Chapter 49:

1.1K 22 1
                                    

Nakalabas na ako mula sa opisina ni Nicole. Masaya ako dahil nagkaayos na kaming magpinsan. Sa susunod na araw nga ay bibisitahin namin sina tito. Sa araw na yun ay aaminin ko ang lahat sa kanila. Tulad ng plano, ipapaalam ko sa kanila lahat ng kasalanang ginawa ko noon.

"Mommy!" pagtawag sakin ni Zachary.

Agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya. "How was it?" pagtanong nya.

Ngumiti ako sa kanya bago sumagot, "We're okay na anak. Nagkaayos na kami ng tita Nicole mo."

Ngumiti sya sakin bago kami naghanap ng mesa. Napansin ko pa si Ysabel at agad akong umiwas ng tingin sa kanya. Hindi nya ako pwedeng makita sa ngayon. Ayokong malaman nyang nasa malapit lang ako. Ayokong masira ang plano namin nina Zeus.

Pinaghila ako ni Zachary ng upuan. Ningitian ko sya. I'm glad, I raised a gentleman.

Masaya kaming kumakain ng anak ko nang makita ko ulit si Ysabel. Naaawa ako sa kanya. Kung hindi ko sinira ang pamilya nya ay sana hindi nya nararanasan ang mga ito. Its all my fault. Ang dami ko ng kasalanang ginawa sa pamilya nya at kailangan ko na itong itama lahat.

"She's so beautiful. She's independent. She's an amazing woman. I love her so much." rinig kong sabi ni Zachary habang nakatitig kay Ysabel.

"Indeed. Just like her mom." bulong ko naman.

Tapos na kaming kumain pero hindi pa rin kami umaalis ni Zachary. Nakatitig lang kami kay Ysabel na masayang nagseserbisyo sa mga tao rito.

"Mahal na mahal ko sya, mommy pero hindi kami pwede. Hindi kami pwede dahil anak din sya ni daddy. Hindi kami pwede dahil magkapatid kami sa ama." madamdaming saad ni Zachary.

Hinawakan ko ang kamay nya bago ako umamin sa kanya, "Pwede kayo anak. Hindi mo totoong ama si Zeus. Hindi ka nya anak. Anak kita sa ibang lalaki."

NANDITO kami ni Zachary sa bahay nina tito, sa bahay nina Nicole. Ngayong araw ang pagbisita namin sa kanila. Ngayong araw ko rin sasabihin ang totoo sa kanila.

Hindi naging madali kay Zachary ang nangyari. Saglit syang nagtampo sakin maging kay Zeus. Masyado syang nasaktan dahil itinago ko ang katotohanan sa kanya.

Lumipas lang ang ilang oras ay nagkausap-usap kami nina Zeus at napatawad ako ng anak ko. Ang sabi nya ay naiintindihan nya raw ang lahat. Ang sabi naman ni Zeus sa kanya ay pwede pa rin syang ituring na ama ng anak ko na syang malugod na sinang-ayunan ni Zachary.

"I love you, my Ysabel." rinig kong sabi nya bago kami lumabas sa kotse.

Kahit na nalaman nyang hindi sya totoong anak ni Zeus, nakadagdag lang iyon sa desisyon nyang pakasalan si Ysabel at hindi sundin ang gusto ni Zeus. Mas tumibay ang desisyon nyang hindi pakasalan si Steffi.

"Nasa sala ho sila, maam Agatha." sabi ng isang kasambahay.

Kinakabahan man ay nagpatuloy pa rin ng anak ko sa tahanan nina Nicole. Hawak ni Zachary ang kamay ko habang tinatahak namin ang daan papunta sa sala.

"Agatha!" rinig kong pagtawag sakin nina tita at tito.

Akala ko ay magagalit sila pero isang mainit na yakap ang sinalubong nila sakin. Gumanti rin ako ng yakap sa kanila. Sobrang namiss ko ang pamilya ko. Ang tagal na rin mula nang magkasama kami.

Nilingon nila si Zachary na nakatingin samin. Hinawakan ko ang kamay ng anak ko bago sya ipakilala, "This is Zachary, my son."

Yumakap si tito sa anak ko bago guluhin ang buhok nito, "Ang laki mo na! Huling kita ko sayo ay sanggol ka pa."

Ngumiti si Zachary sa kanya bago sya yakapin ni tita, "Kamukha mo ang lola mo. Boy version ka nya."

"Talaga po, lola?" namamanghang sabi ni Zachary.

"Oo apo, kamukhang-kamukha mo ang kapatid ko. Boy version nga lang " pagsagot ni tito.

"Ehem, kami naman." sabi ni Nicole bago yakapin ang anak ko.

"Alam kong nagkita na tayo noong nakaraang araw pero hindi ako pormal na nagpakilala sayo. I'm Nicole, nag-iisang dyosang pinsan ng mommy mo." sabi nito sa anak ko.

"Eh tita Nicole, ikaw lang naman po ang pinsan ni mommy." nakangiwing sagot ng anak ko na umani ng tawa nila tito at tita.

Pagkatapos naming magsalo-salo sa tanghalian ay dumiretso kami sa opisina ni tito. Naiwan naman ang anak ko sa sala kasama ang mga anak ni Nicole.

"What is it, Agatha?" seryosong pagtanong ni tito.

Tumingin ako kay Nicole na tinanguan ako. Muli akong tumingin kay tito bago umamin sa mga kasalanan ko. Pagkatapos kong sabihin lahat-lahat, maging ang mga plano nina Cynthia, ay yumuko lamang ako dahil natatakot akong makita ang reaksyon nila.

"May mga ebidensya ka ba?" tanong ni tito.

Nilabas ko ang ilang envelope sa bag ko at inabot sa kanya, "Galing ang yan sa private investigator na nakuha ni Zeus."

Nilabas ni tito ang laman ng unang envelope, "Mga ebidensyang magdidiin samin nina Cynthia sa pagkamatay ni Cassandra. Hindi lang ako ang may pakana nun. Kasama silang mag-asawa."

Nilabas naman nya ang laman ng pangalawang envelope, "Nakasaad dyan ang mga plano nina Cynthia. Ang kagustuhan nyang makuha ang lahat-lahat ng ariarian ng pamilya Henderson. Mga ari-arian ni Cassandra kasama na ang kumpanyang tinayo ng angkan nila."

Tumingin sya sakin bago nagtanong, "Sino na ang may-ari ng mga ito?"

"Ang kumpanya ay hawak pa rin ni Zeus. Sa mata ng mga tao ay si Zeus na ang nagmamay-ari nito pero ang totoo ay nakapangalan pa rin ito kay Cassandra. Ang properties naman nila ay binili ni Zeus. Not totally binili dahil gumamit sya ng ibang pangalan para makuha ito. Ang totoo ay nakapangalan pa rin ang mga ito kay Cassandra. Hindi papayag si Zeus na mapunta ang mga iyon sa ampon ng mga Henderson, kay Cynthia."

Tinuon naman nya ang pansin sa huling envelope, "Ang iba ay galing sa asawa ng kapatid ko. Galing kay Kenneth Sebastian Wright. Mga larawan ng bawat transaksyon nila. Mga listahan ng mga kasabwat nila. Mga lugar kung saan ang kuta nila. Mga bansang kasabwat nila. Nakuha mismo nya iyon mula sa anak ni Cynthia na si Steffi."

Tumango-tango sina tito, senyales na naintindihan nya ang gusto kong iparating. Muli syang tumingin sakin at nagtanong, "Arrange marriage, itutuloy mo ba?"

Umiling ako sa kanya bago sumagot, "No tito. Hindi ko pipilitin ang anak ko sa bagay na hindi nya gusto. Katulad ng binanggit ko kanina, papalabasin lang na sumang-ayon kami ni Zeus sa gusto nila Cynthia para hindi sila maghinala na may plano kami laban sa kanila."

"Tsaka.. He's in love with Ysabel Montefalco, Zeus and Cassandra's daughter. Isa sa teiplets nila. Mahal na mahal nya si Ysabel, tito. Bilang magulang nya, hindi ko pipigilan ang nararamdaman nya. Hindi ako tututol sa gusto ng anak ko."

Tumingin ako nang seryoso kina tito, "Tito, ikaw na ang bahala sa anak ko ha? Kayo na lang ang pamilya nya kapag nawala na ako. Hayaan nyo syang mahalin at makasama si Ysabel hanggang sa pagtanda nila. Aasahan ko yan, tito."

----

Untold Stories 2: Mistress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon