Lumipas ang mga araw mula nang sunugin nina Jessica at Bianca ang buhok ko. Sa kabutihang palad naman ay hindi ito nalaman ni mommy lalo na ni lolo. Mabuti na rin at niyaya ako ni Nicole na mag-parlor kaya hindi rin nahalata.
Kasama ko si Nicole dito sa mall. Namimili kasi kami ng gamit para sa project namin. Partner partner ang team at ka-partner ko si Nicole. Sa katunayan ay dapat si Jessica ang partner ko pero nagbago ang isip ng prof nang malaman ang ginawa nya sakin. Nagpresinta naman si Nicole na maging partner ko dahil ayaw nya rin sa partner nyang si Bianca.
Kasalukuyan akong pumipili ng libro nang may marinig akong boses sa kabilang aisle. Hindi ko na sana papansinin nang makilala ko ang boses ni Jessica.
"I don't think I can do that, Jessica." rinig kong sabi ni Bianca.
So sila pala ang naging mag-partner ngayon.
"Kaya mo, Bianca." matigas na sabi ni Jessica.
Ano na naman kaya ang pinaplano nitong si Jessica at ginagamit pa talaga si Bianca? Paniguradong ako na naman ang target nila.
"No! Hindi na ako susunod sayo, Jessica." sabi ni Bianca.
"Hindi ka susunod? Sige. Ipapa-rape ko na ang mga kapatid mo tutal wala ka naman nang pakialam sa kanila." malademonyong pagsagot ni Jessica.
Hinintay kong umalis si Jessica bago ko nilapitan si Bianca na tahimik na umiiyak.
"Bianca." pagtawag ko sa kanya at mukha syang nagulat nang makita ako.
Dali-dali nyang pinunasan ang mga luha bago tumingin sakin, "Ms. Agatha."
Hindi ako nagsalita at tinitigan lang sya. Hindi naman nya napigilang umiyak sa harap ko. "Ms. Agatha please help me." sabi nya habang hawak ang mga kamay ko.
"Tell me what happened." sabi ko bago kami naglakad palapit kay Nicole na saktong nakapagbayad na.
"Where have you been?" tanong ng pinsan ko bago tinignan si Bianca na napayuko lang.
"Why are you with that girl?" seryosong pagtanong nya.
Hinila kong muli si Bianca paalis sa bookstore. Nakita ko namang sumunod samin si Nicole kasama ang bodyguards namin sa likod nya.
"So.. Care to tell me what happened?" sabi ni Nicole pagkatapos uminom ng bubble tea.
Nandito kami ngayon sa loob ng shop. Dito kami nagpunta para makausap si Bianca.
"Alam ko may nagawa akong hindi maganda sayo Ms. Agatha pero hindi ko naman ginusto yun. Jessica fooled me. Ang sabi nya kapag nagawa ko ang gusto nya ay papalayain nya ang mga kapatid ko pero hindi naman nya ginawa." pagkwento ni Bianca.
Nagkatinginan kaming magpinsan bago muling nakinig sa kwento ni Bianca.
"Pina-kidnap nya ang dalawa kong nakakabatang kapatid. Halos dalawang linggo silang nawala hanggang sa nalaman kong si Jessica ang may pakana. Nag-usap kami. Ang sabi nya ay papalayain nya sila kapalit ng pagtulong ko sa kanya."
Tumingin sya sakin bago nagpatuloy, "Gusto ka nyang pagbayarin, Agatha. Namatay daw kasi ang nanay nya nang dahil sa mommy mo kaya gusto nyang maghiganti sayo."
Agad na nangunot ang noo ko. Pagbayarin? Anong kinalaman ko sa pagkakamatay ng nanay nyang malandi? Ako nga dapat ang gumanti sa kanya dahil naging kabit ng daddy ko ang nanay nya.
Hinawakan nya ang mga kamay ko bago nakiusap, "Kakapalan ko na ang mukha ko Agatha. Nakikiusap ako sayo. Iligtas mo ang mga kapatid ko. Tatanawin kong utang na loob ang pagtulong mo. Sila na lang ang meron ako kaya nakikiusap ako sayo."
Nagkatinginan kami ni Nicole bago sya may tinawagan sa phone nya. Sa tingin ko ay kinausap nya ang private investigator ng pamilya namin. Sya na ang bahalang kumausap ng mga pulis. Hindi kami pwedeng makita at makilala ng mga tao dahil baka malaman ni lolo at mapagalitan kami.
"I'm sorry Agatha kung sumunod ako sa gusto nya. Hindi ko gustong sunugin ang buhok mo. I'm sorry. Sorry talaga." sabi ni Bianca habang patuloy na tumutulo ang mga luha nya.
"Papatawarin kita in one condition." nakita kong tumango sya kaya nagpatuloy ako, "Hindi ka na makikipagsabwatan kay Jessica at sa iba pa nyang kasabwat. Kung maaari ay lumayo ka sa kanya para hindi ka nya masaktan lalo na kapag nalaman nyang mare-rescue ang mga kapatid mo. Ikaw ang pagbubuntungan nya ng galit kapag sumugod mamaya ang mga pulis."
Tumingin sya nang seryoso sakin bago sumagot, "Pangako. Hinding-hindi na ako makikipagsabwatan sa kanya, sa kanila. Lalayo ako sa kanya. Pangako Agatha."
Ngumiti ako sa kanya bago ko ilahad ang kamay ko sa harap nya, "Friends?"
Tinanggap nya ang kamay ko, "Friends."
Sa katunayan ay alam na namin ni Nicole na kinidnap ni Jessica ang mga kapatid ni Bianca. Napag-alaman namin na kaya ginawa ni Bianca ang ginawa nya sakin dahil sa mga kapatid nya. Hindi nya gustong gawin pero kailangan para mailigtas nya ang mga kapatid. Wala syang magawa dahil tinatakot sya ni Jessica na kapag hindi nya sinunod ay ipapa-rape at ipapapatay nito ang mga kapatid nyang babae.
Isa syang nakakatandang kapatid na gustong iligtas at protektahan ang mga nakakabatang kapatid. Kahit na mga anak ito ng kanyang ama sa kabit nito ay napamahal na si Bianca sa mga kapatid. Isang bagay na hindi ko kayang gawin kay Jessica.
"Nakuha na nila ang mga kapatid mo, Bianca. Dadalhin sila sa condo na pagmamay-ari namin." sabi ni Nicole kay Bianca.
Ilang oras din kaming nakatambay dito sa shop upang hintayin ang tawag ng investigator kay Nicole. Sa kabutihang palad ay walang nangyaring masama sa mga kapatid ni Bianca. May trauma ang mga ito dahil kapwa mga bata pa.
Nagmamadali si Bianca habang tinatakbo ang pasilyo papunta sa condo nya rito. Ang condo na tinutuluyan nila, na tinutuluyan ng iba ko pang scholars, ay pagmamay-ari ng pamilya namin.
Sa labas ng condo nya ay may mga pulis na nakabantay. "Kayo po ba si Ms. Bianca?" tanong ng pulis bago kami pinapasok sa loob.
"Ayoko! Si ate! Ate!" sigaw ng dalawang batang babae habang nakaupo sa sofa.
Nagwawala ang mga ito at takot na takot sa mga pulis na nakabantay sa kanila. "Ms. Bianca?" pagtawag ng isang pulis bago tumango si Bianca sa kanya.
"Kanina pa sila iyak nang iyak. Mas mabuting ipa-theraphy sila upang mawala ang trauma nila. Masyado pa silang bata para maranasan ang ginawa sa kanila." sabi pa ng pulis.
"Mabuti na lang ay nakarating kami kaagad kung hindi ay baka natuloy ang pag-rape sa kanila." huling sabi ng pulis.
Lumuluhang lumapit si Bianca sa dalawang kapatid bago niyakap. "Nandito na si ate. Wala nang mananakit sa inyo." sabi ni Bianca.
Yumakap ang dalawang bata kay Bianca habang nagsusumbong. "Pinalo ako sa hita ate. Hindi ako makalakad dahil sa sobrang sakit."
"Ate yung isa mong kaibigan.. Sinampal nya ako tapos sinabunutan kasi ayokong hawakan ako ng mga lalaki."
Agad akong nakaramdam ng awa para sa dalawa. Sa tingin ko ay kapwa nasa walo hanggang sampu ang mga edad nila. Hindi dapat nila naranasan ang ginawa sa kanila. Mga bata pa sila para maranasan ang kasamaan ng mundo.
"Nakakulong na ang mga lalaking kumidnap sa kanila. Mga kriminal sila na nakalaya sa kasong pagnanakaw." pagbalita ng private investigator.
"Make sure na mabubulok sila sa kulungan." seryosong sabi ni Nicole bago lumapit sa dalawang bata na pinapatahan ni Bianca.
"Hello." malambing na pagbati ni Nicole sa dalawa na agad yumakap kay Bianca.
Lumapit din ako sa kanila, "I'm ate Agatha. Sya naman si ate Nicole. Mga kaibigan kami ng ate Bianca nyo." malambing na pagsabi ko naman.
"Mabait po kayo?"
"Hindi nyo po kami sasaktan kagaya ni ate Jessica?"Ngumiti ako sa kanila bagi sumagot, "Hindi kami kagaya nya. Hindi kami masama kagaya nya."
Nagkatinginan ang dalawang bata bago lumapit sa amin ni Nicole at niyakap kami.
"Thank you po. Alam namin na kayo po ang nagligtas samin ni kambal"
"Salamat po mga ate."
----
BINABASA MO ANG
Untold Stories 2: Mistress (Completed)
General Fiction"I am already married." he said. Four words. A sentence that broke my heart into million pieces. He's married. Nagpakasal na sya. Hindi nya ako hinintay. Nagpakasal sya sa iba. At anong mas masakit? He married my bestfriend!! ------ This is the stor...