Chapter 25:

1.2K 22 0
                                    

Lumabas ako ng bahay nina Bianca at bumalik ako sa garden. Magpapalipas ako ng oras dito saglit bago umuwi. Alam ko madidismaya o magtatampo ang kambal na kapatid ni Bianca pero gusto ko ng umalis dito lalo na at dumating na sina Zeus kasama ang mag-ina nya. Late na nga sila dahil may importante pa silang dinaanan bago dumiretso dito.

Ang sabi ni tita Martha ay matuto akong magpatawad. Panahon na ba para gawin ko yun? Sa tingin ko ay sinadya talaga ng tadhana na pumunta si Zeus dito sa garden para makapag-usap kami. I guess a closure is what I need.

"Zeus, can we talk? Promise saglit lang. I hope hindi mo samain, Cassandra." sabi ko nang mapansing kasama ni Zeus si Cassandra.

"Yes. Actually lumapit kami sayo para makapag-usap tayong tatlo. Nasabi kanina ni Nicole na gusto mo kaming makausap." sabi ni Cassandra.

Unti-unti akong tumango. Wala naman akong nabanggit kay Nicole na gusto kong makausap sina Zeus. Siguro ay nabasa nya ako o kaya naman ay gusto nyang harapin ko sina Zeus at mag-usap kami.

"I'm sorry." panimula ko nang makaupo sila sa grass, sa harap ko.

Mukha silang nagulat kaya inulit ko. I feel like I need to say sorry kahit na alam kong wala akong kasalanan sa kanila.

"We're sorry too. Alam kong nasaktan ka namin Agatha." panimula naman ni Cassandra dahilan ng pagtulo ng luha ko.

"I'm sorry. Pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan dito. Nagpakasal kami ni Cassandra kahit na alam kong umaasa ka pa rin sakin kahit na naghiwalay na tayo noon." sabi ni Zeus dahilan ng paglakas ng pag-iyak ko.

Marami pa kaming sinabi sa isa't-isa dahilan ng pag-iyak namin ni Cassandra. The bottomline? Nagkapatawaran kami.

Masaya pala sa pakiramdam na humingi ng tawad at magpatawad. Ang gaan sa pakiramdam. Tama si tita Martha, masarap at ang gaan sa dibdib na nagkapatawaran na kami.

Oo, nandyan pa rin ang sakit. Masakit pa rin pero alam kong dadating ang araw na mawawala na yun.

NANG makauwi ako sa bahay ko ay magaan ang pakiramdam ko. Parang hindi ako. Parang nag-ibang tao ako. Ibang-iba sa Agatha na umalis ng bahay kanina.

Hindi pa man nakakapasok ang kotse ko sa bahay nang may mamataan akong bulto ng tao sa tapat ng bahay ko. Agad akong bumaba nang makilala ko sya.

"What are you doing here?" naiinis na sabi ko sa kanya.

"Why? Takot ka sa sarili mong multo, Agatha?" mapang-asar na sagot nito.

"Ano bang ginagawa mo dito? Didn't I tell you na hindi ka dapat nagpapakita sakin?! Paano kung may makakita sayo dito?!"

"Relax! Kung may makakita man, sinong maghihinala?" nakangising sagot nya.

"Ano bang kailangan mo?!"

"Wala naman. I just want to confirm something."

Ngumisi sya bago nagpatuloy, "Is it true na nakipagbati ka na sa kanila? How come? Akala ko ba..."

"Wala ka ng pakialam doon! Mind your own business!" naiinis na sabi ko bago sya paalisin.

"Fortunately, we have the same business." makahulugang sabi nya bago lumapit sakin at bumulong.

"Tell me the plan. Sabihan mo naman ako. Hindi yung nalalaman ko pa sa iba." bulong nya bago lumayo sakin.

Muli syang ngumisi sakin bago naglakad papunta sa sariling kotse nito at nagmaneho paalis. Inis na sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kanang kamay ko bago muling sumakay sa kotse ko.

Nakarating ako sa park malapit sa bahay ko. Dito kami pumunta ni mommy noon. Naupo ako sa swing, parehong swing na inupuan ko noon, bago tumingala at tumitig sa langit.

Hindi ko namalayang tumulo ang mga luha ko. Hindi ako nag-abalang punasan ang magkabilang pisngi ko dahil madilim na at sigurado akong walang makakakita sakin.

"I didn't expect na makikita kitang umiiyak." sabi ng isang boses.

Tinignan ko ito at nagulat ako nang makita si Jessica. Oo si Jessica. Ano namang ginagawa nya dito? Akala ko ba nasa ibang lupalop sya ng mundo?

"What are you doing here?" pagtanong ko bago muling tumingala.

"I.. I'm here to visit someone." sagot nya bago naupo sa swing na katabi ng swing na inuupuan ko.

Hindi ako nagsalita. Kahit sya ay hindi nagsalita. Pareho naming pinalipas ang oras. Wala kaming imikang dalawa. It was silent. A peaceful silence.

Tumayo na ako at walang lingon-lingong sumakay sa kotse ko at nagmaneho paalis doon. Tinignan ko pa sya bago ako tuluyang umalis doon.

NASA kwarto ko na ako nang tumawag si Nicole. Agad ko itong sinagot.

"Agatha.. Margaux wants to see you tomorrow. Sa ngayon ay nasa ospital na sya at kasama ang daddy nya. Ayaw nyang magpapasok ng kung sino-sino. Ikaw lang ang gusto nyang makita maliban samin." sabi nya.

"Sige. Text me the address please." sagot ko bago nya patayin ang tawag.

Napaupo ako sa kama ko. Lubos akong nag-aalala sa kalagayan ni Margaux. She almost killed herself! Hindi ako makapaniwalang ginawa nya yun sa sarili nya.

Maya-maya ay pumasok sa kwarto ko si manang Celia at may bitbit na isang baso ng gatas at may bisquits. Lumapit sya sakin bago naupo sa kama ko, sa tabi ko mismo.

Kinuha ko ang bitbit nya at pinatong muna sa side table ko. Hinawakan naman ni manang Celia ang magkabila kong kamay bago nakangiting tumingin sakin.

"Iba ang aura mo ngayon, anak. May nangyari ba?" tanong nya.

Ngumiti ako sa kanya bago sumagot, "Nag-usap na po kami manang Celia. Totoo po pala yung mga sinabi nyo sakin. Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagbawas ng sakit. Unti-unting gumagaan ang loob ko, manang."

"Masaya ako at nagkausap at nagkapatawaran na kayo. Dadating ang araw na tuluyan nang mawawala ang sakit, hija." huling sabi nya.

"Ah.. Manang Celia.." pagtawag ko sa kanya bago sya lumabas ng kwarto ko.

"Bakit anak? May kailangan ka pa ba?" pagtanong nya.

"Ahh.. Pwede po bang.. Pwede po bang ipabura ang cctv footage kanina bago ako bumalik dito?"

Mukha naman syang naguluhan, "Bakit hija? May problema ba?"

Mabilis akong umiling, "Wala naman po."

Ilang minuto pa syang tumitig sakin bago tumango, "Sige. Ipapagawa ko."

Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas si manang Celia. Hindi nya dapat malaman ang ugnayan ko sa lalaking iyon. Wala dapat makaalam ng tungkol sa kanya.

---

Untold Stories 2: Mistress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon