Lumipas na ang maraming taon. Sa paglipas ng mga taon ay unti-unting napilayan sina Cynthia at ang asawa nito. Sa lumipas na mga taon ay unti-unting naisiwalat ang anumalyang ginawa ng mag-asawa. Nalaman ng publiko ang tungkol sa mga transaksyon at mga bansang kasabwat sa pagpapapasok ng droga dito sa bansa. At sa lumipas na mga taon ay hindi kami pinaghinalaan nina Cynthia.
Tulad ng inaasahan ay bumalik ng bansa ang mag-ina na parang walang nangyari. Tinago nila ang naging pagbubuntis ni Steffi. Ang bata naman ay nakuha ng pinsan ni Kenneth na asawa ni Jessica.
Kinakausap pa rin kami nina Cynthia tungkol sa magiging kasal ng anak ko sa anak nya. Hindi nya nabanggit ang naging pagbubuntis ng anak nya. Kahit naman hindi nya sabihin ay alam na namin noon pa. Nagpapasalamat lang ako dahil hindi nila sinaktan ang bata.
Sa lumipas na mga taon ay puro arrange marriage ang bukam-bibig ng mag-inang Cynthia at Steffi. Katulad ng inaasahan ko ay labis ang pagtanggi ng anak ko na syang kinatuwa ko. Sa nakalipas kasi na mga taon ay mas lumalim ang pagmamahal nya para kay Ysabel.
"Mommy, I have a good news." masayang sabi ng anak ko mula sa kabilang linya.
Kasalukuyang nasa Baguio sya ngayon at kasama si Ysabel na asawa na nya ngayon. Masaya na malungkot ako nang malaman kong kinasal na sila. Masaya ako dahil nagkatuluyan ang dalawa at malungkot dahil hindi kami inimbita ng anak ko. Nakakatampo pero mas maganda na yun kaysa sa malaman agad nina Cynthia ang tungkol doon.
"What is it, anak?" pagtanong ko naman.
"Mommy she's pregnant! My wife is pregnant! Magiging daddy na ako!" masayang pagbalita nya.
"Really anak? Magiging lola na ako? I'm so happy anak!" sabi ko naman kaya napatingin sakin si Tiffany na kasama ko rito sa sala ngayon.
"Yes mommy! I'm so happy! Magiging daddy na ako!"
"So anak, kailan mo balak dalhin dito sa bahay si Ysabel? Hindi mo pa sya pinapakilala samin. Hindi nga rin kami nakadalo sa kasal nyo." sabi ko naman.
"I'm sorry mommy. Alam mo naman sina dad pati na rin si Steffi. I want to make sure na magiging maayos ang lagay ng mag-iina ko." sagot nito dahilan para mapangiti ako.
I really raised a gentleman. I'm so proud na napalaki ko nang maayos ang anak ko.
"I understand anak. But please, dalhin mo sya rito para makilala namin ng ate Tiffany mo. Ako na ang bahala sa daddy mo, okay?" sabi ko naman.
"Opo mommy. Pag-iisipan ko po."
Naputol na ang tawag nang magsalita si Tiffany, "Anong sabi nya?"
Napangiti ako bago sumagot, "She's pregnant. Your sister is pregnant."
"Really? I knew it! Kailan daw sila dadalaw? I want to meet my sister." sabi ni Tiffany.
"Pag-iisapan nya pa. Natatakot sya sa maaaring gawin ni Steffi sa asawa nya." sabi ko naman.
"Problema talaga ang babaeng yun!" sabi nito bago muling tumingin sakin, "How about we set the date?"
Tumango ako sa kanya, "Kakausapin ko ang daddy mo."
"Anong sasabihin nyo sakin?" napalingon kami nang dumating si Zeus.
Kakagaling nya lang sa kumpanya ngayon. Agad syang naupo sa sofa at inulit ang tanong, "Anong sasabihin nyo sakin?"
"My sister is pregnant daddy! Magiging tita na ako! Yehey!" masayang pagbalita ni Tiffany.
Tumingin sakin si Zeus bago nagsalita, "Totoo ba? Magiging lolo na ako?"
Tumango ako sa kanya bilang pagsagot. Ngumiti nang malaki si Zeus bago nagsalita ulit, "Kailan daw sila pupunta dito? Aba gusto kong makita ang anak ko at ang magiging apo ko."
"Yun na nga daddy.. Natatakot si Zachary sa maaaring gawin ng mag-inang Cynthia at Steffi kapag nalaman nila ito." pagsumbong ni Tiffany.
Sumeryoso naman si Zeus bago nagsalita, "Problema talaga sila. Bale, set a date yung aakalain ni Zachary na nasa business meeting ako. Alam nyo naman siguro? I'll be villain muna sa mga mata nila."
Tumango kami ni Tiffany bilang pagsang-ayon. Agad kong tinawagan ang anak ko upang ibalita ang naging plano. Pumayag naman sya sa gusto namin.
Tatlong araw ang lumipas ay dumating na ang araw na magkikita kami nina Ysabel. Syempre ay kinakabahan ako sa magiging reaksyon nya kapag nakita nya ako.
"Maam Agatha, nandito na ho sila." sabi ni manang kaya naman agad kaming pumunta ni Tiffany sa main entrance para salubungin sila.
"Mommy! I miss you!" sabi ng anak ko nang makapasok sila at yakapin ako.
"I miss you too, anak." sabi ko sa kanya bago ibaling ang tingin sa isang magandang dilag na kasama nya.
Ysabel..
Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. Ganun din ang ginawa ni Tiffany. Napansin ko pa ang pasimple nyang pagpunas ng luha na tumulo galing sa mga mata nya.
"Dinner's ready. Lets go." pag-aya ni Tiffany bago hawakan sa braso si Ysabel at hinila papunta sa dining area.
Agad na nagningning ang mga mata ni Ysabel nang makita ang pagkain.
Natawa naman ako bago nagsalita, "Paborito mo daw yan sabi ng asawa mo."
Napangiti ako nang makita ang pagsandok ng anak ko ng pagkain at pagsalin nya ng mango juice sa baso ni Ysabel. Masaya ako dahil maalaga ang anak ko at maasikaso sa asawa nya.
Napatingin ako kay Tiffany na kanina pa nakatitig kay Ysabel. Alam kong masaya sya dahil sa wakas ay nakita na nya ang isa sa tatlong kapatid nya.
"May dumi po ba ako sa mukha?" pagtanong ni Ysabel dito.
Natawa naman si Tiffany at umiling bago sumagot, "Wala naman sis. Ang ganda mo kasi eh. Tsaka parang may kahawig ka."
Kasalukuyang sinusubuan ng anak ko ang asawa nya nang magtanong ako, "Ilang buwan na ang tyan mo, hija?"
Tumingin naman ako sa anak ko bago nagsalita, "Ikaw ha! Hindi mo man lang kami pinapunta sa kasal nyo. Ngayon mo lang pinakilala ang asawa mo na ngayon ay buntis."
Tanging ngiti lang ang sinagot nang anak ko. Nagtanong naman si Tiffany sa kapatid, "I heard pinakulong nyo si Arthur Montemayor. What happened?"
Pinakulong nina Ysabel si Arthur Montemayor na asawa ni Cynthia. Nabalitaan na lang namin ang nangyari at kahit na humingi ng tulong si Cynthia ay hindi namin tinulungan dahil diin na diin na ang pangalan ng asawa nya.
"Pinasabog nya ang isa sa site na ginagawa ng mga trabahador namin. Maraming nasaktan sa kanila. Mabuti na lang ay magaling na imbestigator at abogado ang dalawa kong kapatid kaya napakulong namin sya maging ang mga kasabwat nya." pagsagot ni Ysabel.
"You mean, sila ang nakahanap ng ebidensya laban sa matandang lalaking iyon?" tanong pa ni Tiffany
"Yes. Ang pagiging drug lord nya ay nahanap ng kapatid ko." sagot ni Ysabel.
Maya-maya naman ay may nagsalita, "What is the meaning of this?!"
Tulad ng inaasahan ko ay dadating si Zeus dahil hindi naman talaga totoo ang business meeting nito.
Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng anak ko at ni Zeus. Talagang pinanindigan ni Zeus ang pagiging kontrabida. Siguro ay magiging magaling na artista si Zeus kung nagkataon.
Kahit na ginawang nakakatakot ni Zeus ang mukha nya ay hindi pa rin nakatakas sa paningin ko ang saya at pangungulila sa mga mata nya habang nakatingin sa anak na si Ysabel.
-----
AN: Sorry for the looooong wait ulit. Anyways, malapit na syang matapos guys. Ngayon pa lang ay gusto ko nang magpasalamat sa pagsuporta nyo sa kwentong ito. Sa mga sumubaybay ng kwento nila, gusto ko rin sabihing may book 3 pa ito.Sana ay suportahan nyo rin ang book 3. Ipa-publish ko rin kapag natapos na itong book 2.
BINABASA MO ANG
Untold Stories 2: Mistress (Completed)
Ficción General"I am already married." he said. Four words. A sentence that broke my heart into million pieces. He's married. Nagpakasal na sya. Hindi nya ako hinintay. Nagpakasal sya sa iba. At anong mas masakit? He married my bestfriend!! ------ This is the stor...