Chapter 30:

1.3K 23 0
                                    

Lumipas ang isang buwan. Nabalitaan ko na lang na nagkakalabuan sina Zeus at Cassandra. I still can't believe na nangyari yun. I still can't believe na ginawa ni Christian yun kay Cassandra. I've seen the photos. Pinakita sakin ni Cassandra nang mag-usap kami. She told me it was edited. Naniniwala ako sa kanya dahil kilala ko si Cassandra at alam kong hindi nya yun magagawa.

Nagising akong masakit ang ulo at nagsusuka. Ilang araw na akong ganito kaya naman nag-aalala na sakin si manang Celia. I told her, maayos lang ako para hindi na nya sabihin pa kina tita Amy. Alam ko namang nagrereport sya kina tito at ayokong malaman ng pamilya ko ang nangyayari sakin dahil ayokong mag-alala pa sila.

Pumunta ng bahay ko si Chloe at dito nagtatago. Actually, isang buwan na syang nagtatago rito sa lungga ko. Hindi naman nya sinasabi ang problema pero alam kong may kinalaman iyon kay Xarious.

"Ano ba talagang problema?" pagtanong ko. Nandito kami sa garden ng bahay ko at tumatambay.

"I.. I can't be with him, Agatha. Hindi pwede." pagsagot ko bago naglandas ang mga luha nya.

"Mas lalong gugulo ang buhay nya kapag nagsama na naman kami. Maayos na ang buhay nya. Maayos na ang buhay ko." pagpapatuloy nya.

"But he's your husband, Chloe." sabi ko naman.

"I know." simpleng sagot nya bago muling nanahimik sa tabi ko.

Nagpalipas kami ng oras doon bago tumunog ang phone ko. "Cassandra?"

Nakita kong tumingin sakin si Chloe pero wala naman syang sinabi.

"Yes. Pupunta ako. I'll go there with a friend." huling sabi ko kay Cassandra bago ko ibaba ang tawag.

"Its their daughter's 4th birthday at iniimbitahan ako. Sama ka sakin para makalanghap ka ng sariwang hangin." sabi ko sa kanya.

Saglit syang nanahimik na para bang nag-iisip. "Sure. Kailan ba?" pagtanong nya.

"A day after tomorrow." sagot ko bago ako umalis sa garden.

"Saan ka pupunta?" takang tanong nya na sinagot ko lang ng pagngiti.

Agad akong sumakay sa kotse ko at dumiretso sa drug store para bumili nun. Kailangan kong makasigurado.

Nang makapasok sa kwarto ko ay agad kong ginamit ang binili ko. Ilang sandali pa ang pinalipas ko bago ko malaman ang resulta.

Two red lines.

Mabilis na tumulo ang mga luha ko. I'm pregnant! May nabuo kahit na isang beses lang nangyari yun. Masaya ako na buntis ako pero hindi ko maiwasang masaktan para sa anak ko. May asawang tao ang ama nya at magiging anak sya sa labas.

Nagulat ako nang may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko at pumasok si manang Celia. Sa sobrang pagkagulat ko ay nabitawan ko ang PT at huli na para itago dahil dinampot iyon ni manang Celia. Nanlalaki ang mga matang tumingin sya sakin.

"Sino ang ama?!" tanong nya gamit ang mataas na boses.

Hinawakan nya ang magkabila kong braso bago muling nagtanong, "Sino ang ama, Agatha?!"

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko at napahagulgol na lang ako bago ko sagutin ang tanong nya, "Si Zeus po. Si Zeus ang ama."

Unti-unti nyang binitawan ang magkabila kong braso. "Anong pinasok mo, Agatha?! Alam mo ba kung anong pinasok mo?! Agatha may asawa sya! May pamilya sya!" sigaw nya sakin.

Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko bago nagsalita, "Alam ko po. Alam ko po manang. Pero anong magagawa ko? May nangyari samin at nabuntis nya ako.."

Untold Stories 2: Mistress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon