A/N: This is a flashback. Still Agatha's POV.
-----
Naglalakad ako ngayon papunta sa silid na pinagdalhan kay Cassandra. Yes, pinakidnap ko sya at ngayon ay nasa puder ko sya.
Dito sa isang lumang bodega ko pinadala si Cassandra. Masyado itong malayo sa mga bahay kaya naman walang makakapansin sa amin. Hindi rin naman magsasalita ang mga tauhang kinuha ko dahil takot sila sakin. Perks of having a president grandfather.
Nang makalapit kay Cassandra ay sinenyasan ko ang isang tauhan ko na buhusan ng malamig na tubig si Cassandra para magising.
"Help! Sino kayo?! Pakawalan nyo ako!" sigaw ni Cassandra.
"Kahit sumigaw ka nang sumigaw, walang makakarinig sayo Cassandra." sabi ko kaya naman natigilan sya.
"Agatha? Hayop ka! Pakawalan mo ako!" sigaw nya ulit kaya naman sinenyasan ko ang isa sa mga tauhan ko na tanggalin ang piring sa mata ni Cassandra.
Nang tuluyang tinanggal ang piring nya ay nanlilisik ang mga matang tumingin sya sakin bago muling sumigaw, "Hayop ka, Agatha! Hindi ka pa nakuntento sa ginawa mo sa anak ko noon! Walang hiya kang babae ka--"
I slapped her hard bago ko hawakan ang buhok nya at pinatingala sakin, "Oo! Hindi pa ako nakuntento sa ginawa ko sa anak mo! Kulang pa nga eh!"
"Demonyo ka Agatha! Pakawalan mo ako dito!" sigaw nya kaya sinampal ko na naman sya.
"Yes, I'm a demon at dahil yun sayo! Mang-aagaw ka!" sigaw ko bago ko hawakan ang panga nya at ibaon ang mga kuko ko sa mukha nya.
Nanlilisik naman ang mga matang nakatingin sya sakin bago ko bitawan nang marahas ang mukha nya. Hanggang ngayon ay nakatali pa rin sya sa upuan kaya kahit gusto nya akong saktan ay hindi nya magagawa.
"Huwag mo nang pagurin ang sarili mo, Cassandra. Hindi ka naman makakawala eh! Bakit hindi mo na lang tanggaping natalo kita!" sigaw ko sa kanya.
Akala nya ba ay hindi ko alam na tatakas sila ng mga anak nya papunta sa ibang bansa? Akala nya ba ay wala akong alam? Pwes, nagkakamali sya. Kahit kailan ay hindi nya ako matatalo.
Mga bata pa lang kami ay palagi na nya akong natatalo sa lahat ng bagay. Sa academics, sa talent, sa pag-uugali, at sa atensyon ng lahat. Lahat-lahat ng para sakin ay inagaw nya. At hindi ako papayag na magtagumpay sya. Sisiguraduhin kong luluhod sya sa akin para magmakaawa para sa buhay nya.
"Maganda ka talaga Cassandra pero hanggang dyan ka lang. Wala ka namang binatbat sakin pero gustong-gusto ka ng lahat!" sigaw ko pa.
Ngumisi sya sakin bago sumagot, "Alam mo kung bakit? Kasi demonyo ka! Bait-baitan kang babae ka pero nasa loob ang kulo mo! Yung tatlong kaibigan ng kapatid mong si Jessica? Hindi mo naman sila tutulungan kung wala silang pakinabang sayo. Ginamit mo lang sila para maging masama si Jessica sa paningin ng ibang tao at kaawaan ka nila. Para ano? Para saan? Para sa atensyon na hindi binigay sayo ng mga magulang mo! Para sa pagmamahal na hindi pinadama sayo ng pamilya mo!"
"Shut up! Shut up! Wala kang alam, Cassandra! Manahimik kang babae ka!" sigaw ko sa kanya.
Tumawa naman ng nakakaloko si Cassandra bago nagsalita ulit, "Bakit? Totoo naman diba? Wala ka namang kaibigan eh! Ginamit mo lang sina Arriane, Bianca at Coleen para sa pansarili mong kapakanan! Kahit ang pinsan mong si Nicole ay napaikot mo! Car accident? Sinadya mo yun Agatha! Hindi naman totoong sinira ni Jessica ang brake ng kotse mo. Nilagyan nya lang ng detective device ang kotse mo at inakala lang ni Coleen na may ginawa si Jessica sa kotse mo."
"Ikaw Agatha! Ikaw mismo ang sumira ng brake ng sasakyan mo! At yung mga magulang ni Coleen? Ikaw mismo ang nagpakidnap sa kanila! Oo, pinadukot ni Jessica ang mga magulang nya pero iniligtas mo sila. Nang makuha mo sila, saka mo inutusan ang mga tauhan mong palabasin na si Jessica ang may kasalanan! Sinadya mong ipaharang ang kotseng lulan ng mga magulang ni Coleen para mabangga ng kotse mong nilagyan mo ng bomba!" pagpapatuloy nya.
Lahat ng sinabi nya ay totoo. Sinadya ko ang nangyaring aksidente sakin. Oo, ginamit ko sina Arriane, Bianca at Coleen para pagmukaing masama si Jessica at para makuha ko ang atensyon ni daddy.
Bata pa lang ako ay wala na syang oras para sakin. Nang malaman kong may anak sya sa ibang babae, doon ko nalaman ang dahilan ng pagkawalan nya ng oras at atensyon sakin. Lahat yun ay dahil kay Jessica. Inagaw ni Jessica ang atensyon at pagmamahal ni daddy na para lang sakin.
Nagawa kong isawalang bahala ang buhay ko para maaksidente ako na syang sinadya ko. Akala ko kasi ay makukuha ko na ang atensyon ni daddy pero mali ako. Mali ako dahil mas nilayo nya ang sarili nya sakin.
Then I met Zeus. He's mine the moment I laid my eyes on him. Nawala lang ako ay napunta na sya kay Cassandra. Inagaw ni Cassandra sakin si Zeus! At hindi ako papayag na hindi ako makaganti sa kanya. Pagbabayaran nya ang ginawa nya sakin.
"Oh! Look who's here." napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.
"Cynthia? Kasabwat ka nya?" hindi makapaniwalang sabi ni Cassandra nang makita ang kapatid na si Cynthia.
"Well.. Yes, my dear sister. Magkasabwat kami. Why? Iisa lang naman ang gusto naming mangyari. Yun ay ang mawala ka sa landas namin! Is it amazing?" pagsagot ni Cynthia.
"Mga walanghiya kayo! Tinuring ko kayong kaibigan pero ito ang igaganti nyo sakin! Mga walang utang na loob! Bakit? Sa tingin mo ba Cynthia, nang isilang ako, hindi naisip ng mga magulang kong ibalik ka kung saan ka nanggaling? May isip na ko nun nang malaman ko ang plano nilang pagbalik sayo sa bahay-ampunan. Kung alam ko lang na tatraydorin mo ako, sana pumayag na lang akong ibalik ka nila sa pinanggalingan mo!" sigaw ni Cassandra bago masamang tumingin sakin.
"Bakit? Sa tingin mo ba Agatha, bibigyan ka ng atensyon ng mommy mo? Hell no! Kung hindi lang namin sya pinakiusapan ni mommy, namamalimos ka sana sa pagmamahal ng mommy mo! Mga wala kayong utang na loob!" sigaw nya pa.
Nakaramdam ako ng kung ano nang marinig ang sinigaw ni Cassandra. Yes, masyadong busy si mommy sa kumpanya at wala syang masyadong oras sakin. Lumaki akong tanging si manang lang ang kasama at sya ang nag-alaga sakin.
Bumaling ang tingin ko kay Cynthia nang sigawan nya ako, "Ano Agatha?! Magpapaniwala ka sa babaeng ito?! Baka nakakalimutan mo ang ginawa nya sayo? Inagaw nya sayo si Zeus! Naiintindihan mo? Inagaw nya sayo si Zeus!"
"That's not true! Hindi ko sya inagaw sayo! Wala akong inaagaw sayong babae ka!" sigaw ni Cassandra.
Hinawakan ko nang mahigpit ang kutsilyong nasa gilid ko at walang awang sinaksak sa tyan si Cassandra. Nanghihina na sya pero nagawa nya pang ngumisi at magsalita, "Akala mo ba? Tuluyan mong makukuha sakin si Zeus? Hell no, Agatha! Kakamuhian ka nya, Agatha! Mark my words! Kakamuhian ka nya---"
Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya nang paulit-ulit ko syang sinaksak. "Hindi yan totoo! Akin lang si Zeus! Akin lang!" sigaw ko bago ko sya saksakin sa dibdib.
Narinig ko ang pagpalakpak ni Cynthia kasabay ng pagsasalita nya, "Good job, Agatha! Hindi talaga ako nagkamaling kumampi sayo!"
Dahan-dahan kong binitawan ang kutsilyong ginamit ko sa pagsaksak kay Cassandra. Pinagmasdan ko ang mga kamay kong nababahiran ng dugo ni Cassandra.
Tumalikod na ako at hindi pa man ako nakakalayo nang magsalita ang tauhan ko, "Patay na boss. Anong susunod naming gawin?"
Sumikip ang dibdib ko nang marinig ang sinabi nya. Patay na si Cassandra at ako ang pumatay sa kanya.
"Itapon nyo sa kung saan. Siguraduhin nyong walang makakakita sa inyo." seryosong sabi ko bago ako tuluyang umalis doon.
----
BINABASA MO ANG
Untold Stories 2: Mistress (Completed)
Ficção Geral"I am already married." he said. Four words. A sentence that broke my heart into million pieces. He's married. Nagpakasal na sya. Hindi nya ako hinintay. Nagpakasal sya sa iba. At anong mas masakit? He married my bestfriend!! ------ This is the stor...