Sa isang magarang venue huminto ang sasakyang lulan namin nina Zeus, Tiffany at Zachary. Ngayon ipapakilala ang triplets nina Zeus at Cassandra.
Hinanda ko na ang sarili ko rito. Hinanda ko na ang magkabila kong tainga para sa panghuhusga ng mga tao. Hinanda ko na ang mga mata ko para sa muling pagkikita namin ng mga anak ni Cassandra lalo na si Ysabel na minamahal ng anak ko.
"Oh! You're here!" sabi ni Angela nang makalapit kami sa kanila ng asawa nyang Gabriel.
Mapaglarong ngumiti sya sakin bago muling nagsalita, "Relax Agatha.. I won't bite."
Huminga ako nang malalim bago ngumiti sa kanya. Inaya naman nya si Tiffany at ipapakilala sa mga bisitang narito. Habang si Gabriel naman ay umalis kasama ni Zeus. I even heard him saying its important so I guess its about business. Naiwan kami ni Zachary sa mesa.
Mayamaya ay may lumapit sa pwesto namin at kinausap ako, "Ms. Agatha?"
"Yes?" pagsabi ko dahil hindi sya pamilyar sakin.
"Its me, Lucy." pagpapakilala nya.
Lumaki naman ang mga mata ko nang makilala sya, "Lucy! How are you?"
Ngumiti sya sakin bago sumagot, "I'm fine. Sayang naman at hindi ko kasama ang mag-ama ko."
Tumingin sya kay Zachary bago nagsalita, "You must be her son?"
Inilahad ni Zachary ang kamay nya, "Yes. I'm Zachary Harrison, Ms. Lucy."
"Harrison? Is Mr. Zeus Harrison your dad?" pagtanong ni Lucy.
Napansin ko naman ang pagbalik nina Angela at Tiffany sa mesa namin kaya hindi na nakasagot si Zachary.
Binalingan naman ng tingin ni Lucy si Tiffany na naupo na sa tabi ni Angela. "You must be Tiffany, only daughter of Mr. Zeus and Ms. Cassandra? How are you? Last time I've seen you, you were only four."
Ngumiti si Tiffany bago nagtanong, "May I ask, who are you?"
"Oh! Sorry dear. I'm Lucy, dati akong secretary ni Ms. Agatha sa university na pagmamay-ari ng pamilya nila. Kilala ko ang daddy mo dahil nag-aral din sya doon noon. Nakilala ko naman ang mommy Cassandra mo noong kasal ng tita Cynthia mo." mahabang paliwanag ni Lucy.
Nakakunot naman ang noo ni Tiffany bago nagsalita, "Tita Cynthia? You mean, Cynthia Montemayor? Kaibigan nya?"
Ngumiti si Lucy bago sumagot, "Yes, kaibigan ni Ms. Agatha. Actually madami sila noon pero mas close nya si Ms. Cynthia. Hindi mo ba sya kilala? Kapatid sya ng mommy Cassandra mo."
Seryosong nagsalita si Angela, "No. Wala syang ibang tita kundi ako lang. Besides, wala namang dugong Henderson si Cynthia. Hindi sila magkadugo ni ate Cassandra. Ibig sabihin, hindi rin sila magkadugo ni Tiffany."
Mukha namang naguluhan si Lucy pero humingi na lang ng pasensya bago nilisan ang pwesto namin. Bumaling naman ang atensyon ni Angela sakin at masama akong tinignan.
Mayamaya ay tumingin sya kay Tiffany, "Wag na wag kang lalapit kay Cynthia at sa mga taong konektado sa kanya. You don't know her, Tiffany. Pareho sila ng takbo ng pag-iisip."
"What do you mean, tita Angela?" naguguluhang pagtanong ni Tiffany.
Ngumiti si Angela rito bago sumagot, "Don't come near the monsters, Tiffany."
Nakakaintinding tumango si Tiffany. Ilang minuto naman ang lumipas ay bumalik sa pwesto namin sina Gabriel at Zeus na namumula ang mga mata.
"Thank you, Gabriel." rinig kong sabi ni Zeus sa asawa ni Angela.
BINABASA MO ANG
Untold Stories 2: Mistress (Completed)
General Fiction"I am already married." he said. Four words. A sentence that broke my heart into million pieces. He's married. Nagpakasal na sya. Hindi nya ako hinintay. Nagpakasal sya sa iba. At anong mas masakit? He married my bestfriend!! ------ This is the stor...