom, Cassandra, independent and strong."
Napangiti rin ako nang maalala si Cassandra. Yes, she's independent and strong. Mga bata pa lang kami ay para na syang matanda kung kumilos at umasta. Yes, she's kind pero kinatatakutan pa rin sya ng ibang mga bata noon.
"I'm sorry." pang-ilang beses ko nang paghingi ng tawad sa kanya.
Hindi ko maiwasang makunsensya lalo na't nakikita kong nahihirapan sya at ang mga anak nila ni Cassandra. I was so selfish before na hindi ko na inisip ang kahihinatnan ng mga ginawa ko noon.
"I already told you, Agatha. I can't give you the forgiveness that you want hangga't hindi naaayos ang lahat, hangga't hindi ko pa nakakasama ang mga anak ko." mahinang sabi nya sapat lang para marinig ko.
Dahan-dahan akong tumango senyales ng pagsang-ayon. Naiintindihan ko naman ang gusto nyang iparating. Alam kong mahirap na mapatawad ako lalo na't napakalaki ng kasalanang ginawa ko sa kanila.
"Dad?" rinig kong pagtawag ni Tiffany sa ama.
"Come in, princess." pagsagot ni Zeus bago bumukas ang pinto at pumasok si Tiffany sa loob.
BINABASA MO ANG
Untold Stories 2: Mistress (Completed)
General Fiction"I am already married." he said. Four words. A sentence that broke my heart into million pieces. He's married. Nagpakasal na sya. Hindi nya ako hinintay. Nagpakasal sya sa iba. At anong mas masakit? He married my bestfriend!! ------ This is the stor...