Nanginginig ang mga kamay ko habang nililibot ko ang paningin sa sala ng bahay kung nasaan kami ng anak ko. Natigil lamang iyon nang maramdaman ko ang kamay ng anak ko.
I looked at him smiling at me, "Its okay mommy. Don't worry, I'm here."
Tumango lang ako sa kanya bago ko muling libutin ang paningin ko. Puro mga larawang nakasabit sa dingding ang nakikita ko. Mga larawan ng isang masayang pamilya. Mga larawan ng dalawang bata. Mga larawan ni Jessica. Mga larawan ko.
"Agatha, anak." rinig kong pagtawag sa pangalan ko.
Kasabay ng unti-unti kong paglingon sa kanya ay unti-unti ring tumutulo ang mga luha ko. He changed. Hindi na sya kasing-lusog at kasing-lakas tulad noon. From a well-built man, isang payat at namumutlang ginoo ang nasa harap ko ngayon.
"D-daddy.." nanghihinang pagtawag ko sa kanya.
Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi habang lumuluhang nakatitig sakin. "A-anak. You're h-here."
Dahan-dahan akong tumango sa kanya dahilan ng paghikbi nya, "Anak I'm sorry.. Patawarin mo na si daddy.."
Hinawakan ko ang mga kamay nya bago sumagot, "Yes daddy. Matagal na.. Matagal na kitang napatawad.."
Niyakap nya ako nang sobrang higpit. Isang yakap na kay tagal kong ninais makuha mula sa kanya. Isang yakap mula sa ama. Isang yakap na punong-puno ng pagsisisi at pangungulila sa anak.
Matapos nya akong yakapin ay sinabi nya ang mga salitang humaplos sa puso ko, "Mahal na mahal ka ni daddy, Agatha. Always remember that."
"I love you too, daddy." sabi ko sa kanya bago ko nya halikan sa noo ko.
Lumingon naman sya sa anak kong nakangiti samin. "Who is this young man?" pagtanong ni daddy.
"Hi po lolo! I'm Zachary Harrison po. Only son of my mommy Agatha and daddy Zeus." nakangiting pakilala nya sa lolong hindi ko pinakilala sa kanya noon.
Halatang nagulat si daddy kaya naman ningitian ko lang sya. Lumapit naman sakin si Jessica at niyakap ako bago bumulong, "Thank you, Agatha."
Ningitian ko sya bago gumanti sa yakap nya. "Masaya ako at magkasundo na ang dalawang prinsesa ko." rinig kong sabi ni daddy.
"Masaya rin kami, dad." sagot ni Jessica.
"Bueno, nakahanda na ang tanghalian. Halika na't kumain." paanyaya ni daddy.
Nagpresinta naman ang anak kong magtutulak sa wheelchair ng lolo nya. Tuwang-tuwa naman si daddy sa anak ko. Si Zachary ang unang apo nyang lalaki. Tatlong babae naman ang mga anak ni Jessica.
"Hello po, tita Agatha. I'm Chloe po. Senior na po ako at pangarap kong maging doktor." magiliw na sabi ng panganay na anak ng kapatid ko.
"Ako naman po si Sandra. Nasa 4th grade na po ako ngayon." pakilala naman ng isa.
"This is Claire." sabi ni Jessica habang buhat ang dalawang taong gulang na sanggol.
"I'm Zachary. Senior high school na rin." pakilala naman ng anak ko. Halos magkasing-edad naman sila ng pinsang si Chloe.
Masaya kaming nagsalo-salo ng tanghalian. Nagkukwentuhan, nagkukulitan, nagtatawanan. Ang sarap sa pakiramdam na magpatawad at mapatawad. Kung alam ko lang na ganito ang pakiramdam ay sana noon ko pa ginawa.
Nasa bahay na kami ngayon ni Zachary. Masaya sya dahil nakilala nya ang lolo, tita Jessica at mga pinsan nya sa side ko. Sa side kasi ni Zeus ay hindi sya napakilala. Ayaw kasi sakin ng mga magulang ni Zeus. Naiinitindihan ko naman yun dahil pangalawang asawa lang ako. Ako ang nanira ng pamilya.
BINABASA MO ANG
Untold Stories 2: Mistress (Completed)
Fiction générale"I am already married." he said. Four words. A sentence that broke my heart into million pieces. He's married. Nagpakasal na sya. Hindi nya ako hinintay. Nagpakasal sya sa iba. At anong mas masakit? He married my bestfriend!! ------ This is the stor...